Aleyah Pov
I don’t know if pagbubuksan ko na siya ng pinto, at ano bang ginagawa nila dito? Tapos na ang kasal, so dapat wala na kaming kailangang pag usapan pa! Muli siyang kumatok sa pinto, nakaka istorbo na ang lalaking to sa mga kapitbahay ko!
“What do you want? Gusto kong mapag-isa!” Galit kong sigaw, hindi ba uso sa kanya ang ME time? Broken ako, iniwan ng kakambal niya!
Para itong walang narinig, sunod-sunod na naman siyang kumatok! Medyo nakakainis na ang lalaking to!
Padabog kong binuksan ang pinto habang nakataas yung isang kilay ko, habang siya’y seryosong nakatingin sa akin. Hindi pa rin ito nagpapalit at mukhang dito ang kanyang diretso, siguradong umuusok na yung ilong ng mga magulang namin dahil wala kaming dalawa sa wedding reception.
“Anong kailangan mo?!” Mataray ko na tanong habang nakatingala, lalo akong nanliit dahil sa katangkaran niya.
“Pwede bang huwag mo akong guluhin? Broken ako, gusto kong mag-emote!” Dagdag kong sabi at pinanlakihan siya ng mata. Wala akong pakialam kahit matangkad siya.
“Gusto mo bang dito sa labas pag-usapan?”Pabalik niyang tanong, sinamaan ko siya ng tingin. “Wala akong paki kung broken ka, mahalaga ang pinunta ko rito!” Muli niyang sabi, dahil sa inis ko matalim akong tumingin sakanya, bago tuluyang buksan ang pinto at gumilid para mabigyan ng daan.
Siya lang yung pumasok, naiwan sa labas ng unit ko ang mga kasama niyang lalaki. Para saan, kailangang may bantay? Sino ba siya, oo mayaman silang tao at makapangyarihan like duh hindi naman ganyan si Vince.
Umupo siya sa pang isahang sofa, ako naman ay sa mahaba. Napatingin ako sa brown envelope na nilapag niya sa mesa.
“Pirmahan mo yan, ang kasal na nangyari ngayon ay isa lamang kontrata para sa inyong kompanya. Bukas susunduin ka ng isa sa aking tauhan, gagawin ko kung anong parte ko bilang asawa. Titira ka sa bahay ko pero hiwalay ang ating kwarto.” Seryoso niyang paliwanag, as if naman papatagalin ko ang kasal na ito. Hindi ko pinangarap ikasal sa taong hindi ko mahal, masaya sana kami ni Vince ngayon.
I have no idea what happened to him nor why he was able to leave me. He promised that we had a lot of dreams to fulfill. Everything was set up for the two of us to be together, but now wala akong ibang pinakasalan kundi ang kanyang kakambal.
“Hindi mo naman kailangang magpaka asawa, dahil una sa lahat hindi natin mahal ang isa’t isa. Pangalawa, si Vince ang dapat papakasalan ko hindi ikaw. At isa pa wala akong balak patagalan ang kasal na to!” Walang takot na sagot ko sa kanya, tahimik at nakatingin lang siya sakin. Nakipagtitigan din ako sa kanya, hindi ko dapat ipakitang meron akong takot na nararamdaman.
“At mukhang nakakalimutan mong dahil sa kasal na ‘to ay maisasalba ang kompanya niyo? Kaya kung anuman ang kagustuhan ko ay sumunod ka, ayoko ng matigas yung ulo. Hindi naman kita pakikialaman, basta nakikita lang ng ibang tao na umuuwi ka sa aking pamamahay. Ayokong masira ang iniingatan kong reputasyon dahil lang sa pinakasalan kita.” Prangkang sagot nito sakin, lalo lang akong nakaramdam ng pagka-irita sakanya. Anong gusto niya, taos puso akong magpapasalamat sakanya? Hindi ko gagawin ang bagay na yan, dapat lang namang pakasalan niya ako dahil meron naging usapan yung magulang namin.
“Bakit ko kakalimutan ang taong tumulong sa amin, oo sabihin na nating dahil sayo naisalba ang kumpanya namin. Pero hindi ibig sabihin ay maging sunod sunuran na ako sayo. Fine uuwi ako sa bahay mo, pero kapag nangialam ka sa buhay ko huwag kang umasang babalik pa kita.” Pagmamatigas ko, handa akong magtiis habang hindi pa kami nag uusap ni Vince. Kailangan kong marinig mismo sakanya kung anong dahilan bakit kailangang iwanan niya ako.
“Mabuti na yung nagkakaintindihan tayong dalawa, and I won't be surprised either kung bakit hindi ikaw ang pinili na pakasalan ni Vince.” Nagulat ako sa kanyang sinabi, anong alam niya kay Vince.
“Anong ibig mong sabihin, anong alam mo kay Vince? Alam mo ba kung nasaan siya?” Sunod-sunod ko na tanong sakanya, ngumisi siya at mahinang tumawa.
“Bigla ka atang naging maamo at interesadong kausapin ako. Parang kanina lang ay napakasungit mo at gusto muna akong paalisin.” May halong pang-aasar niyang sagot.
“Wala akong alam dahil hindi ko trabahong pakialamanan ang buhay ng ibang tao. Bakit hindi mo tanungin ang iyong ama, mukhang meron siyang alam kung bakit hindi ka sinipot ni Vince. Basta ang narinig ko kanina, tungkol sa ibang babae.” Dagdag na kwento niya, bago tumayo at akmang aalis na. Napatayo ako sa aking kinauupuan at hinawakan ang kanyang braso para pigilan siya sa pag-alis.
“Sinong babae? Saang bansa sila nagpunta? Susunod ako sa lahat ng gusto mo, magsabi ka lang ng totoo.” Wala akong pakialam kahit magmukha akong desperada sa mata niya. Hindi ko palalampasin ito, dahil alam kung hindi sasabihin ng aking ama if nasaan si Vince.
Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa braso at malamig siyang nakatingin sakin.
“Nagiging maamo kang tupa kapag si Vince ang pinag-uusapan. You're so desperate, if I were you, Aley, I'd forget about Vince because if he truly loved you, he'd choose you over another woman. Ang alam ko sumama siya sa ibang babae, tulad mo, babagsak din ang kumpanya nila.” Pagkasabi niya iyon ay tuluyan na siyang lumakad palabas ng aking unit, nanghihina akong napaupo muli sa sofa.
Nanginginig ang aking kamay dahil sa galit at halo-halo nararamdaman, tama naman siya kung talagang mahal ako ni Vince, he’d choose me hindi ang ibang babae. Ang luhang akala ko ay ubos na, ngayon ay nag-uunahan na namang umagos sa aking pisngi. Sa apat na taon namin magkasintahan, hindi sumagi sa aking isipan na ganito ang mangyayari. Dahil sobrang sweet at maalaga siyang tao, laging ako ang priority niya laging nakasuporta sa akin. Sa kanya na umikot ang mundo ko, ang dami kong pangarap na kasama siya.
Pero ngayon, siya ang dahilan kung bakit gumuho lahat. Sa sobrang sakit, halos mamanhid na ang buo kong katawan. Sobrang daming katanungan, hindi naman ako nagkulang bilang isang kasintahan.
Kung totoo nga ang sinasabi ni Vincent, hindi ko siya mapapatawad gaganti ako! Papabagsakin ko yung kumpanyang isinalba niya, hangga’t mag-asawa kami ng kanyang kakambal siya ang gagamitin ko para sa aking mga plano.
Hindi ako matatahimik Vince, hangga’t alam kong masaya kayong dalawa ng babae mo! Sisirain ko kayo, gaya ng ginawa mong pag-sira sa akin!
Pinunasan ko ang aking luto bago tumayo at lumakad patungo sa kwarto, lilipat ako bukas. Kailangan kong makuha ang loob ng lalaking iyon, dahil mukhang mahirap siyang paamuhin. Malaki ang pagkakaiba nilang dalawa ni Vince, hindi ko rin alam kung anong ugaling meron siya. Kailangan kong mag-ingat, sa estado ng kanyang buhay ngayon ay hindi siya basta bastang tao.
Sino ka ba talaga Vincent Espartero?
Itutuloy.