Chapter 3

1144 Words
Aleyah Pov Alas-tres na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang aking diwa, dahil sa curiosity ko, nag-search ako sa internet para malaman kung sino ba talaga si Vincent, and all I found out was that he was Mr. Espartero's eldest son and heir to one of their enterprises. Pati nga pagpirma sa kontrata na sinasabi niya ay hindi ko pa nagawa. Makakapaghintay naman siguro yan, mas importanteng malaman ko kung sino ba talaga siya. “s**t, bakit wala na akong makitang tungkol sa lalaking ito?” Naiinis kong sambit dahil kanina pa ako nag-sesearch. Humigop muna ako sa kapeng inorder ko pa sa starbucks, bago muling nag-click sa ibang site. Nag-scroll down ako, nagsalubong ang aking dalawang kilay. Binasa ko kung anong nakalagay. Natigilan ako nang mabasa kung anong kursong kinuha niya, kaklase sila ng isa kong kaibigan. “Bingo!! Akala mo hah! Worth it ang aking pagpupuyat!” Masaya kong siyaw. I took out my cell phone and dialed her number without hesitation, matagal bago siya sumagot. “What Aleyah, madaling araw ka talaga tatawag?” Bungad niya sakin, halata sa kanyang boses na kagigising lang. “Meron lang akong importanteng itatanong at hindi na pwedeng ipagpabukas. Gusto kong malaman ang tungkol kay Vincent Espartero, kung anong ugali niya.” Seryoso kong sagot, malakas siyang tumawa dahilan para lalo akong mairita. Kung hindi lang sa aking plano, wala akong balak pakialaman ang buhay niya. “Anong meron Aleyah at bigla kang nagkaroon ng interes sa kakambal ng boyfriend mo?” Natatawa niya na tanong, nasa ibang bansa siya kaya walang alam kung anong nangyayari dito. “Hindi natuloy ang kasal naming dalawa ni Vince. Hindi siya sumipot at sa ibang babae sumama, kaya kay si Vincent ang napangasawa ko.” Kwento ko sa kanya, isang malakas na tawa na naman ang narinig ko mula sa kabilang linya. “Oh my god Aleyah, i can’t hahaha! Akala ko ba mahal ka ni Vince bakit hindi sumipot sa kasal mo?” Tanong niya sa akin habang patuloy pa rin na tumatawa. “Kung tungkol kay Vincent, isa siyang cold at masakit magsalita na tao. Pero sikat siya sa mga babae, ikaw ba naman ang Tall-dark and handsome, tapos mayaman pa edi wow complete package. Meron siyang naging girlfriend noon, pero dahil sa aksidente nawalan ng alaala si girl simula noon hindi na siya nagka-interes sa babae. Yan lang ang alam ko sis, hindi mo ba maalala malilimutin ka na. Laging si Vince kasi ang nasa isip mo, like duh hindi naman kayo bagay! Kung ako sayo makuntento ka na kay Vincent mas matino pa yan kase sa lalaking yun! Tignan mo ngayon, pinahiya ka at hindi sumipot sa kasal niyo! Anong dahilan niya?” Mahaba niyang kwento na may kasamang sermon sa akin. “Sino ba siya para kailangang maalala ko? Ngayon ko nga lang alam na magkaklase pala kayo noon. Hindi ko siya mahal Seren Jane, bakit kailangan ko na makuntento sakanya? Paano kung bumalik ang alaala ni girl edi ako na naman kawawa!!” Galit kong sagot sa kanya tinawanan lang niya ako. At isa pa, gagamitin ko lang naman siya para makapaghiganti kay Vince. “Walang mawawala kung susubukan mo, so ano ngang rason bakit hindi sumipot ang kinababaliwan mong lalaki?” Muli niya na tanong. “Sumama sa ibang babae, hindi ko pa alam kung sino at saang bansa sila nagtago.” Isang malakas na tawa ulit ang narinig ko mula sakanya. Ano pa bang aasahan ko mula sa babaeng ‘to, mula noon ay ayaw na niya kay Vince. “I told yah Aleyah hindi talaga kayo ang para sa isa’t isa. Balitaan mo nalang ako kung nahulog ka na kay Vincent, ingat ka sis bigla yan nanunuklaw.” Pang-aasar niya sa akin bagi patayin ang tawag. Lalo lang akong nainis dapat pala hindi ko nalang siya tinawagan. Sino kaya yung dating kasintahan ni Vincent na kinalimutan siya? Bakit sa dami ng makakalimutan yung boyfriend pa, hindi sana kami kinasal ngayon! Inayos ko na ang aking laptop at ibang gamit na dadalhin, hindi naman ako magtatagal doon. Saktong pagkatapos kong mag-ayos at maglinis ay alas-sais na kaya hindi na ako natulog. Kahit papaano ay malinis tong condo ko kahit wala ako rito. Umupo na ako sa sofa hinihintay ang aking sundo, naiisip ko palang na magkasama kami sa iisang bubong ay nangagalaiti na ako sa galit. Saktong alas-syete ay meron ng nag-doorbell, agad akong tumayo at nagtungo sa pinto. Pagbukas ko ay isang may edad na lalaki ang bumungad sakin, matamis siyang ngumiti. “Good Morning Mrs Espartero, ako nga pala si Butler Lito.” Magalang na pagpapakilala niya ngumiti naman ako. “Ihahatid na kita sa sasakyan, sila na ang bahalang magbuhat ng iyong mga gamit.” Dagdag pa nitong sabi bago tumingin sa dalawang lalaki at sinenyasang kunin na ang gamit ko. Una siyang naglakad nakasunod lamang ako sa kanya, kahit may edad na ito ay makikita mo pa rin ang kanyang kakisigan. Pagdating namin sa parking lot pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan, I was shocked to see Vincent seated there. Akala ko ay hindi na siya kasama sa pagsundo sakin, He gave me a frigid glance before returning his attention to what he was reading from the folder. Walang imik na umupo ako sa tabi niya, huwag mo akong umpisahan wala akong tulog! Sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa labas. Sumakay na rin si Butler Lito sa harap, habang nasa byahe kami tanging radio lang ang nagsisilbing ingay dito sa sasakyan. Bakit kasi kailangang sumama pa siya, mas magandang hindi na dapat. Hindi ako kumportable kapag nandyan siya, I don't understand why I'm so mad at him. Napatingin ako sa kanya nang tumikhim siya, I immediately averted my gaze because he was looking at me. “Napirmahan muna ba ang binigay kong kontrata?” Malamig niyang tanong, umiling naman ako. Hindi ba siya makapaghintay, like hello shocking pa ako sa aking mga nalaman kahapon. “Basahin mo muna bago pirmahan, para wala kang sisisihin pagdating ng araw.” Tinignan ko siya dahil sa sinabi niyang yun, siningkitan lang niya ako ng mata bago tumingin sa labas. “Kilala ko na ang babaeng pinakasalan ni Vince, pero wala akong balak sabihin dahil matigas yang ulo mo!” Seryoso niyang sabi at hindi na muling tumingin sa akin. “Wala akong paki kung hindi mo sasabihin dahil kaya ko naman alamin na hindi umaasa sayo!” Mataray kong sagot, anong akala niya magmamakaawa ako sa kanya para lang malaman kung sinong babae ni Vince. “Sayang naman, nakikita ko pa sa mga matang gusto mong gumanti.” Saad nito na may halong pang aasar. “Bakit hindi mo ako gamitin para makaganti kay Vince, kahit kambal kaming dalawa. We don't get along because I'm better than him in everything.” Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD