Chapter 4

1203 Words
Aleyah Pov Kinilabutan ako sa kanyang sinabi, gagamitin ko naman talaga siya pero like duh! Siya itong mukhang desperado ngayon, hindi ko maintindihan ang kanyang ugali paiba-iba. Mukhang mahihirapan akong pakisamahan siya, hindi ko pinansin si Vincent hanggang makarating sa bahay niya. Malaki ito, at maraming mga lalaking nakaitim na pakalat-kalat sa paligid. Sino naman kayang binabantayan nila bakit kailangang ang dami? Automatic ang gate ng kanyang mansyon, nang makapasok na itong sasakyan niya. Huminto ito sa harap, unang bumaba si Butler Lito at pinagbuksan kami ng pinto. Unang lumabas si Vincent, bago ako sumunod sakanya iginala ko ang aking paningin sa paligid. Sa taas ng bakod ay hindi na makita kung sinong kapitbahay niya. Maraming puno sa paligid kaya presko ang simoy ng hangin. “Let’s go, ihahatid na kita sa magiging silid mo.” Aya sa akin ni Butler Lito, dahilan para natuon ang atensyon ko sa kanya. Kaming dalawa nalang pala ang natitira dito sa harap ng mansyon. Hindi man lang naghintay ang lalaking Kulugo! Nauna siyang pumasok, may mga nakahilerang katulong pagpasok namin. “Welcome home, Madam.” Magalang silang pagbati sa akin, nanatili lamang akong tahimik. Nagtungo kami sa ikalawang palapag. “Sa ikatlong palapag laging nakatambay si Sir Vincent, at hindi siya pwedeng istorbohin.” Seryoso nitong sabi habang humahakbang kami papataas, wala naman akong balak kausapin ang lalaking ‘yon. Pagdating namin sa magiging silid ko, binuksan niya ang pinto. Malawak ang ibinigay niyang kwarto sakin, at kumpleto na rin sa gamit. “Feel at home Madam Aleyah, kung meron kang kailangan gamitin mo lamang ang telepono at sabihin sa kasambahay na sasagot.” Bilin niya sa akin bago ipasok ang maleta, umalis na rin ito agad ko namang isara yung pinto. Tinignan ko ang paligid kung meron nilagay na CCTV si Vincent, mahirap na hilig ko naman matulog na walang damit. Panty at bra lang suot ko, mabuti na yung safe. Dahil sa wala pa akong tulog at pagod na rin’ humiga ako sa malambot na kama, hmmm Ang sarap naman matulog, napapikit ako ng mata pero agad din napamulat dahil tumunog yung tiyan ko. “Anak ng teteng! Ginutom pa nga ako, dapat mamaya na!” Naiinis ko na sermon sa aking sariling, bago bumangon sa pagkakahiga at lumakad palabas ng kwarto. Habang pagbaba ako ng hagdan ay iginala ko ang aking paningin sa ibaba, walang masyadong display pero halatang mamahalin yung mga kagamitan. Ang lungkot lang ng kulay ganito ba kapag lalaki? Kailangang dark color ang gamit sa bahay, pati dito sa living room ang dilim. Pagbaba ko ay merong lumapit sa akin na isang katulong, ngumiti siya bago nagsalita. “Anong kailangan mo, Ma’am?” Magalang at masaya niyang tanong, seryoso lang akong nakatingin sa kanya. “Gusto ko ng coffee at bread.” Sagot ko sakanya, lalong lumawak ang ngiti niya sa labi. Anong meron? “Ihanda nyo na ang breakfast, sabay kaming kakain.” Napatingin ako sa aking likod nang marinig ko ang boses ni Vincent. Walang ekspresyon ang kanyang mukha habang pagbaba ng hagdan. “Noted po sir.” Magalang na sagot ng katulong bago umalis, hindi ko na hinintay na makababa si Vincent nagpatuloy na ako sa paglalakad patungong kusina. “Ganyan ba dapat ang trato sa asawa mo?” Pahabol niya na tanong dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at tumingin sakanya. “Wow, ano’ng ini-expect mo sa akin? Maging mabuting asawa para sa’yo? Ang demanding mo naman!” Galit kong sagot, talagang nakuha niya ang aking gigil! Wala na siyang ibang ginawa kundi sirain ang araw ko. Nagkibit balikat lamang siya bago ako dinaanan, bwesit na to! Akala ko sobrang gwapo ang pangit naman! Salubong ang kilay kong sumunod sa kanya, pasalamat siya nagugutom ako ngayon kung hindi, babalik akong kwarto! Pagpasok ko ng dining area, nakaupo na siya habang nagsasandok ng kanyang pagkain. Oh diba ang demanding, kumakain na kahit wala pa ako! Huwag siyang magreklamo kung hindi tinatrato ng tama, tapos hindi naman kayang gawin! “Ang demanding sa pagtrato ng tama, pero hindi naman pala kayang i-apply sa sarili!” Pagpaparinig ko bago padabog na umupo, kaso wala man lang siyang naging reaksyon. Ang ending lalo lang akong nakaramdam ng inis, tatanda ako ng wala sa oras dito! Tahimik kaming kumakain, dahil sa gutom at nararamdamang galit ay nakarami ako ng kain. Sira na ang diet ko, kasalanan niya lahat ng ito! Pinunasan ko na ng tissue ang aking bibig bago padabog na tumayo, i’m done ayokong magtagal dito! “Sa susunod sa lapag ka na umupo.” Malamig niyang sabi, nagsalubong ang dalawa ko na kilay. “Simula bukas sa kwarto na ako kakain!” Matigas kong sagot, hindi man lang siya tumingin sakin. Wala na akong mahintay na sagot niya, kaya tuluyan na ang aking paglabas sa dining. I won't be surprised anymore, kung bakit siya lang yung hindi maalala ng girlfriend niya, ang gaspang ng ugali! Siguro nag panggap na lang na hindi siya nito maalala para makalaya sakanya. I noticed my cell phone ringing as soon as I entered the room, tinignan ko if sino nang makita kong si dad I answered immediately. “Aeyah, nakalipat ka na ba sa bahay ni Vincent?” Bungad niya na tanong dahilan para lalong uminit ang aking ulo. “Kailangan ko ng explanation dad, sana hindi niyo nalang pinatuloy ang kasal kung hindi naman pala si Vince yung mapapangasawa ko!” Galit kong sagot sa kanya, alam naman niya kung gaano ko kamahal si Vince. “Kung hindi ko ginawa ang bagay na yun, sa tingin mo meron pa bang tutulong sa atin para hindi bumagsak ang kompanyang para sayo? Ginawa ko lang kung anong mas makakabuti sayo, at alam kong hindi ka pababayaan ni Vincent. Kalimutan muna ang Vince na yan, dahil wala siyang paninindigan. Sinasabi ko sayo Aleyah, walang magandang maidudulot ang lalaking yun!” Paliwanag niya sakin, humigpit ang hawak ko sa aking cellphone. “Hindi pa ako tapos kay Vince dad, hindi na kita tatanungin dahil sigurado namang wala kang sasabihin. Ako mismo ang hahanap sa mga katanungan ko, at isa pa kasal lang kami sa papel ni Vincent. Wala kaming pagmamahal na nararamdaman, kaya soon maghihiwalay din kami.” Pagmamatigas ko, hangga’t wala akong makuhang balita kung nasaan siya. Hindi ako titigil sa paghahanap, He not only embarrassed me in front of many people, but he also took away the money that was intended to get us started. “Sobrang nasaktan ako sa ginawa niya, lalo na’t nalaman kong dahil sa ibang babae kaya hindi siya sumipot sa kasal naming dalawa. Kay Vince lang umiikot ang mundo ko noon, alam mo yan dad. Pero ngayon siya rin ang sumira sa mundo ko, kaya hangga’t humihinga ako dito sa ibabaw ng lupa. Maghihiganti ako!” Galit kong paliwanag sakanya, narinig ko ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya. “Huwag kang gumawa ng dahilan para madungisan ang dala-dala mong apelyido. Nasa mabuting kamay ka na Aleyah, ‘wag kang gagawa ng ikakasira mo!” Bilin sa akin ni dad, “and pumunta ka sa kompanya bukas dahil ikaw na ang mamamahal sa lahat. Huwag matigas ang uli mo.” Muli niyang sabi bago ibaba ang tawag. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD