
She will enter the world that is so different the way she expected.
Kung saan ay malayo ito sa kaniyang kinalakihan at kinagisnan. Yung dating marangya at napakadaling buhay ay magiging iba sa kung ano ang mararanasan niya ngayon.
“You will be a janitress!” Sigaw ng Dad niya.
At ikinagulat niya ito, “what? A janitress of your own company Dad?!” Hindi makapaniwala si Lovely sa narinig nito.
She is one of the heiress of the Lim family. A cousin of the well-known billionaire Jane Han Lim and the sister of Honey and Sweet.
Siya ay si Lee Eun Lim o nagtatago sa pangalang Lovely Lim. Walang nakakahinala sa totoo niyang pagkatao lalo na alam ng lahat ang kaniyang pinagdaanan makapasok lang sa kompanyang kaniyang pinagtrabahuan. Pawis, pagod at walang kain ay nalampasan nito bago siya tuluyang maging parte ng grupo ng mga janitress. Ginamit nito ang kaniyang pagiging propesyunal sa larangan na inatasan ng kaniyang Amang Chairman. Na kung saan ay hindi niya ipinaalam sa kung sino man ang kaniyang tunay na estado sa buhay. Kagaya ng kanyang pangalan ay napakabuti rin ng kaniyang puso at matulungin sa mga taong na ngangailangan ng kaniyang tulong. Kahit manumit ito ng simple at walang make-up ay halata ang paghubog sa kaniya ng karangyaan. Sa maputi, maitim na mahabang buhok, makinis na balat at napakagandang katawan ay napansin siya ni Augustin.
Augustin Santiban, matipuno at madaling maakit ang mga babae. Pwera lang kay Lovely na ang atensyon ay gawin ang pinapagawa ng kaniyang Dad. Dito ang binatang boss ng dalaga ay masasangkot sa isang gawaing ikakalugmok ng kompanyang pinagtrabahuan ni Lovely. Sa halip na hatulan si Augustin sa maling ginawa nito ay tutulungan siya ng dalaga na magbago. Pero sa hindi sinasadyang pagkakataon ay malalaman niya ang lihim ng dalaga. Kaya gagawa siya ng paraan para mapaibig ito. Sa hukay na kaniyang ginawa para paikutin si Lovely sa kaniyang mga palad ay siya mismo ang nahulog at napaibig sa dalaga. Na kung saan ay malalaman ng babae ang kaniyang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon.
Napakasakit na bilugin ka ng lalaking natutunan mo ng mahalin. Kaya ang ginawa nito ay maghiganti sa pamamagitan nang paglantad nito bilang Lee Eun Lim.
Magiging masaya ba si Lovely sa gagawing paghihiganti nito kay Augustin o pipiliin niya ang pag-ibig nila na noon ay naudlot?

