"So, whats the plan?" Tanong niya kay Cuervo habang prenteng nakaupo sa upoang laan para sa kanya nakataas ang dalawang paa sa lamesa. Katatapos lang nilang ma discuss ang tungkol sa hahawakan nilang case and she could tell na hindi magiging madali ang trabaho nila, lalo pa at tungkol sa drug trafficking ang kasong hawak nila.
"Pupunta ako sa kilalang club sa malati mamayang gabi, doon gaganapin ang palitan ng pera at shabo ng magkabilang grupo." sagot nito.
"Ikaw lang?" Salubong ang kilay na tanong niya sa lalaki.
"You can come if you want!" Kibit balikat nitong sagot.
How dare him?
"Syempre sasama ako!" Singhal niya dito.
"Easy! Hindi ako ang kalaban mo dito!" Ngisi nito. How she wish she could wipe that smirk in his mouth.
"Gaano ka kasigurado na hindi nga kalaban ang tingin ko sayo?" Nawala ang ngisi sa bibig nito at mataman na tumitig sa kanya.
Thats better! Iyon lang pala ang dapat kung sabihin para mawala ang nakakairitang ngisi sa labi nito eh !
Sya naman ang napangisi.
Pero agad din iyong nawala ng hindi parin siya nito hinihiwalayan ng tingin.
"What?" Taray niya dito.
"Tell me! Ano ba talaga ang dahilan mo bakit ka bumalik dito?" Sagad hanggang buto niya ang bawat titig na ginagawa nito sa kanya. Nagsisi tuloy siya na sinabi niya iyon. Kung sana hinayaan nya nalang ang ngisi sa labi nito dapat sana tapos na sila sa isyo ng pagbabalik niya. Kung ano-ano tuloy ang kapraningan na naiisip nito tungkol sa kanya. Tumitig siya pabalik dito kahit pa malakas ang kalabog ng dibdib niya hindi niya iyon ipinahalata sa lalaki.
"Wala akong ibang dahilan bukod sa sinabi ko sa interrogation na ginawa nyo kahapon. Bakit? Hindi pa ba sapat na dahilan iyon para bumalik ako sa trabaho?" Seryuso at salubong ang kilay niyang tanong sabay iwas ng tingin dito. Palihim na hinamig niya ang sarili.
"Inhale! exhale! Hinga ng malalim. Ang wrinkles baka lumabas" aniya sa sarili at pinilit na ngumiti sa lalaki.
"I dont know! Honestly, hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko sayo" sabi nito. mapanuri parin itong nakatingin sa kanya.
Napahugot siya ng malalim na hininga.
"Okay! Just think what you wanna think about me. For now lets start planing." Aniya na ibinaba ang paa, pinagpag ang nagusot na damit saka umayos ng upo ng tingnan niya ito ay matiim itong nakatitig sa kanya. Nagsalubong pa ang mga mata nila. Damn, kumalabog ng malakas ang dibdib niya.
"s**t!ano na naman ba ito?" Tanong niya sa sarili.
"Tititigan mo nalang ba ako?" Mataray niyang tanong dito para mawala ang kakaibang pakiramdam dahil sa ginagawang pagtitig nito.
Tumikhim ito.
"Ahm, no need to plan. We just need to be there, para-"
"Bobo ka ba?" Di maiwang singhal dito. Napatiim bagang ito.
"May palitan ng druga na magaganap bakit hindi nalang tayo magsagawa ng entrapment ng sa ganun mahuli sa akto ang gagawin ng magkabilang grupo then viola case solve, tapos na ang trabaho natin."
"Sa tingin mo ganun lang kadali yon?" Lumapit ito sa kinauupoan niya then leaned forward na halos magkapalit na sila ng mukha. Wala siyang magawa kundi ang iaatras ang ulo para hindi sila magkapalit ng mukha. Ang tindi ng kalabog ng dibdib niya.
"Alam mo kung gaano katagal ang proseso na dapat gawin," napataas ang noo niya sa sinabi nito. Of course she know! Minsan na din naman siyang humawak ng isang kaso at matagal na panahon ang ginugol niya dahil nagsimula siya sa wala noon di tulad sa hawak nilang kaso ngayon, ilang linggo na iyong nasimulan hindi nga niya lubos maisip bakit ipinasa sa kanya ang isang kaso na halos patapos na. Kumpleto na sila sa ebedensya, kailangan nalang nilang mahuli sa akto ang mga drug lord na ito para wala na talagang kawala.
"Alam ko. At alam ko din na marami na kayong nalikom na ebedensya laban sa kanila so why not make a move?" Hamon niya. Tumawa ito.
"Hindi mo talaga alam ang pwedeng mangyari sa kasong hawak natin ano?" Napakunot noo siya.
"What do you mean?" Salubong ang kilay ma tanong niya. Medyo nawala siya at hindi niya masundan ang sinasabi nito.
"For your information Ms Hawk, malaking sindikato ang binabangga natin at ang hawak nating kaso ay wala pa sa kalingkingan sa illegal nilang negusyo." Napahiya siya dahil doon.
Shit! Dapat pala nanghingi na muna siya ng copy ng information ng case na hawak nila.
Tumikhim siya.
"Thats why we're here right?" Taas noo niyang sagot dito. Kahit kailan Hindi niya aaminin at ipapahalata dito na napahiya siya.
"Sabi ni Ashton ikaw ang mag sasabi sakin ng lahat tungkol sa case" aniya pa.
"Boss natin sya dapat na gumalang ka sa kanya." Utos nito.
"So? Hindi nga siya umangal nung tinawag ko sya in his first name ikaw pa kaya and besides hindi ko sya kaharap dapat ko ba syang igalang?" Tanong niya dito sabay irap.
"What? You called him in his first name and he even let you?" Mataas ang boses na tanong nito. Napatanga siya.
Ano problema nito?
"Yes! Tinawag din naman niya ako sa first name ko so quits na kami." Ingos niya dito. At naalala ang pag-uusap nila ni Ashton kahapon ng makasalubong niya ito sa lobby ng hotel na pag mamay-ari din ipala nito. Gamit ang sarili nitong pera. Kung financial lang ang titingnan niya pwede nang ito nalang ang mahalin niya pero sa pag-uugali wag na lang uy!
"What? First name basis na kayo?" Halos lumuwa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Napapikit siya.
Seriously bakit napaka-big deal dito kung first name basis na sila ng boss nila?
"Problema mo? e ano naman kung first name basis na kami hindi man halata pero friends na din naman kami" singhal niya dito nakaakbwisit hindi ba siya pwedeng makipagkaibigan sa kaibigan nito?
Kumuyom ang kamao nito. Feeling pa nga niya anomang oras susuntukin siya nito. Mabuti nalang ang nagawa nitong pakalmahin ang sarili nakahinga siya ng maluwag ng bigla nalang itong lumayo sa kanya saka umayos ng tayo saka naglakad ito palabas ng silid.
Napanganga siya sa inakto nito. Hala anong problema nun? Galit na galit tapos bigla walk out anong arte nito? s**t di pa sila tapos mag usap.