Kabanata 5: You wish 

2538 Words
"What? Hindi ka na mag pa-party sa 18th birthday mo?" Overract naman daw si Ysaiah "Okay na sakin yung dinner with family and friends" Sabay kuha ko sa pizza na nasa ibabaw ng table namin. "Pero iba pa din yung may party ka. Once in a lifetime ka lang pwde mag debut, so you should grab that chance" si Ashton naman. Ngumuso ako sakanila. "Kung gusto nyo kayo na lang ang mag party" "Ruwesha!" Sabay nilang sigaw sakin. "Kilala nyo naman kase ko, kahit kelan hindi ako nag e-enjoy sa mga ganon party. Sawa na kong makipag plastikan sa mga nag sososyalan natin mga bisita" At lalo na dahil wala naman si Brex sa party na yon. "Oo nga pala. Ayaw mo nga pala sa mga sosyal na party. So, mag bar na lang tayo non?" Abot tenga ang ngisi ni Ysaiah sakin. "Tutal mahilig kayo sa mga bar bakit hindi na lang kayo mag tayo ng sariling bar nyo? Feeling ko kase bar ang magandang business para sainyong dalawa" Sabay higop ko sa milktea na kanina ko pa hawak. "Ha?" Kumunot ang noo ni Ashton sakin "Bakit bar?" "Diba minsan nag D-DJ ka, tapos itong si Ysaiah may sariling banda. Pwede nyo din maging training yon sa pag ma-manage ng business" Nag katinginan silang dalawa. "Bakit hindi namin yan naisip dati?" Nag kibit balikat ako sa tanong ni Ysaiah. Malay ko sainyo! "Gusto mo bang mag invest samin?" Napunok ako sa alok ni Ashton sakin "Ako?" "Yup. Pwede na yung two hundred thousand?" Halos lumuwa ang mata ko. Two hundred thousand? "You must be kidding me. At san naman ako kukuha ng two hundred thousand?" "Two hundred thousand, is not a big amount. Pang shopping mo nga lang yon eh, kaya wag ka ng mag kuripot dyan" OA! Hindi ako ganon ka-gastos no! "Baka naman malugi lang ako sainyo" Humalakhak ako. "Wala ka bang tiwala samin?" Ngumuso si Ashton sakin. Bahagya akong tumingin sa kisame at nag isip. Wala talaga akong tiwala sa dalawang ito pero sige na nga. "Okay fine!" "Nice!" Sabay nilang sabi. Kinabukasan... Bumungad agad sakin ang nakatawang si Brex pag pasok ko pa lang ng classroom namin, habang nakikipag tawanan sya sa iilang ka-klase namin. "Hi Brex" With my beautiful smile. Agad napawi ang pag halakhak nya at napalitan ito ng iritadong ekspresyon. Kinagat ko ang labi ko at nag patuloy na lang sa pag martsa papunta sa table ko. "Hi, Ruwesha" Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses mula sa likuran ko. Bumungad agad sakin ang nakangising lalaki. Moreno sya at may maamong mukha. Madalas ko syang makita sa iilan subject namin pero hindi ko pa talaga sya kilala. Inirapan ko lang sya. Tumayo sya at lumipat sa katabing upuan ko. Wala pa kase yung tatlo kong kaibigan kaya bakante pa ang mga upuan sa tabi ko. "By the way. Baka hindi mo pa ko kilala. I'm Jerimie" Sabay lahad nya ng palad sakin na hindi ko naman tinanggap. "So?" Pakilala ko kahit alam kong kilala na nya ko. "Nag tataka ka siguro kung bakit hindi mo ko madalas makita no?" “Hindi naman..” As if, I care? "Sa tatlong subject nyo lang kase ko ka-klase" Paliwanag pa nya. "So?" Tamad kong tugon. "Lagi kitang nakikita na lumalapit kay Brex kahit lagi lang syang cold sayo" Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. "Yun pa talaga ang napapansin mo, ha?" Sarkastiko kong sabi sabay irap sa kawalan. "Lagi naman kase kitang napapansin" I smirked “Sawa ka na ba sa school na to? Gusto mong mapatalsik?” "At kung alam mo lang sobrang daming nag kakagusto sayo, hindi mo lang yon nakikita dahil lagi ka lang kay Brex nakatingin" Hindi ko na nagawang mag salita. Napatunganga na lang ako sakanya. Ngumisi sya sakin at bumalik na sa table nya sa likuran ko. Nilingon ko ulit si Brex na ngayon ay nakikipag tawanan parin sa mga ka-klase namin. Tama si Jerimie. My eyes are just only for Brex, he's the only one I see. But he sees everything around him, except me. Hays! Kelan naman kaya darating yung araw na ako naman ang makikita nya? "Oh. Bakit ganyan na naman ang hitsura mo? Hindi ka na naman pinansin ni Brex no?" Nang-iinis yata si Ademel, habang nakaupo kami rito sa bench nitong gym. Nalaman ko kase mula kay Ysaiah at Ashton na may friendly game sila ngayon sa basketball kasama ang iba pang mga U-Prince. "Pinansin nya ko. Kaya nga naging iritado na naman sya kanina" Hilaw ang ngiti ko. "Tss. Kontento ka na lang ba talaga sa ganon?" Aline asked. "Kahit na i-recognize lang nya ko bilang pinaka 'Nakakairitang tao sa buong mundo', ay okay na ko don. Atleast napansin pa din nya ko" "Pwede ka rin naman nyang i-recognize bilang 'Pinaka martir' na tao sa buong mundo" Humalakhak pa si Jhazel sakin. "Shut up! I didn’t ask for you opinion" Inirapan ko nga. "Gosh! Ayan na sila" Halos mag wala ang mga babae sa pag dating ng iilan mga U-Prince. Ang alam ko hindi naman na announced ang game na to pero halos mapuno pa rin ang buong gymnasium. Lumingalinga ako. Nakita ko agad ang paparating na si Ysaiah at Ashton, may kasama silang isa pang lalaki. Malamang U-Prince din ito. Pareparehas silang naka Jersey pero iba-iba ang kulay at style nito, dahil hindi naman talaga ito tournament. "Ang gwapo talaga ng mga U-Prince!" Kinikilig si Jhazel na inugauga pa ang balikat ko. "Oo nga! Pakilala mo naman kami sa mga pinsan mo, Ruwesha" Si Aline naman. "Tss! Wag na. Masasama ugali nyan!" Panay pa din ang paglinga ko. Kainis! wala pa din sya. Napatalon ako ng mag tagpo ang mga mata namin nung isang U-Prince na kasama nila Ashton. Iirapan ko na sana sya kaso bigla syang lumapit kay Ashton at may kung ano syang ibinulong dito. Tumindig ang balahibo ko ng sabay nila akong lingunin. Nakangising tumango si Ashton saka ito nag martsa palapit sakin. Kinuha ko agad ang DSLR ko para kuhanan sya ng picture. "My god! Si Ashton... Palapit dito!" Bulong nung babae sa tabi ko. Nalaglag ang panga nung babae nang ma-realize nya, na ako ang lalapitan ng pinsan ko. "Para naman akong artista sa ginagawa mo" Panimula nya "So, andito ka ba para i-cheer kami ni Ysaiah?" Tse! Hindi kayo ang pinunta ko rito no! Tumaas ang isang kilay ko "Of course! May iba pa ba kong dapat i-cheer?" "Gosh! Girlfriend kaya sya ni Ashton?" Bulong ng kung sino. I'm not okay!? He’s my cousin! "Ano ka ba? Si Ruwesha Vizconde yan" "Let's go?" Si Ashton. Kumunot ang noo ko sakanya "Ha? Where—" Nagulat ako ng hilahin nya ang kamay ko. Rinig na rinig ko ang protesta ng mga babaeng nakakita sa ginawa ng pinsan ko. "May ipapakilala ako sayo" Hindi ko na nagawang pumalag sakanya. "Oh. Ruwesha, andito ka pala" Si Ysaiah. "Akala ko ba private game to? Bat ang daming tao?" "Dahil samin, malamang!" Naka pamaywang pa itong humalakhak sa harapan ko. Ngumisi ako "Tss! Yabang mo!" "Si Ranel nga pala. U-Prince Ambassador sya ng B.S Tourism" Napaawang ang bibig ko, habang pinapasadahan ko sya ng tingin. Hindi talaga maitatanggi na isa nga syang Tourism student. Nasa 5'10 ang height ni Ysaiah pero kung titignan parang mas matangkad pa ng kaunti itong si Ranel sakanya. Gwapo at maputi itong si Ranel, at may slim na pangangatawan. "Hi. Ruwesha" Sabay lahad nya ng kamay sakin "Finally, I met you" Ngumiti ako at tinanggap ang kamay nya. "Kanina pa kayo?" Nagulat ako dahil sa boses na yon. Agad kong binawi ang kamay ko sa kay Ranel na ngayon ay nakatitig pa rin sakin. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang mahagilap ng mga mata ko ang matatalin na tingin ni Brex. Kasama nya si Raizer, Liam at Axel. Na mga naka jersey na din. "Kararating lang din namin" Sagot naman ni Ysaiah sakanya. "Hi. Ruwesha!" Ngumisi si Raizer sakin na agad ko rin naman sinuklian ng ngiti. "Oh. Mag kakilala din kayo?" Inosenteng tanong ni Ashton kay Raizer. "Yup. Actually pati si—" "Yes! Ash. Classmate kami nung grade 10" "Pwede ka na pala mamili ng isa sa mga U-Prince na pwde mong maging escort sa debut mo" Natigilan akong bigla sa sinabing yon ni Ysaiah. Grrrr! "Ysaiah!" Suway ni Ashton sakanya. "Why?" Nakangising tanong pa nito. Ysaiah Gave Vizconde, you f*****g jerk! Napaka manhid mo! "Diba, ayaw ni Ruwesha ng may party?" "Ayaw mo na ba talaga?" Pag kumpirma pa nito sakin. Halos makalmot ko sya dahil sa sobrang daldal nya. "Sayang naman. Pwede mo pa naman maging escort tong si Ranel o kaya si Raizer, si Axel, si Liam o si Brex—" "Ysaiah! Will you please, shut your mouth?" Tumaas na ang tono ko. Deretso ang tingin ko kay Ysaiah pero kita ko pa rin sa gilid ng mga mata ko ang tingin nilang lahat sakin. "What? Did I say something wrong?" Inosente nyang tanong. "Don't talk!" "Why? What's wrong?" "Shut up!" "Ayaw mo ba sila maging—" "Stop talking! I told you before not to!" Sigaw ko na ikinagulat pa nya saka ako mabilis na nag martsa palabas ng gymnasium. Grrrr! s**t! Damn! Walangya! Leche! Kainis! Naiiyak na talaga ko! Naaalala ko na naman kase kung paano ako tinanggihan ni Brex nung gusto ko syang kunin'g escort ko. Naupo ako dito sa bench na nasa labas ng gymnasium. Mula dito dinig na dinig ko ang tilian ng mga babae, hudyat na nag sisimula na ang game. Lumipas pa ang ilan minuto bago ako nag pasyang umalis. Tumayo ako at nag simula ng humakbang ng may marinig akong nag salita. "Bakit ka andito? Diba, sinabi ko naman sayo na pag dating dito sa campus hindi tayo mag kakilala?" Kalmadong sabi nung lalaki. Pumihit ako at nilingon ang nag salita. Nalaglag ang panga ko ng makita kong si Liam pala ito. Nakatalikod sya pero alam kong sya ito dahil sa jersey'ng suot nya na may nakalagay pang 'Yu'. Isang maputi, maganda at chinita'ng babae naman ang kausap nya. "Hindi mo kase sinasagot yung tawag ko kaya pinuntahan na kita dito" Nanginginig ang boses na sabi ng babae. "Pano ko nga masasagot? May game kami? Hindi mo ba nakita?" Kalmado pa din na sabi ni Liam sa babae pero bakas ang pag kainis nya. Umawang ang bibig ko ng makita ko ang pag buhos ng luha ng chinita'ng babae. Agad nya naman itong pinunasan ng pamansin nyang nakatingin ako. "I'm sorry. Hindi na mauulit" Anito bago mabilis na tumakbo palayo. Inis naman'g ginulo ni Liam ang kanyang buhok. Oh.my.gosh! Girlfriend kaya sya ni Liam? Tsk! Grabe! Kaya naman pala sila nag kasundo ni Brex dahil parehas lang silang cold pag dating sa mga babaeng mahal sila. Napatalon ako ng pumihit sakin si Liam. Nakita ko ang biglang pag mutla ng mukha nya ng makita ako. "Kanina ka pa dyan?" Nag aalala nyang tanong sakin. Umiling ako "No... K-Karating ko lang" I lied. "Sige. Balik na ko sa loob" "Sige..” Mabilis nya kong tinalikuran. Sinundan ko naman ng tingin ang pag martsa nya pabalik sa court. Kakaiba talaga sya. Isang lalaking friendly, gentleman at mabait ang tingin ko sakanya. Pero bakit parang iba ang pinakita nyang ugali kanina dun sa babae? Sumunod na araw... "Manong dito na lang po ko" "Okay, miss Ruwesha" Pinasadahan ko muna ng mga daliri ang buhok ko bago ako tuluyang lumabas ng kotse. Deretso lang ang tingin ko sa kay Raizer na busy sa cellphone nya, kay Liam na nakapanga-lumbaba lang at mukhang may malalim na iniisip at kay Axel na tulala sa kawalan, habang nakaupo sila sa isang bakanteng bench dito sa tapat ng main building. "Good morning!" Sabay-sabay silang napatalon ng bigla akong sumulpot sa harapan nila. Napangisi ako dahil wala man lang sakanila ang nakapansin sa pag lapit ko. Ano nga kayang problema ng mga ito? "I-Ikaw pala Ruwesha" Naka todo ngising bati ni Raizer sakin. Naupo agad ako sa gitna ni Raizer at Axel. "Nasa classroom nyo na siguro si Ortegas" Ngumuso ako sa sinabi nya. "Hindi naman sya yung pinuntahan ko dito. Kayo..." "Kami?" Liam Asked. Tumango ako "Sorry about yesterday, sa inasta ko nung kausap natin sila Ysaiah" "Bakit ka ba kase nagalit sa kay Ysaiah?" Raizer asked. "Dahil sa pag banggit nya sa..." Bigla akong natigilan. Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin. Titig na titig sila sakin na para bang hinihintay talaga nila yung sunod na sasabihin ko. "Sa? Sa ano?" Tanong ulit ni Raizer. "Uhmmm" Napatungo ako "Dun sa ano... S-Sa... Sa escort" Nakagat ko ang pangibabang labi ko. "Ayaw mo na ba talagang mag karoon ng party?" Umiling ako sa kay Raizer. Para saan pa? "Dahil kay Ortegas?" Pinagpawisan ako ng malamig sa naging tanong ni Axel. Honestly, ngayon ko lang sya narinig nag salita dahil lagi lang syang tahimik. Nag angat agad ako ng tingin sakanya. "Uhmmm. Kase ano... Honestly, ayoko naman talaga ng party. Pero naisip ko lang na baka pwede ko din gamitin yung party na yon para makasama si Brex sa debut ko, but he rejected me, again. Kaya bakit pa ko mag pa-party? What for?" Pumiyok ang boses ko. Uminit ang pisngi ko ng makita ko ang pag tunganga nila sakin gamit ang naaawa nilang ekspresyon. "Woah! Wag nyo nga akong tignan ng ganyan" Hilaw ang ngisi ko. "Bakit kase hindi ka na lang mag hanap ng iba? Kesa lagi mong tinitiis yung pagiging cold nya sayo" Ouch! Di mag hinay-hinay! Tsk. Pinag pawisan ako ng malamig dahil sa seryosong ekspresyon ni Raizer. Bihira lang mag seryoso ang isang to, tapos sa ganitong topic pa? Walangya! "Teka nga! Kaibigan nyo sya diba? Bakit ganyan ka mag salita sakanya?" "Oo, kaibigan ko nga sya, kaya nga kilalang kilala ko na sya—" "Don't worry, okay? sanay naman na ko" "Na cold sya sayo?" Biglang tanong ni Liam sakin. Deretso akong nag baling ng tingin sakanya. Tumango ako at ngumisi sakanya. "Pero hindi lahat ng babae kayang tiisin ang pagiging cold ng isang lalaki sakanya, kaya kung ayaw nyong pag sisihan sa huli ang lahat, maging mabait kayo sakanila" "Hindi naman kami ganon, ha?" Depensa agad ni Raizer. "Oo na" Humalakhak ako. "Uy, mga U-Prince" "Oo nga. Lapitan natin" Napawi ang pag halakhak ko dahil sa mga babaeng lumapit sa table namin. "Hi Raizer, hi Axel, hi Liam" Bati ng babaeng nasa average lang naman ang hitsura! "Hi" Abot tenga ang ngisi ni Raizer na binati ang dalawang babae. Isang tipid na ngiti naman ang naging sagot ni Liam sakanila, habang si Axel naman ay naka tuon lang ang atensyon sa screen ng kanyang cellphone at parang walang pakialam sa paligid. "Pano una na ko? Baka malate pa ko" "Aw. Bilis mo naman mag selos?" Biro pa ni Raizer sakin. "Tss!" Umirap at ngumisi ako sakanya "You wish!" Sinuot ko agad ang shoulder bag kong Michael Kors. "Bye!" Kumaway pa ko sakanila. Ngumiti si Liam sakin at tumango naman si Axel. ~ To be continue… Note: Please, don’t forget to vote and comment every chapters. Feel free to comment your question, reaction and suggestion. Thank you ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD