Kabanata 4: I hate you

2550 Words
Lumipas ang first sem. Ang dami na agad nag bago. Hindi na lang basta class president ngayon si Brex. Sya na rin ngayon ang U-Prince Ambassador ng College of Fine arts. Kaya nga hindi na nakakapag taka na kilala na rin sya pati sa buong campus at mas dumami na rin ngayon ang mga nag kakagusto sakanya, dahil silang mga U-Prince ambassador ang tinuturin na mga heartthrob ng bawat course. Kaya nga kung sino-sino nalang ngayon ang babaeng dine-date nya. Yung panget na pakikitungo na lang yata nya sakin yung hindi nag bago. “Ruwesha, tignan mo. May ibang kasama na naman si Brex” Kumalabog agad ang dibdib ko sa sinabing yon ni Jhazel kaya kumaripas agad ako ng tayo sa upuan ko at sumilip din sa pintuan kung saan sila nakasilip. Isang babaeng mukhang bumbay naman ngayon ang kasama nya. Nakatayo sila sa tapat ng building namin. Kinurot ang puso ko ng ilagay ni Brex sa likod ng tenga ng babaeng yon ang mga takas nitong buhok. “Ano, Ruwesha? Gusto mo takutin ulit natin yung babaeng yan para layuan nya si Brex?” Suggestion ni Aline. “Sige. Kayo ng bahala. Gusto ko mapalayo nyo yan kay Brex! “Sige, kaming bahala.” Para akong lantang gulay na nag lakad pabalik sa upuan ko. Dumukdok agad ako sa arm chair nito. s**t! Naiiyak ako! Hindi ko na alam kung pang ilan babae na nya yon o kung pang ilan iyak ko na ‘to dahil sakanya. Basta madami na. Sobrang dami na, pero wala pa din nag babago sa feelings ko. I like him, so damn much! “Diba, U-Prince din ng business administration at accountancy yung mga pinsan mo?” Biglang tanong ni Ademel sakin habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria. “Yeah” “Hindi ba nila ka-close si Brex? I mean... Baka pwede kang mag palakad sakanila kay Brex—" “NO! Hindi pwede” “Ha? Bakit naman?” Aline asked. Napakamot ako sa ulo “Aasarin lang ako ng mga yon saka... Ayokong malaman nila yung totoong dahilan kung bakit dito ko gustong mag college” Kilala ko ang mga pinsan ko. Aasarin talaga ko ng mga yon. Lagi na lang kase nila akong nakikitang nag tataray o nag susungit sa mga lalaki. Inaasar pa nga nila ako noon na lesbian ako dahil madali akong mairita sa mga lalaki. Kaya panigurado pag nalaman nila na inlove ako sa isang U-Prince. Hindi ako titigilan ng mga yon kakaasar. Sabado ngayon kaya dito ako mag o-over night kela mamita kasama ng mga pinsan ko. “Ma’am Ruwesha, kakain na daw po sabi ng mamita nyo” Sabi ni manang Betty. “Okay. Bababa na ko” Kumunot ang noo ko ng madatnan kong mag isa lang si mamita sa dining table. “Nasaan sina Ysaiah at Ashton?” “They were in a hurry to leave, they said they were going to the hospital” Paliwanag ni mamita sakin. Gutom na gutom na ko kaya nag mamadali kong hiniwa ang steak. “Who are they going to visit at the hospital?” “They said he was one of the U-Princes ambassador at your school” Natigilan akong bigla sa sinabi ni mamita. “Po? U-Prince ambassador?” “Oo. Naaksidente daw. Critical” Parang biglang nalaglag ang puso ko. s**t! Hindi ko alam kung bakit pero nag simula ng kumalabog ng malakas ang dibdib ko. “Are you okay, iha? Your face is pale” Pinilit kong tumayo kahit nanginginig na ang mga tuhod ko. “Mamita, sorry, but I have to go somewhere” “Ha? Where are you going at this hour?” Binaliwala ko ang tanong ni mamita. Nag mamadali akong lumabas at sumakay ng tricycle. Kinagat ko ang labi ko na kanina pa nanginginig. Gosh! Sana mali ako! Sana hindi sya... Sana hindi si Brex. “s**t!” Mura ko ng wala man lang kay Ysaiah at Ashton ang sumasagot sa tawag ko. Parang gripo nang tumutulo ngayon ang luha ko. Nag desisyon ako na sa bahay na nila Brex, dumiretso. “Ito bayad” Sabay abot ko ng isang libong piso sa driver. “Wala ka bang barya—" “Keep the change” Bago pa sya maka-react ay nakababa na ko sa tricycle nya. Nanginginig ang kamay kong nag doorbell sa bahay nila. Sa pangatlong doorbell ko ay lumabas na si tita Nelia para pag buksan ako. “Ikaw pala, Ruwe—Oh, bakit ganyan ang itsura mo—" “Si Brex po andyan?” Deretso kong tanong. “Si Brex—" “Ma. Sino yan?” Para akong batang napahagulgol ng makita ko sya. Tumakbo ako palapit sakanya at walang pag aalinlangan syang niyakap. “Thank God you're okay” “Ano bang ginagawa mo?” Iritado nyang sabi. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Thank you God! Pinaupo ako ni tita Nelia sa sofa nila para pakalmahin. “Ito yung tubig iha” Naupo sa tabi ko si tita Nelia, habang nakapamaywang naman at nakatayo sa gilid ko si Brex. “Thanks, tita” Nang wakas ay kumalma na ako. “Ano bang nanyare at umiiyak ka kanina?” “Uhmmm. Kase tita, nabalitaan ko po kanina na may isang U-Prince ambassador na naaksidente at critical ngayon. I immediately panicked that it might be Brex” Uminit ang pisngi ko sa sarili kong paliwanag. “Tss! Stupid talaga” Bulong ni Brex. “Brex, tumigil ka nga!” “Aakyat na po ako ng kwarto” “Ihatid mo muna itong si Ruwesha” “Nakapunta naman po syang mag isa dito kaya makakauwi din syang mag-” “Gabi na! Kelangan mo syang ihatid” Sigaw ng kanyang mama. “Tsk!” Wala na syang nagawa kundi umiling at sumunod na lang sa utos ng kanyang mama. Tahimik lang sya habang nakasakay kami sa tricycle. “Natakot talaga ako kanina, akala ko talaga ikaw yon” “Wag kang basta nag pa-panic dahil lang sa narinig mo. Dapat inaalam mo muna ang buong kwento” Seryoso ang tono nya. “Okay. S-Sorry” Napapahiya akong napatungo. Inihatid nya ko sa bahay ni mamita gamit ang kotse ng kanyang papa. Agad akong naligo at nag pahinga pag kauwi ko. Isang araw. Nag kakagulo sa bahay pag uwi ko galing sa school. “What's going on here?” Tanong ko kay mommy at daddy. “Oh. That’s my daughter. Come here, sweetie” Lumapit ako at naupo sa tabi ni daddy, habang nakaupo sila sa mahaba namin’g sofa kasama ng isang babae at gay yata yung isa. “This is Ruwesha” Pakilala ni mommy sakin. “Oh. Your daughter is so pretty, huh?” Sabi nung binabae. “Mana sa mommy” Humalakhak sila sa galak. “Ano po bang meron dito?” “Well, Ruwesha this is Gina, she's a famous event organizer” Pakilala ni daddy sa babae. “Hi. I'm Gina” Nag lahad sya ng kamay na agad ko naman tinanggap. “And this is Aloha, one of the best fashion designer, I ever known!” Ani mommy. “Naku! Masyado naman kayo madam” Tinakpan pa nya ang kanyang bibig saka tumawa ng mahina. Arte! Teka! Bakit may event organizer at fashion designer dito? “Mag papagawa po ba tayo ng dress?” Natanong ko ng wala sa sarili “Yes, sweetie—" “For what occasion?” "Sweetie, it's for your 18th birthday” Nalaglag ang panga ko sa sinabing yon ni daddy. “Wha- wait! For my 18th birthday?” Sabay na tumango si mommy at daddy sakin. “But two more months before my birthday came—" “Yes sweetie, but 2 months isn't enough time for preparing your party” Ani daddy. “Oo nga naman, Ruwesha. Mag papagawa ka pa ng gowns mo at mga invitation, kaya kelangan simulan na natin ngayon” Singit naman ni mommy na halatang excited na. NO! Ayoko ng party. Pakiramdam ko kase ang party na iyon ay hindi para maging masaya ako. Hindi iyon parang party para sakin kundi reunion iyon ng mga naglalakihan, nagyayamanan at maimpluwensyang tao na kakilala ng pamilya ko. Alam kong hindi ganoon ang intensyon ng parents ko pero ganon talaga ang nasa isip ko. “What? You told your parents you didn't want a party?” Isa-isa kong pinag masdan ang mga kaibigan ko. Tsss! Bakit parang mas affected pa sila dahil ayoko ng party? “Yup, mas gusto ko kase yung simpleng dinner lang—" “Pero sayang naman. Tsk! Akala ko pa naman makaka-attend na ko sa mga sosyal na party” Ngumuso si Aline sakin. “Yun nga ang ayoko. Yung sosyal na party para sakin, pero parang nag mumukha lang naman reunion para sa mayayaman at maimpluwensyang tao. So annoying!” “Kahit si Brex?” Napatunganga akong bigla sa sinabing yon ni Ademel. s**t! Parang gusto ko na tuloy bawiin yung sinabi ko. “What do you mean?” “I mean, ayaw mo ba na habang nag lalakad ka pababa sa isang mataas na hagdanan at nakaayos ka ng maganda ay nakatitig sayo si Brex?” Oh my gosh! Nabuhayan akong bigla. Bakit hindi ko yun agad naisip? Ma-imagine ko pa lang yung eksena na yon para na kong maiihi sa kilig. Damn! “At hindi lang yon. Pwede mo pa syang kunin escort mo” Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa ideyang yon ni Jhazel. What? Si Brex? Magiging escort ko sa debut ko? SHEEEEEET! Para akong aatakihin sa puso sa tuwing maiisip ko na nakangiti sya sakin habang hinihintay nya ang pag baba ko sa isang mataas na hagdanan. “Sa tingin nyo papayag kaya syang maging escort ko?” “Syempre... HINDI!” Bumagsak ang balikat ko sa sabay-sabay nilang sagot. Mga walang kwentang kaibigan. Tss! “Mga walangya talaga kayo!” Inirapan ko nga. “Bakit? Kung papayag ba sya, mag papa-party ka na?” Ademel asked. “Of course!” “Talaga?” “Oo nga!” “Kung ganon tutulungan ka namin” Sabi ni Aline, habang abot tenga pa ang ngiti nya. Creepy! “Ruwesha, ayon si Brex oh?” Kuminang agad ang mga mata ko ng bumungad sakin ang nakatawang si Brex, habang nakaupo sya sa cafeteria kasama nya si Raizer at dalawa pang lalaki na hindi ko kilala, pero mga gwapong nilalang din. “Gosh! Ang swerte nga naman natin oh. May kasama pa pala si Brex na tatlong U-Prince” Panay na ang pag yugyog ni Jhazel kay Bea na katabi nya. “Oo nga, s**t! Ang ga-gwapo nila! Kahit sino na sakanila pwede na sakin” Malanding saad ni Aline. “Mga U-Prince din yung mga kasama nya?” Inosenteng tanong ko. “Oo, U-Prince Ambassadors din sila. Hindi mo sila kilala dahil naka focus ka lang kay Brex!” Tugon ni Ademel na para bang ang laking kasalanan na hindi ko kilala ang ibang U-Prince. Pero tama naman sya, kay Brex Louie Ortegas lang talaga ko naka-focus. Hindi tulad nila na updated lagi sa lahat ng gwapo dito sa buong University. Nalaman ko na U-Prince Ambassador si Raizer ng College of Architecture at yung gwapong chinese na kasama nila na si Liam Tyner Yu ay U-Prince naman ng Hotel and Restaurant management at yung gwapong may brace naman na si John Axel Quirrez ay U-Prince ng College of Nursing. “It's time, Ruwesha, lapitan mo na si Brex” “I know, what to do. Kaya wag mo na kong utusan” Inirapan ko nga. “Oopps! Sorry” Nag simula ng gumapang ang kaba sa buong pagkatao ko ng papalapit na ko sa table nila. Walangya! Si Brex lang talaga ang nakakapag pakaba sakin ng ganito. Nakita ko ang biglang pag kinang ng mga mata ni Raizer ng makita akong papalapit sa table nila. Ngumisi sya at kumaway sakin, dahilan para maagaw ko ang atensyon nilang lahat. Mabilis na tumayo si Raizer para salubungin ako. “Hi. Ruwesha, long time no see” “Hi. Raizer, you looked great” Lumaki ang ngisi nya “Talaga? So, mas gwapo na ba ko ngayon sa paningin mo kesa kay Ortegas?” Humalakhak sya. “Hindi ka pa din nag babago” Hinampas ko ang braso nya. Sana pala nilakasan ko. Sa gilid ng mga mata ko, ay ang pag dilim ng mukha ni Brex. Kung pwde ko nga lang sana isipin na nag seselos sya, kaso imposible naman yon! Grrrr. “Ikaw din. Hanggang ngayon maganda ka pa din” Sabay kindat pa sya sakin. Chickboy! Uminit ang pisngi ko. s**t! Sana marinig ko din yon galing kay Brex. “Tsss. Tigilan mo na nga yang kababanat mo—" Natigilan ako ng makita ko ang biglang pag tayo ni Brex, habang nanatili naman’g nakaupo at nakatingin samin ni Raizer, Liam at Axel. “Oh. Ortegas san ka pupunta?” Tanong ni Raizer bago pa nya kami malagpasan. “Papasok na” Sagot nya ng hindi man lang kami nililingon. Papasok? Saan? Wala na kaming klase, ah? “Sandali, Brex?” Nasabi ko ng wala sa sarili. Huminto sya sa pag martsa pero hindi nya ko nilingon kaya lumapit ako sakanya at tumayo sa gilid nya. “What?” Bakas na naman ang pag kairita sakanya. Huminga muna ako ng malalim “May I asked you, to be my escort on my 18th birthday?” Uminit ng husto ang pisngi ko ng ma-realize kong na samin na pala ang buong atensyon ng mga studyante dito sa cafeteria. Nakita ko ang onti-onting pag awang ng bibig nya. Isang nakakabingaw na katahimikan ang bumalot samin dalawa. Kumalabog ang dibdib ko ng mariin nyang iniyukom ang kanina’y nakaawang nyang bibig. “Alam mo na ang magiging sagot ko dyan” Malamig nyang tugon. Piniga ang puso ko. Yes, I Already know your answer. And it’s probably no. A BIG, BIG, NO! Damn it! “Please, Brex—" “NO!” Ouch! Mabilis namuo ang luha sa mga mata ko. “Please, just for once, Brex” “I said no!” Napatalon akong bigla pag taas ng boses nya. I swear, gusto ko na lang mag pakain ngayon sa lupa. f**k! “O-Okay” Kinagat ko agad ang nanginginig kong labi. Nakita ko ang pag putla ng mukha nya ng makita ang pag tulo ng luha ko na agad ko din naman pinunasan gamit ang palad ko. “Alam ko na tatanggihan mo na naman ako. Sinubukan ko lang” Hindi na sya umimik. Tumunganga lang sya sakin. Pinilit kong mag lakad paalis ng cafeteria kahit sobrang nanlalambot na ngayon ang tuhod ko. “I hate you, Brex Louie Ortegas!” Sigaw ko ng makarating na ko ng rooftop. But I hate myself more, for being so f*****g in-love with a jerk like you. Para akong batang umiiyak, habang pabalik-balik sa isip ko ang mga nanyare kanina. Kung pwede ko lang utusan ang puso ko na wag na syang gustuhin matagal ko na siguro yon ginawa, kaso ang hirap dahil alam ko sa sarili ko na sakanya lang ako sasaya. ~ To be continue..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD