Kabanata 3: Waste my time

2999 Words
“What? Are you out of your mind?” Galit na sigaw ni daddy sakin nang malaman nyang nag enroll ako sa state university dito sa syudad namin. Kinain kaagad ng kaba ang dibdib ko, hindi ako madalas pagalitan ng daddy ko kaya ngayon, alam kong galit talaga sya, pero ganon pa man, buo na ang desisyon ko at walang sino man ang makakapag pabago pa rito. “I'm sorry, dad” Matapang kong sabi. “Didn't we agree before that when you went to college you would study in the US with your kuya Gavin? I gave you the request to let you study here until senior high, so why did you enroll in a state university, without my permission?” In-expect ko na talaga to. Alam kong sobrang magagalit si daddy. Pumayag ako noon na sa USA mag college. Ang akala ko kase after ng senior high magiging madali na lang para sakin ang umalis, pero hindi pala. Maisip ko pa lang na hindi ko na makikita si Brex sumisikip na agad itong baliw kong puso. Kaya paano ako makakaalis, kung ikakamatay ko naman yon? Ang OA diba? Pero walangya, feeling ko talaga iyon ang manyayare. I want to stay. I want to study here. I want to be with... With Brex, of course. Kaya kahit alam kong magagalit si daddy, nag enroll pa din ako sa ‘CSU’ kung san mag co-college si Brex at kahit na Education talaga ang course na gusto kong kunin noon. B.S Fine arts ang course na kinuha ko ngayon tulad ng course na in-enroll ni Brex. Sounds crazy, I know. But for now, my biggest dream is to be with him, only him, only with Brex Louie Ortegas. “I really want to study here l” Pag mamatigas ko. “Seriously? Here in the province? Ipag papalit mo ang magandang edukasyon sa USA para lang mag aral rito sa probinsya? Unbelievable!” Hindi na ko umimik, deretso lang ang tingin ko kay daddy na ngayon ay pinipilit ng kumalma. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nya bago sya mag patuloy sa pag sasalita. “Listen Sweetie, You can go to college in any country you want or in Manila if you really don't want to leave the country, but don't—" “I want here. Please, dad” Pag mamakaawa ko. Mariin ipinikit ni daddy ang kanyang mga mata at bahagya pa nyang hinilot ang kanyang noo. Pinapakalma ang kanyang sarili. “Let me think first” Napangiti ako. Hindi pa sigurado na papayagan ako ni Daddy pero alam ko naman na hindi talaga nya ko matitiis. “Okay, dad. Thankyou” Naalimpungatan ako ng sumunod na araw dahil sa malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko. “Ms. Ruwesha?” Kinusot ko ang mga mata ko at nag mamadali kong binuksan ang pintuan. “Oh, Lucy? May problema ba?” “Nasa baba po ang inyong mamita at mga pinsan-” “Talaga?” Kuminang ang mga mata ko at kumaripas agad ako ng takbo pababa ng hagdanan. Hindi ko na kase mapigilan ang excitement ko. Kaya kahit hindi pa ko nag to-toothbrush o nag hihilamos man lang ay wala akong pag aalinlangan na hinarap si mamita at mga pinsan ko. One month na din kase nung huli ko silang makita. I really missed them! “Mamita!” “Oh. My Princess” Sinalubong nya ko ng yakap. “Mabuti po at dumalaw kayo dito?” “Namimiss ko na kase ang paborito kong apo” Lumaki ang ngisi ako. Kahit kelan talaga napaka sweet nitong si Mamita. “Nakaka selos ka naman mamita” Ngumuso si Ashton. “Oo nga mamita, akala ko ba ako ang paborito mo?” Singit naman ni Ysaiah na kapatid ni Ashton. Sabay kaming napa halakhak ni mamita. Apat lang naman kase kaming mga apo nya. Ako ang nag iisang babae at pinaka bata kaya siguro sinasabi ni mamita na ako ang paporito nya.. “So, iha, which university in the USA do you plan to attend college? Sa school din ba ng kuya mo?” Halos mabilaukan ako sa biglang tanong na yon ni Mamita. "I also plan to visit Gavin " "Can we come along? We also wanted to visit kuya Gavin " "Oh sure, Ashton-" “Nakapag enroll na sya mamá” Si mommy ang sumagot. “Really, iha? Which University?” “Po? Uhmm... S-Sa CSU po” Nakita ko ang isa-isang pag kalaglag ng panga ni mamita at ng mga pinsan ko. “Sa State University? But, I thought you're-” “I haven't allowed her yet mama. She needs my approval first. Before she could do what she wanted” “So why don’t you allow your daughter? Looks like she really wants to. Maybe she doesn't want to be away from you either” Napangisi ako ng mag baling ng tingin si mamita sakin. “Am I right, iha?” Tumango ako. Yes, mamita. Gustong-gusto ko talaga don. “Yes, mamita” Para akong nabunutan ng malaking tinik. Thanks to mamita, sigurado na dahil sa kanya papayagan na ko ni daddy sa gusto ko. “Seriously? Did you actually enroll in CSU?” Ashton asked. “Yes—" “But why? Uhmmm I mean ... There are many better universities in the US, and you can be with your brother, so why are you still enrolling here in the province?” Ngumuso ako “Tss. Kung makapag salita kayo parang hindi kayo sa CSU nag aaral, huh?” Inirapan ko nga. 3rd year college na si Ysaiah sa pasukan sa kursong Business Administration, habang 2nd year college naman si Ashton sa kursong Accountancy. “We are not in the same situation. We have no choice. Our business is here, so we also need to be here to help him, but your tito's business is in Manila” Ysaiah explained to me. Inis kong ginulo ang buhok ko “Ahhh! Basta. Gusto ko sa CSU din” Sabay pa sila napa face palm. Kilala naman kase nila ko. Pag gusto ko. GUSTO KO! Wala na silang magagawa pa doon. “So ano? Mag e-education ka ba?” “No, Ashton” “Business ad? Accountancy?” “Nope.” “Ah! Alam ko na. Criminology no? Magaling ka sa mga martial arts eh” si Ysaiah. Humalakhak silang dalawa. “B.S Fine arts” Agad napawi ang tawa nila. “What?” OA ng reaksyon ng dalawang to! “Are you kidding us?” “Ashton! I'm serious, okay?” “And what major will you take?” “Photography” “What? Ano naman alam mo sa pag po-photography? Model sana okay pa” Ani Ysaiah. “Tss. No way!” Yeah. I know, wala ni isa sa kanila ang makakaintindi sakin kung bakit yon ang kursong kinuha ko dahil wala naman sakanila ang may alam ng tungkol kay Brex. Kinakabahan ako ngayon first day ko sa college. Hindi ko na kase kasama ngayon si Bea at Joanna, mag kakaibang course kase ang tinake namin. Pero excited din naman ako dahil buong semester ko na naman makakasama si Brex. Lumaki ang ngisi ko ng makita ko ang paparating na si Brex. Naka pabulsa ang isang kamay nya, habang ang isang kamay naman nya ay hawak ang cellphone nya. Iniayos ko agad ang uniform na suot ko. Isang simpleng white blouse ang pang itaas nito at black na palda’ng may flits naman ang pang ibaba nito na hanggang tuhod ang haba at imbis na black shoes o may heels na sapatos ang isuot ko ay converse, black high cut ang napili kong isuot kung saan ako mas komportable. “Oh my God! Ang gwapo!” Biglang sabi ng babaeng nakaupo sa harapan ko pero mukhang hindi naman yon narinig ni Brex dahil sa earphones na nasa tenga nya. “Gosh! Oo nga” Sagot ng katabi nya. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Masyado talagang gwapo ang Brex ko para hindi sya mapansin ng ibang babae! Mukhabg hanggang dito sa college kelangan ko syang bakuran. Kainis talaga! Tumayo ako dala ang bag pack kong may check sa gitna. Lumapit ako ng makaupo na sya sa harapan ng mga babaeng kanina pa nangingisay sa kilig dahil sakanya. “Hi Brex” Bati ko ng makatayo na ko sa harapan nya. Kitang-kita ko ang pag kalaglag ng panga ng mga babaeng yon. Gusto kong humalakhak ng malakas dahil sa itsura nilang bigo pero hindi ko magawa dahil kay Brex, na ngayon ay nakakunot na ang noo habang nakatingin sakin. “Paupo ako dito sa tabi mo, ha?” Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya. Naupo na agad ako sa tabi nya. Mahirap na baka may mauna pa dito sa tabi nya. “Grabe! Coincidence talaga no? Akalain mo dito ka din pala mag co-college? At same course pa tayo, huh?” Pumihit sya at nilingon ako “Tss. Coincidence nga lang ba?” Para akong tinamaan ng kidlat sa paratang nya. s**t! Masyado akong guilty ah! “O-Of course—" Tumaas ang kilay nya “Isa kang Vizconde. Kaya mong mag aral sa mas sosyal na school sa manila o sa abroad kaya bakit andito ka pa sa probinsya?” Leche! Bakit ba lagi ko na lang naririnig yon? Bakit ba parang minamaliit nilang masyado ang University na’to? Ang ‘CSU’ na ang pinaka maganda at ang pinaka sikat na University dito sa Nueva Ecija, kaya hindi lang basta-basta ang University na’to. At saka si lolo ang nag patayo ng University na ito, hindi lang pera ng gobyerno ang ginamit nya dito kundi maging sarili nyang pera kaya kung tutuusin ay ang pamilya ko ang may pinaka malaking nai-donate para matapos ang university na'to at ang pamilya ko ang major stocks holder ng 'CSU' kaya bakit hindi ako pwede dito? “This is also where my cousins ​​take their college.. Kaya bakit ako hindi pwde?” Natigilan syang bigla sa sinabi ko at nag iwas ng tingin. Naisip siguro nya ang point ko. “I want here. I want to be with you..” Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi ko. Pumihit ulit sya para tignan ako “Kaya ba imbes na mag business administration ka para sa business nyo, eh. Nag Fine arts ka dahil andito ko?” “Ayokong humawak ng mga business namin. Alam yon ni daddy at may kuya naman ako na pwedeng mag manage ng mga business namin and besides dad's already knows, what I want—" “At pangarap mong maging teacher tama?” Kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko, dahil feeling ko ang dami nyang alam tungkol sakin o kakabahan ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa mga tanong nya? “Kaya bakit ka andito? Bakit wala ka sa College of Education?” Pasalamat na lang talaga ko at dumating na ang professor namin kaya nakaligtas ako sa pag sagot sa mga tanong nya. “Good morning class” “Good morning ma’am” Kinuha ni Mrs. Cruz ang book record nya at nag simula ng mag re-call ng mga pangalan namin para sa unang attendance. “Ortegas, Brex Louie?” “Yes, ma’am” Napairap na lang talaga ko sa kawalan dahil sa bulungan ng mga ka-klase namin tungkol kay Brex. Tse. Kakainis! Siguro ngayon ay nag F-FLAMES na ang mga bruha dahil alam na nila ang full name ng mahal kong si Brex. “Vizcon—" Kumunot ang noo ko ng biglang natigilan si mrs. Cruz sa pag mention ng pangalan ko. “Vizconde?” “Yes ma’am!” Itinaas ko ang kanan kamay ko “Vizconde, Ruwesha Marie po” Pag tama ko pa rito. Napakamot ako sa ulo dahil sa pinakitang ekspresyon ng professor namin. “A-Are you related to Vizconde family? Uhmm. What I mean is... Are you related to our former mayor, Rodolfo Vizconde?” Proud akong tumango. Lumaki ang ngisi nya. Habang sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pag iba ng ekspresyon ni Brex. “Kung ganon, siguro ay apo ka nya?” “Yes.. Umalingawngaw ang bulungan sa buong klase. Tumaas ang isang kilay ko dahil ako na ngayon ang topic ng lahat. “Naku! Isa pala syang Vizconde” “Sshh! Wag kang maingay baka marinig nya tayo” “Oo nga, mahirap na makabangga ng mayaman” Pumihit ako at nilingon ang tatlong babaeng nag bubulungan sa pang apat na row. Agad naman silang yumuko para makaiwas ng tingin. Tsss! Mga tsismosa! “Brex?” Tawag ko sakanya ng matapos na ang morning class. “Bakit na naman?” Iritado na naman sya. “Sabay na tayong mag lunch? Wala din kase kong kasama” “Sabay kaming mag lu-lunch ni Raizer” “Edi sasabay na lang din ako sainyo-” “NO!” Tumaas ang tono nya saka sya nag patuloy sa pag martsa palabas ng classroom namin. Hindi ko na sya kinulit dahil alam kong mas magagalit lang sya. “Pwede ba kaming maki-share sa table?” Tanong ng isa sa tatlong babae na lumapit sakin, habang hinihintay kong mag-isa dito sa cafeteria yung pinadeliver kong pag kain. Tumango lang ako sakanila. Naupo sa tabi ko yung babaeng nag tanong sakin at sa tapat naman namin yung dalawa nyang kasama. Isa-isa ko agad silang pinasadahan ng tingin. Napangiwi ako ng ma-realize ko kung sino sila. Sila yung tatlong ka-klase ko na nag bubulungan kanina tungkol sakin. Wow, huh? Ayos din ang mga to! “Hi. Ako nga pala si Aline” Sabi nung nasa tapat ko “At ito naman si Ademel” Turo nya sa babaeng katabi nya na busy na sa pag kain. “And I'm Jhazel” Sabi naman nung katabi ko na naka todo ngisi pa. “I'm not asking” Sabi ko na walang ekspresyon na ipinakita. "Ikaw yung Ruwesha Vizconde, diba?" "And so?" Pag tataas kilay ko. “Well. Bakit ka nga pala mag-isa dito?” Ademel asked. “I just want to be alone” Nakita ko ang pag putla ng mukha nila dahil sa naging sagot ko. Totoo, gusto ko na lang mag isa kung hindi lang din si Brex ang makakasama ko. “S-Sorry, na-istorbo ka pa yata namin” “It's okay, hindi naman sakin ang table na to” Hilaw ang naging ngisi nila. “By the way, close ba kayo ni Brex?” Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko sa tanong na yon ni Aline sakin. “Of course, why?” “Baka lang kase pwde mo kami ipakilala sakanya? Ang gwapo nya kase talaga” Mabilis na nag pantig ang tenga ko. Napatalon sila ng padabog kong inilapag sa lamesa ang kurbyertos na hawak ko. “Do not dare to approach him, because he is already mine” Madiin ang pag kakasabi ko sa huling pangungusap. Namutla na naman ang mukha nila dahil. Ayos yan! Siguro naman ngayon alam nyo na kung saan kayo lu-lugar? Kung hindi kayo madadaan sa matinong usapan, dadaanin ko kayo sa sindakan! “S-Sorry, h-hindi namin alam” Paliwanag pa ni Jhazel. “It's okay” Atleast, alam nyo na ngayon! Dumaan ang mga araw, naging kaibigan ko na silang tatlo. Hindi ko alam kung kinaibigan lang ba nila ko dahil isa akong Vizconde o dahil kay Brex, Ewan, basta ang alam ko may mga mauutusan na ko. “Hi, Brex?” Si Shaina na ka-klase namin. Ayaw din patalo sa kalandian. “Hi..” Ngumiti sakanya si Brex. “Pwede ba kong mag patulong sayo? Hindi ko kase masyadong ma-gets yung topic natin sa statistics” “Ah, yun lang ba? Sige. Ano ba yung hindi mo maintindihan dito?” Kinuha agad ni Brex ang statistics book na hawak ni Shaina. “Tss! Mother fucker b***h!” Bulong ko, habang titig na titig ako sa nag pa-puppy eyes na si Shaina. “Naku! Mukhang magaling pa si Shaina’ng dumiskarte kesa sayo huh?” Humalakhak pa si Ademel. “Shut up!” “Ooppss! S-Sorry!” Nag tagis ang bagang ko sa galit. SHIT! Mahigpit kong hinawakan ang math book ko saka ako lumapit sa dalawa. “Are you done flirting with my Brex?” Napatalon si Shaina ng makita akong nakatayo sa harapan nila. Habang wala naman pinakitang ekspresyon si Brex. “R-Ruwesha, i-ikaw pala?” Nauutal nyang sabi. “Yeah. It's me. Tapos ka na bang lumandi dyan? Kase kung oo, makakaalis ka na bago pa mag init ang ulo ko.” Namutla sya “O-Oo... T-Tapos na kami” Mabilis nyang binawi ang libro nya sa kamay ni Brex “S-Salamat Brex” Pumalakpak ang dalawang tenga ko sa pag alis nya. Mabilis akong naupo sa tabi ng lalaking mahal ko. “What? Ano na naman kelangan mo?” Kumalabog ang dibdib ko dahil sa tingin nya. Alam kong galit sya pero kinikilig pa din ako tuwing tinitignan nya ko. s**t! “P-Pwede mo ba kong turuan dito sa math?” “Don't waste my time, basic mathematics lang yan” Saka sya nag baling sa libro na nasa harapan nya. FUCK THIS s**t! “Kung ibagsak ko na lang kaya yung math ko?” Sabay-sabay silang napanganga sakin. “Bakit?” Tanong ni Aline. “Magaling si Brex sa math. Pag bumagsak ako sa math hihingi ako ng tutor kay Mrs. Cruz at hihilingin ko sakanya na si Brex na lang ang ibigay na tutor ko” Abot tenga ang ngisi ko. Grabe! Napaka bright ko talaga. Kung pwde ko lang talagang gawin yon para lang makasama si Brex ginawa ko na talaga, kaso natatakot din ako na baka pag nag failed ako sa isang subject ko ipa-transfer ako sa ibang University. What should I do? ~ To be continue..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD