Maya-maya lang ay sasakyan na biglang huminto sa harap namin.
"Ate..si tita Belin po yan.." Pabulong na sabi ni Killy.
"Anong kailangan mo samin?" Agad kong tanong nang makalapit na si Tita Belin.
Nakapamewang ito bago sumagot. "Kung saan saan kita hinanap andito kalang pala.." Saka tumaas ang isang kilay nito. "Kailangan ka sa Bar ngayon. Ang daming naghahanap sayo.."
"Paano kung hindi na ako babalik dun?"
Sandali siyang humalakhak ng tawa sabay sabing.." At anong buhay ang gusto mo? Ang mamalimos kasama ang mga kapatid mo?" Saka muling tumawa.
Napa-isip din ako. Tama siya dahil wala naman akong ibang alam na trabaho na agad kung mapagkikitaan kundi ang ibinta lang ang katawan.
"Sige.. pero may kondisyon.." Blangko ang expresyon ng aking mukha habang bagsak ang dalawa kong balikat ng sabihin ito pero nilakasan Kona ang aking kalooban.
"Ano yun?" Mabilis niyang sagot na nakataas ang kilay.
"Bigyan mo ako ng mahigit isang oras upang bisitahin ang mga kapatid ko dito sa loob ng dalawang araw at dapat ay mas mabilis ko ng matanggap ang sahod ng walang labis at walang kulang..."
Ngumiti sakin si Tita Belin at agad na sinabing..."Deal!"
Matapos ang sandaling pag-uusap ay muli akong sumama kay Tita Belin. Masakit at mahirap ang muling iiwan ang mga kapatid pero alam kung para din sa kanila ang gagawin ko.
"Sir.. here's the Condom.." Ito yung lagi kong sinasabi sa lahat ng foreigner bago ko simulan ang trabaho.
Hindi ko alam kung kelan koto kayang gawin. Ang alam ko lang ay gagawin ko lahat para sa mga kapatid ko.
Matapos ang ilang na trabaho, nagkaroon ng ilang sandaling pag-papahinga subalit bigla nanaman akong ni Tita Belin dahil May lalaking gusto akong i-table.
Agad akong lumabas ng kwarto ng kwarto at nagtungo sa mga lalaking nag -iinuman habang malakas ang music at May mga nagsasayawan.