Kabanata 7

323 Words
"Tita..! Tita..! Tita Belin!" May mga kainuman si tita Belin noon ng marinig niya ang pagtawag ko sa kanya. Dali-dali itong tumayo at lumapit sakin. "Bakit ba sigaw ka ng sigaw? Nakakahiya sa mga kainuman ko!" "Tita.. wala na pala si Nanay bakit hindi mo sinabi? Ang mga kapatid ko pinaalis nadin sa inuupahan namin! Pero hindi mo parin sinabi sakin!" Napasigaw nalang ako sa kanya sa subrang galit at sakit na nararamdaman ko. "Dahil alam kong maapektuhan ang trabaho mo kaya hindi ko na sinabi sayo..!" "Pamilya ko po yun Tita!!At may paki-alam ako dun!" Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Tita. "H'wag mo akong sigawan!! Dahil wala kang karapatan!!" "Aalis na po ako dito.." Matapos sabihin yun ay nilisan ko ang madilim na mundo. Agad akong nagtungo sa harap ng simbahan kung saan ko matatagpuan ang dalawa kung kapatid. Pagdating ko doon ay nakita ko ang kaawa-awa nilang kalagayan. "Ateeee...Ateeee...!" Sigaw ng mga ito ng makita ako. Agad ko silang niyakap ng mahigpit at hindi ko narin maiwasang umiyak ng makita silang naghihirap. Natutulog lang ang mga ito gamit ang karton na pansapin. "Ate.. tinulungan po kami ng barangay para mailibing si Inay. Buti nga po May tumulong pa samin." Agad na sumbong ni Killy sakin. "Nakatanggap ba kayo ng pera mula kay Tita Belin?" "Nakatanggap po si inay ate pero... pinambili niya lang ito ng alak at sigarilyo niya.. hanggang sa atakihin nalang siya ng sakit.."Paliwanag naman ng bunsong si Sarah. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong magalit kay inay o maawa..? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. "Ate..kain ka po..may nabili po kaming tinapay..nanlilimos kase kami ni Sarah para naman May makain din kami.."  Gush...mas lalo akong nanginginig sa mga naririnig ko. Gusto ko nang sumuko pero naaawa ako sa dalawa kung kapatid. Sunod-sunod na mahahabang buntong hininga ang pinakawalan ko na siyang tangi ko nalang nagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD