Wala ako sa sariling lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa sinabing Koreano na may mga kasamahan ding nag-iinuman. Nag mukha akong statue na naka-upo sa tabi nito habang hinihimas-himas ang ibang parte ng aking katawan. Wala na akong paki-alam sa paligid at ang iniisip ko lang ay ang mga naiwan kung kapatid at kung ano ang ginawa ni Nanay sa perang kapalit ng aking katawan.
Makalipas ang ilang araw... Linggo...at buwan, wala parin akong natatanggap na kahit kalahati sa sweldo ko dahil deritso daw itong ibinigay ni Tita Belin kay Nanay at wala man lang itinira para sakin.
"Sana'y OK lang ang mga kapatid ko.." sabi ko sa sarili habang naglalakad papunta ng kwarto.
"Cindy.... kumusta na??" Malakas na tawag sakin ni Yesha ng napadaan ako sa kwarto nito.
"Ito...midjo nasanay narin.."
"Sabi ko nga sayu noon masanay karin.."
Sandali akong napatingin sa hawak nitong cellphone.." A-ate Yesha... pwedi bang makihiram ng cellphone sayo? Sandali lang naman." Ito yung paki-usap ko sa kanya.
Tumango siya sakin saka nakangiting inabot ang cellphone niya. "Pakibilisan lang ha....baka kase May makakita satin na gumamit tayo ng cellphone... patay tayu niyan."
Nagmamadali akong pumasok sa kwarto niya ng makuha ang cellphone.
Matagal bago sinagot ang tawag ko pero nagpapasalamat parin ako dahil sa wakas ay May sumagot din sa kabilang linya.
"Hello..?"
"H-hello ate Cindy...si Killy to... mabuti po tumawag kayo.." Saka nagsimulang umiyak ang kapatid ko.
"Killy? May problema ba dyan? Asan kayo ngayon? Nasaan si Nanay at si Sarah?"
"Ate... andito po kami ni Sarah sa harap ng simbahan..dito na po kami natutulog.."
Shocked ako sa narinig. Parang umikot sandali ang paligid.."K-killy... a-anong nangyari..? N-nasaan ba kase si N-nanay..?"
Narinig ko nalang ang malakas na pag-iyak ng bunsong kapatid.
"A-ate..m-mag tatatlong araw na simula nung inilibing si Inay...inataki po siya ng sakit sa puso..pina-alis narin kami sa inuupahang bahay.." Humagulgol nanaman ito ng iyak.
Matapos kung malaman ang nangyari sa pamilya ko ay napatakbo ako papunta kay Tita Belin.