Kinabukasan, pumasok ulit si Tita Belin sa kwarto ko.
"Cindy...magbihis Kana dahil May naghihintay na sayo na customer! At sana'y hindi Mona ako ipapahiya!" Pabulyaw niyang sabi saka isinara ng malakas ang pinto.
Sa pangalawang pagkakataon ay isang business man na Intsik ang nag-hihintay sakin. Malaki ang ibinayad nito kay Tita Belin na ikinasasaya nito ng labis.
"Honey...I'm ready..!" Sabi ng Intsik na mabilis nakahubad ng damit.
Sandali akong tumingala sa itaas sabay bulong ng.. "kaya ko to! Para sa mga kapatid ko!" Nang lumapit na ako ay binigyan ko siya ng Condom dahil yun ang ibinilin ni Tita Belin na gawin ko sa lahat ng Customer.
"Such a wise girl!" Sabi nito matapos kinuha ang condom.
Sa sandaling yun ay tuluyang kinain ng dilim ang sariling pinaka-iingatan ko. Wala akong magawa kundi ang ipaubaya sa kanya ang pagiging berhin at namnamin ang mapait na sandaling inaakala ko ay langit. Gusto kung mabaliw. Gusto kung mawala sa sarili subalit sa bawat pagbuka ng aking mga mata ay nakikita't nararamdaman ko ang nilalang na malayang kumilos sa inosenteng katawan.
Bawat oras ay may naka-abang sakin, naghihintay kung kelan matapos ang nauunang customer. Pakiramdam ko para akong robot na sunod sunuran lang sa mga gusto nila at malaya silang gawin ang kahit anong gusto nila. Minsan nag-uunahang tumulo ang pawis at luha ko. Hindi ko ma-imagine ang sariling kalagayan. Gustong kong tawagan si mama at mag-mamakaawa na kunin niya na ako pero alam kung gusto din nito ang nangyari sakin dahil sa gusto rin niyang magka-pera.
Isang araw ng muling pumasok si Tita Belin kina-usap ko siya tungkol sa sahod ko. "Tita...ang dami ko napong naging customer pero bakit wala po akong natatanggap na pera?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Tumawag sakin ang nanay mo at ang sabi sa kanya ko nalang deritsong ibigay ang pera mo dahil marami syang dapat bayaran." Ito yung paliwanag ni tita Belin na nagpapasikip saking dibdib.
"Hindi ba dapat humingi mona siya ng permiso sakin?"
"Iwan ko sa inyo! Basta sinunod ko lang ang gusto ng nanay mo..!! Sige na lumabas Kana dahil may Koreano na gusto kang i-table!" Saka siya lumabas ng kwarto ko.