" Are you ready sweetheart?" Nakangiting tanong ng lalaki matapos nito maisara ang pintuan.
Hindi ko alam alam kung paano kumilos o kung paano mag-react dito. Pilit kung pakalmahin ang sarili pero hindi ko parin magawa. Nakatayo parin ako sa gilid ng kama na para bang nawalan ng kaluluwa.
Nang lumapit sakin ang lalaki, dahan dahan nitong hinubad ang aking damit pang-itaas. Nakatulala parin ako nang gawin nya ito na tila nagdadalawang isip kung kaya koba talagang gawin o hindi.
Nang mahawakan niya ang pang-ibaba kung soot ay bigla nalang akong natauhan at sinipa ko ito sa pribadong parti ng katawan saka mabilis akong tumakbo palabas at narinig ko nalang siya na nagsisigaw sa subrang sakit.
Mabilis akong nagtago sa isang kwarto na hindi ko alam kung kanino.
"Ok kalang?"
Napalingon ako sa may likuran. Nakita ko ang isang magandang babae na nasa dalawampu ang edad at nakaharap sa salamin.
Hindi ako sumagot at umiiyak akong lumapit dito. " Ate..ayuko po dito.. natatakot po ako.." Sabi ko habang tumutulo ang luha.
Binitawan niya ang hawak na lipstick at humarap sakin. "Alam mo... nakikita ko ang sarili ko sayu dahil ganyan din ako sa umpisa pero... iniisip ko naman ang mga kapatid ko atsaka ang nanay ko kaya kinaya ko nalang."
Umupo ako sa tabi niya. "H-Hindi Kana ba natatakot ngayon?" Ma-inosenti kung tanong.
Umiling ang babae sabay sabing "Hindi na...at alam kung masasanay ka rin tulad ko." Saka sya ngumiti sakin. "Ano nga palang pangalan mo?"
"Cindy po...Cindy Guibara."
"Ako naman si Yesha Cruz." Sabay abot ng kamay niya sakin at nag shake hands kami. Nagkausap pa kami ng matagal tungkol sa bawat pamilya namin bago ako umalis sa kwarto niya.
Nang makapasok ako saking kwarto ay naghihintay na pala si Tita Belin na na halatang galit dahil sa hindi maiguhit na mukha nito. Isang sermon ang natanggap ko mula sa kanya sapagkat ipinahiya kolang daw siya sa mga customer at sa kanilang Boss. Kinuha pa nito ang Cellphone ko dahil ayaw niya na tinatawagan ako o kinakausap ng kahit sino lalo na ng pamilya ko.