Chapter 5

1129 Words
Nik's point of view Sa nalaman ko ay agad kong tinawagan ang akong kasintahan. Babe: Love napatawag ka? ano nang balita? Me: Babe, okay na daw lahat sabi ni Ate. Kasal na daw kami ni Mr may sakit at next week ay pupunta na ako sa bahay niya. Babe: Ano next week? Linggo ngayon, anong day ka pupunta dun? Me: Hindi ko tinanong eh. Babe: Nikkiiiii kahit kailan ka talaga! paano kung bukas ka nang pumunta doon? Napalayo ang telepono sa aking tenga dahil sinigawan niya ako. Me: Itatanong ko kay Ate, Babe sandali. Hawak ko ang aking telepono at pinuntahan ang kapatid ko sa kwarto niya. Ilang beses na muna akong kumatok bago niya ako pinagbuksan. "What?" tanong niya na mukhang may ginawa kaya sumilip ako at nakita ko ang mukha ng lalaki sa kanyang unan walang iba kundi si Bullet. Mukhang ginagahasa ata ng kapatid ang mukha ni Bullet. "Ate anong ginawa mo?" Tanong ko na naliiit ang aking mga mata. "Wala, ano ang kailangan mo?" Masungit na tanong niya. "Kailan ako pupunta sa bahay ng hilaw kong asawa?" "Bukas." "Ano!" Gulat na sambit ko. "Sinabi mo next week pa." "Hindi ba linggo ngayon, bukas is another week. Mag imapake ka na ng gamit mo at nag eempake na din ako. Flight ko na mamayang gabi. Wait, huwag kang tawag ng tawag kung tungkol sa asawa mo ang sasabihin mo. Don't stress me out, si Atty nalang ang kausapin mo kung may problema ka doon." "Ate, I make your life so easy pero ikaw pakiramdam ko pinapahirapan mo ako. Hindi ba dapat we care each other dahil tayong dalawa nalang? isusumbong kita kay Tito." "Eh di magsumbong ka, busy yun dahil siya na muna ang mamahala sa mga negosyo ng mga magulang natin. Baka pagalitan ka pa nun." Napahinga nalang ako ng malalim dahil ang sungit pa man din ng Tito ko na iyon. "Sinong titira sa bahay? pwede bang yung lalaki nalang ang tumira dito? May mga guest rooms naman tayo." "No, hindi pwede. Baka mamatay pa siya dito. Sige na at mag eempake na ako." Masungit na sabi niya sabay sinarado niya ang pinto at nasaktan pa ang matangos kong ilong. Iniangat ko ulit ang aking telepo at kinausap ang kasintahan Ko. Me: Did you hear that babe? Babe: Oo, bago ka pumunta doon ay pumunta ka na muna dito sa bahay. Me: Baka baril ng Daddy mo ang sasalubong sa akin. Babe: No, sasabihin natin na kasal kana at bestfriend lang tayo para hayaan lang nila akong dadalaw sa bahay ng lalaki. Me: Okay Babe. Babe: Alam mo na ba ang address? Napahawak ako sa aking batok dahil hindi ko alam bumalik ako sa kwarto ng kapatid ko kasunod ng aking pagkatok. "What again Nikki!" Bulyaw niya sa akin na tumalsik pa ang kanyang laway. "Ate hindi ko alam ang bahay ng lalaki." "Tawagan mo si Atty bukas. Isang pang katok mo Nikki malilintikan ka na talaga sa akin." "Sorry na Ate." Pabalibag niyang isinarado ang pintuan na halos mabingi pa ako. Itinuloy ko na kausapin ang kasintahan ko at napagkasunduan namin na maaga akong pupunta doon bukas. Konting damit lang ang kinuha ko dahil pwede naman siguro akong umuwi para kumuha ng damit ko dito sa bahay. Sanay akong wash and wear ang aking suot lalo na kung nag kakamping kami. Pagsapit ng gabi ay kumain na kami ni Ate. Ang daming niluto ng taga luto namin pero soup lang ang kinain. "Ate, tapos ka na?" Tanong ko nang tumayo siya. "Oo, alam mo naman na tabain ako. Hindi ako katulad mo na kahit kumain ng ilang kalderong kanin ay hindi tumataba." "Kulang ka lang sa outdoor activities ate, mas maganda parin na sa labas ka magpapawis kaysa sa gym." "Para ano magalusan ako, look wala akong peklat sa katawan ko. Ito ang punuhan ko kung bakit isa akong modelo." "Ate naman, kapag nararampa ka ba ay tinitignan ang balat mo?" "Paano yung mga nagdadamit sa amin, makikita nila ang balat ko at ayokong ma blind item na may peklat sa katawan." "Ihatid na kita sa airport Ate." "Huwag na, alas onse ng gabi ang alis ko. Si Tito na ang maghahatid sa akin." Napailing nalang ako dahil spoiled talaga si Ate sa Tito namin. Pinapansin naman ako ni Tito pero para pagalitan lang kaya hindi na ako lumalapit sa kanya para magreklamo dahil alam kong si Ate lang ang kanyang kakampihan. Isang hikbi lang ni Ate ay mabilis akong batukan ni Tito. Bago ako natulog ay nagtelebabad na muna kami ng kasintahan ko. Kinaumagahan ay maaga na akong umalis, alam naman ng mga kasambahay namin na aalis ako kaya hindi na ako nagpa-alam pa. Ang aking super bike ang ginamit ko para mas mabilis na makarating sa bahay nina Lily. Pagdating ako sa gate nila ay hinarang agad ako ng kanilang bantay. "May order sa amin Nik na bawal kang pumasok." "Kuya, naipa-alam na ako ni Lily." Sabi ko na inilabas ang aking telepono sa aking bag pack. Pinakausap ko si Lily sa kanilang bantay at sa wakas ay pinapasok din ako. Pagpasok ko sa gate ay ang Daddy ni Lily ang nag-aabang sa akin sa labas. Medyo kinabahan ako dahil ang seryoso ng kanyang mukha. "Tito, good morning po." Magalang na bati ko kahit malayo pa ako. "Anong ginawa mo dito?" Tanong niya at lumabas na rin si Liliy sa bahay nila kaya nakahinga na ako ng maluwag. "Daddy, magpapa-alam lang si Nikki sa akin. Titira na siya sa bahay ng asawa niya." Bulaslas ni Lily at parang nalilitong tumingin sa akin ang Daddy niya. Lumapit na ako dahil alam kong hindi na niya ako susuntukin o babarilin. "Tito, kasal na po ako at magpapa-alam lang ako sa bestfriend ko." Sabi ko na sobrang lapit na. "Bestfriend? akala ko kayo ni Lily?" "Daddy bestfriend kami kayo lang naman kasi ang sobrang green minded."Sabat Lily. "Ako green minded? ano ang iisipin ko na nakita ko kayong naglalaplapan sa labas ng bahay!" Bulyaw niya kaya nagulat kaming dalawa ni Lily. Hinayaan ko nalang si Lily na magsalita dahil kung ako ay hindi ako marunong magsinungaling. "Dad, mga teenager kami at nag e explore. Wala lang yun." Pagpapaliwanag ni Lily. "Akala ko tomboy ka bakit kasal ka na?" "Napilitan lang po ako Tito dapat si Ate ang papakasalan pero sa akin nabagsak." Pag-amin ko, napatingin ako kay Lily na masama ang tingin sa akin. Nakalimutan ko ang script, dapat pala sinabi ko na na inlove ako sa lalaki para isipin ng mga magulang niya na babae na ako. "Legal ba ang kasal ninyo?" Tanong pa niya at si Lily na ang sumagot. Habang nag-uusap kami ay tumunog ang aking telepono. May mensahe ang family atty namin, ipinadala ang address ng bahay na pupuntahan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD