Chapter 6

1136 Words
Nik's point of view continues Sa wakas ay gumaan na ang pakiramdam ko dahil mukhang napaniwala na ng aking kasintahan ang kanyang ama. "Dad, pwede bang paminsan-minsan ay dumalaw ako sa kanila?" "Pwede pero walang sleep over." Sagot ng Daddy niya kaya napangiti na ako. "Sige ho, Tito aalis na po ako." Nag-alam na ako sa aking kasintahan na wala man lang kiss. Akala ko ay hindi na sasama sa gate ang Daddy niya para maka kiss man lang sa girlfriend ko pero sumunod parin si Tito kaya bokya kong pinaandar ang aking motor. Bago ako tuluyang umalis ay inilagay ko na muna sa google map ang address na pupuntahan ko. Kumaway na ako at tuluyan nang umalis, nang nakikinag lang ako sa GPS na babaeng nag sasalita. Nakita ko na medyo malayo ito dahil almost two hours din sa aking motor. Pero dahil racing bike ang gamit ko ay sigurado akong isang oras lang. Habang papalapit ako ay medyo binagalan ko na dahil bakit parang gumaganda ang mga tanawin. Malayo palang ako ay kita ko na ang tuktuk ng isang napakalaking mansion. Huminto muna ako at sinubukan na tawagan si Atty pero gaya ng dati ay hindi sinasagot. Napakamot tuloy ako sa aking ulo at dahan-dahan nalang ang aking pagpapatakbo ng aking motor. May malaking gate akong nakita at parang magnanakaw na akong nagmanman. Naisip ko hindi kaya isa siyang trabahador sa mansyon na ito. Asar na asar pa ako kay Atty dahil hindi ko alam ang pangalan ng aking pinangasawa. Ibinigay nga ang address pero hindi kasama ang pangalan ng pinakasalan ko. Sabagay ay may kasalanan naman ako dahil hindi ko binasa ang marriage certificate, mas nauna pa siyang pumirma sa akin. Bumababa na muna ako sa aking motor at lumapit sa guardiya. "Boss, pwedeng pumasok?" Tanong ko nalang dahil wala naman akong kakilala sa loob. "Anong kailangan mo at sino ka?" Tanong ng guard na tinignan ako mula ulo ang hanggang paa. "Paki alis na muna ang helmet mo." Utos ni Kuya kaya inalis ko ang aking helmet. Pagkatapos kong inalis ang aking helmet ay sinabi ko ang aking pangalan, tapos ay may tinawagan siya at ilang saglit ay pinapasok na ako. Binalikan ko na ang aking motor at hindi ko na inilagay pa ang helmet ko dahil mabagal naman na ang aking pagpapatakbo. Sa ganda ng aking nakikita ay parang mas maganda ang maglakad nalang. May malaking gate na naman akong nakita kaya lumapit ako, nagulat ako dahil agad itong nag bukas. Kung gabi lang at bigla itong nagbukas ay baka kumaripas na ako ng takbo. Sa lawak ng lugar ay ang mansyon lang ang nakatayo. Inakay ko nalang ang aking motor, may mga nag lilinis sa hardin na nakatingin sa akin. Kahit sa kanilang garahe ay may pinapaliguan na magagarang sasakyan. "Hi, mga madlang pipol!" Sigaw ko dahil nakangiti silang nakatingin sa akin. Napangiti ako ng kumaway din sila. Parang tanga na akong naglalakad dahil hindi ko naman kilala kung sino ang napangasawa ko sa kanila. May nadaan akong babae na magdadala ata ng merienda ng mga naglilinis. "Ate, sino dito ang may sakit?" "Sakit? wala naman ah bakit doctor ka ba? mukha kang bakla na naligaw eh." "Wow Ate, lalaki ako. Halikan kaya kita diyan." Sagot ko na pinababa ang aking boses. "Sige nga halikan mo ako." Sagot niya at ako naman ang natakot. "Joke lang Ate, hindi ako pumapatol sa Mommy." "Ikaw bata ka, sino ka at bakit ka nandito?" "Yung asawa ko dito daw nakatira, may sakit daw eh." "Wala namang may sakit dito, si Sir lang ang nakahiga pero matanda na iyon parang apo ka nga sa tuhod. Isa pa babae o ka ba o lalaki? Nalilito na ako saiyo bata ka. "Lalaki po ang pinakasalan ko pero ay sakit daw." Pa-uulit ko. "Hanapin mo nalang dito, sige at dadalhin ko na ang merienda nila. Ikaw gusto mo ba?" Dahil sa gutom na rin ako ay kumuha ako ng sandwich at tubig. Nagpa-alam na si Ate kaya kinuha ko ulit ang aking telepono para tawagan ang aming atty na hindi pala sagot ng tawag ko. Sa inis ko ay kinagat ko ang aking telepono dahil hindi niya sinagot ang aking tawag ang text manlang. Mukhang maling address ang ibinigay niya. Pero bakit nila ako pinapasok? Iniwan ko na ang aking motor malapit sa kanilang garage at lumakad na ako hawak ang aking agahan. Nang malapit na ako sa malaking pintuan ay biglang nagbukas ito. Napatanga ako at naka buka pa ang aking labi dahil si Bullet Valdemor na typ ni Ate ang lumabas. "Hoy Pare! mas gwapo ka pala sa personal!" Sigaw ko, agad kong inubos ang sandwich at nilagok ang tubig na hawak ko para tawagan si Ate. Video call ang aking ginawa pero hindi sinasagot ng aking kapatid. Kaya pinatay ko na rin ang tawag. "Come inside mag-uusap tayo habang tulog pa si Lolo." "Huh!" Sambit ko lang na sumunod sa kanya. Namuhay ako ng marangya pero mas marangya ang buhay ni Bullet. Ang gwpo niya talaga. " T*ngina na babakla na ata ako." Mahinang sambit ko dahil naka short lang siya at sando. Kitang-kita ang maumbok niyang pang-upo at ang laki ng kanyang mga binti, kasama na ang kanyang katawan lalo ang braso ma maugat-ugat. Sumakay kami sa elevator at parang na iintimidate ako sa kanyang ka gwapuhan at tangkad. "Pare alam mo ba typ na typ ka ng Ate ko. Dito ka pala nakatira?" Sabi ko pero tinignan lang niya ako na parang walang narinig. Nagbukas na ang elevator, sumunod lang ako sa kanya at pumasok kami sa isang kwarto. I guess library ito. "Sit down." Utos niya kaya umupo naman ako. "Okay ang kasal natin ay legal, but pag dating ng kasintahan ko ay ipa annual ko agad ang ating kasal dahil siya ang gusto kong maging ina ng aking mga anak. Wala naman sigurong problema saiyo iyon hindi ba?" Tanong niya at nakatitig lang akong naka nga-nga dahil sa narinig ko. Pinitik niya ang aking nuo kaya bumalik ang wisyo ng aking nalilitong utak. "Ikaw ang pinakasalan ko!" Malakas na sambit ko. "Hindi ba kasasabi ko lang?" Inis na sagot niya. "Ano! bakit mo sinabi na mamatay ka na at may sakit ka? bakit ang sabi ni Ate ay pangit ka?" Sunod-sunod na tanong ko dahil mas malayong healthy siya sa akin sa laki ng mga masel niya at mukhang mas gwapo pa siya sa akin ng isang paligo. "Well, ginawa ko iyon para hindi pumayag ang Ate mo na pakasal sa akin. I love my girlfriend kaya ang kasintahan ko lang ang aking papakasalan pero anong pumasok sa maliit mong kokote? bakit ka pumirma?" Inis na tanong niya at napakamot tuloy ako sa aking ulo. Na on the spot ako ng ka dramahan ng Ate ko eh anong magagawa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD