Chapter 7

1253 Words
Bullet's point of view Pagkatapos kong makausap ang guard ay naligo na muna ako. Nag suot lang ako ng damit pambahay at lumabas na ako sa aking kwarto. Sinilip ko si Lolo sa kwarto niya, mahimbing parin ang kanyang tulog. Mabuti naman para mag-usap na muna kami ng batang iyon. Umupo ako sa sala at pinanuod siya mula sa aking telepono, napangiti ako dahil para siyang tanga. Hindi na ako nagtataka pa na pinirmahan niya ang marriage contract, mukhang madali itong utuin lalo na at bata pa. Kalahating oras na akong naghihintay sa kanya pero nawili na ata sa pakikipag chismisan. Lumabas na ako at pagbukas ko ng pintuan ay papalapit na siya. Halos mabilaukan siya na makita ako, ang buong tinapay ay isinubo niya at agad na sinabayan ng tubig. F*ck that's a talent hindi ko kayang gawin iyon. Kalat ang palaman sa kanyang labi at pinunasan lang niya gamit ang kanyang palad. Agad niyang nilabas ang kanyang telepono para tawagan daw ang kanyang kapatid pero pinatay din agad. Dinala ko siya sa library at ang dami niyang tanong, mabuti at hindi masyadong mainit ang ulo ko kaya nasagot ko ang mga tanong niya. "Makinig ka, mahina na si Lolo kaya pumirma ako sa marriage contract. Kung handa na ang kasintahan ko na pakasal sa akin ay maghihiwalay tayo agad." "Kailan siya maging handa pare?" Tanong niya na sumalampak nalang sa sofa. "Pagkatapos ng kanyang contract dalawang taon." "Nak ng teteng naman pare ang tagal nun paano ang pag-aaral ko? akala ko ba tatlong buwan lang? tsaka may kasintahan ako." "Pwede ka naman mag-aral, mabilis lang ang dalawang taon. After 2 years ibibigay ko lahat ang gusto mo kahit ano." "Talaga! lahat ng nakaparada mong sasakyan sa garage ay gusto ko." Masayang sambit niya na napatayo pa. "Deal." Sagot ko, lumapit siya na nakipag fist bump. Medyo alanganin pa ako. "Siya nga pala pare, yung jowa ko pwede bang dumalaw dito?" "Pwede pero siguraduhin mong hindi kayo maglalandian sa harapan ni Lolo. Malalagot kayo sa akin kapag may nangyari sa kanya." "No problem pare ako ang bahala." "Let's go ipapakilala kita kay Lolo." Nauna na akong lumabas at sumunod siya sa akin, habang naglalakad kami ay patalon -talon pa siya na parang bata. "Ang ganda ng mga paintings mo pare, saan mo nabili ito? gawa ko ito ah." Sambit niya at natigilan ako. "Ikaw ang may gawa niyan?" Nagtatakang tanong ko sa oil painting. Si Lolo ang nagsabit niyan at hindi ko alam kung saan niya nakuha." "Oo, ito oh may pangalan pa ako sa baba." Nang tignan ko ay may maliit na nakalagay na Nik F. "8 years old ako ng ginawa ko ito at regalo ko sa Lolo ko. Hindi kaya ninakaw ng Lolo mo sa Lolo ko?" "What? huwag mong pagbibintangan ang Lolo ko na magnanakaw. Baka ibinigay ng Lolo mo sa Lolo ko. "Paano ko itatanong sa Lolo ko eh patay na." "Itanong mo mamaya sa Lolo ko, so gusto mong maging pintor?" "Ayoko, bakit pa ako mag-aaral sa pagpipinta kung marunong na ako. Gusto kong maging matulis na pulis. Alam mo pare mas lalo akong lalapitin ng mga chicks kung naka uniporme ako at nakasakay sa racing bike ko. Nakaka dagdag pogi points ang uniporme ng pulis." Sagot niya at tinignan ko siya ng masama. Abnormal ata ang bata na ito. "Bago tayo pumasok hindi alam ni Lolo ang mga sinabi ko sa inyo." "Alin doon Pare?" tanong niya ulit. Huminga ako ng malalim dahil nag uumpisa nang mag-init ang ulo ko. "Yung sinabi ko na may sakit ako at tatlong buwan nalang ang natitira sa buhay ko." "Yun ba, idagdag mo na nrin yung pangit ka, malay mo masabi kong nagpakita ka ng larawan na pangit ka." Sagot niya, ang sarap niyang sakalin. Hindi ba common sense nalang yun. Isang beses lang akong kumatok at tuluyan nang binuksan ang pintuan. Naka upo si Lolo na pinakain na ng agahan. "Lo." Sambit ko pero natigilan ako ng lumapit si Tomboy kay Lolo. "Lolo! long time no see. Kayo pala ang lolo ng pinakasalan ko." Bulaslas ni Tomboy na umupo nalang basta sa higaan ni Lolo. "Ikaw ang pinakasalan? hindi ba bakla ka?" Tanong ni Lolo at natawa na ako. "Lolo, lalaki ako. Pero babae lang na ipinanganak. Ikaw ah ninakaw mo ang regalo kong painting sa lolo ko." "Kaya pala kamukha mo si Bert noong kabataan niya. Lumapit ka dito." Utos ni Lolo sa kanya. Lumapit naman ang bata at nagulat ako ng malakas siyang binatukan ni Lolo. Sa tanda ko na ito ay never pa niya akong binatukan. "Aray ko Lolo! bakit ka nambabatok!" Gulat din na reklamo ni Tomboy. "Ginawa mo pa akong magnanakaw, sa pagkakatanda ko ay ibinigay sa akin yun ni Bert." Sagot ni Lolo na mukhang hindi lang ako ang mapirpirwisyo ng bata. "Hindi ko po alam Lolo, siya nga pala asan na angnapakadami ninyong binili ninyong Viagra?" Tanong niya at napamura ako. "What the f*ck Lo, aanhin mo ang Viagra?" Sabat ko sa kanila. "Ako, may Viagra? aba ewan ko sa bakla na ito. Kanina, ginawa niya akong magnanakaw ngayon ay collector ng Viagra. Ikaw bata kung ano-ano ang sinasabi mo." "Lolo, hindi ba sinabi mo pa na para sa apo yun. Tas nung singilin kita ay pinasisingil mo sa apo mo dahil siya ang gagamit?" Napatingin ako kay Lolo na parang malalim ang iniisip. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Mahina niyang sagot niya at napapikit mukhang napagod na si Lolo. "Ate hindi ba ikaw ang kasama noon ni Lolo?" Tanong niya kay Manang. "Naku, ineng ngayon lang kita nakita." Sagot naman ni Manang kaya napailing nalang ako. Mukhang naguguluhan ang mukha ni tomboy. Ka momotor siguro nito ay nakaalog na ang kanyang utak. "Siya pala saan pala ang kwarto ko?" Tanong niya na napatingin sa akin. "Manang pakisamahan siya sa isang guest room." "Guestroom? apo mag-asawa kayo dapat sa iisang kwarto kayo matulog." Sabat ni Lolo na nakapikit ang mga mata. "Lolo, alam naman ninyo na lalaki ako tas patatabihin ninyo ako sa apo mo. Isa pa alam naman ninyong napilitan lang akong pumirma." Si Tomboy na nakapaywang na feeling gusto ko din siyang nakasama sa kwarto ko. "Legal ang kasal ninyo kaya mag-sama kayo na parang mag-asawa." Mahinang sagot niya na nakapikit parin. "Pero Lo, I can't." Sabay ko na din at biglang napahawak si Lolo sa kanyang ulo. "Lolo, are you okay?" tanong ko na agad lumapit sa kanya. "Nahihilo ako apo, paki tignan ang Bp ko." Utos niya. Si manang na ang kumuha dahil siya ang kumukuha ng Bp ni Lolo. "Naku, Sir kumalka ang tas ng BP mo." Sambit ni Manang. "Ano po ang BP ni Lolo Manang?" "150/100 Senyorito." "Fine lo, sa kwarto ko na siya matulog. Rest at calm your self." Sabay hinalikan ko ang kanyang noo. Hinila ko na ang bata at dinala ko siya sa aking kwarto. Pagpasok namin sa kwarto ko ay agad ko siyang kinausap. "Listen, pansamantala ka lang na matutulog sa kwarto ko. Kapag malakas na si Lolo ay sa guest room ka matutulog." "Sige Pare, pareho naman tayong lalaki." "Stop calling me Pare." Inis nang sambit ko. "Eh anong itatawag ko saiyo, Tito?" "What! bakit Tito?" "Mas matanda ka pa sa Ate at sa totoong Tito ko. Pasalamat ka at may lolo na tayo dito sa bahay ninyo dahil kung hindi Lolo ang tawag ko saiyo." Napamura nalang akong iniwan siya at mas mabuti atang sa opisina na lang akong magkulong kaysa makausap ang tomboy na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD