Nik's point of view
Sigurado ako na si Lolo ang nakita at itinulak ko ang wheelchair sa mall. Pero bakit pati si Ate at hindi ako natandaan? Pareho na ba silang ulyanin?
Napatingin ako sa buong kwarto, malaki ang kwarto ni pareng bullet. Inilagay ko na muna sa sahig ang aking bag dahil hindi ko alam kung saan ilalagay ang gamit ko.
Kinuha ko ang aking telepono at nagpadala nalang ng mensahe kay Ate dahil hindi naman niya sinasagot ang tawag ko.
Me: Ate, believe it or not ang lalaking pinakasalan ko ay si Bullet yung ginagahasa mo sa bahay.
Me: Nasa mansion nila ako ngayon.
Sabay nagpadala ako ng larawan sa kama ni Bullet na naka upo.
Nakita ko ang malaking larawan ni pare at Lolo kaya kinunan ko din ng larawan at kasama ako.
Napaamoy ako sa aking sarili, amoy usok ako kaya kumuha ako ng damit sa aking bag at pumunta sa kanyang banyo.
"Wow." Sambit ko na napamangha sa laki ng banyo niya, may sauna hot bath at malawak na shower area. Napasalubong ang kilay ko dahil may manika na nakatalikod at walang damit.
Marami na akong nakitang mannequin pero ito ata na ang pinakamaganda. Napahaplos ako sa kanyang mukha at pati ang dede niyang malaki ay hinaplos ko din. Napalamas ako at natigilan dahil ang lambot ng dede niya parang totoo.
"Nakaka L naman ang mannequin na ito." Mahinang sambit ko at napahaplos pa sa seksi niyang hips.
Naghubad na ako at hindi ko maiwasan na hindi halikan ang pisngi ng mannequin.
"Ang ganda mo." Sambit ko ulit, hindi naman siguro ako nagkasala sa gf ko dahil mannequin lang naman ang hinalikan ko.
Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis na rin sa banyo. Isang maluwag na t-shirt at malaking short ang suot ko na lagpas sa aking tuhod. Hindi ko na inilagay ang supporter ko sa aking dibdib para makahinga din ang dede ko. Ilang oras na itong naipit kaya medyo masakit na. Ang maruming damit ko ay inihalo ko na sa laundry basket ni Pare.
Lumabas na ako sa banyo at hindi na ako nag-abala pa na suklayin ang aking buhok. Kamay ko nalang ang aking ginamit, lumapit ako sa salamin at nakita ko ang ilang pabango.
Mamahaling brands ang mga ito kaya pumili ako ng isa at inispray sa aking damit. "Pareho na kami ng amoy ni Pare, parang mas gwapo na ako sa kanya." Sambit ko habang inaayos ko ang aking maiksing buhok na basa pa.
Malapit na nag lunch kaya lumabas na ako sa kwarto. May nakasalubong akong kasambahay at mukhang nagulat siya ng makita ako.
"Ne sino ka?"
"Nik po, hindi po ako Ne."
"Huh, lalaki ka?" Tanong niya na parang hindi naniniwala.
"Ate gutom na ako, saan banda ang kusina?"
"Bakit ka pala nandito, hindi pwedeng kumain sa kusina ang mga kamag-anak ng mga naninilbihan dito."
"Ate, asawa ako ni Pareng Bullet." Tinignan niya ako at bigla nalang siyang humagalpak sa tawa.
"Ikaw bata ka, kung ano-ano ang sinasabi mo gutom ka na nga. Sino ba ang kamag-anak mo dito? Doon ka sa kwarto ng mga kasambahay may lutuan kami doon at may mga tinapay kung gutom na gutom ka na."
"Ate naman, asawa nga ako ng Pareng Bullet." Pamimilit ko, nag bukas ang kwarto ni Lolo at tulak siya ni Ate.
"Lolo, gutom na ako." Sigaw ko kaya napa-angat ang kanyang ulo.
"Ako din gutom na, halika dito at ikaw ang magtulak sa wheelchair ko." Utos niya kaya mabilis akong lumapit.
Pinindot ni Ate ang button pababa. Pagbukas ng elevator ay pumasok na kami kasama ang isang Ate na hindi naniniwala sa sinabi ko. Naka tanga lang siya at narinig kong bumulong kay Ate.
"Asawa ba talaga siya ni Senyorito Bullet?" Dinig ko na bulong niya.
"Oo." Sagot ni Ate.
Tahimik nalang siya at pagtingin ko ay bahagya siyang napangiti.
"Nasaan si Bullet, tawagin ninyo para sabay-sabay na kaming kumain." Utos ni Lolo kaya inilabas ni Ate ang kanyang telepono at dinig na dinig kong tinawagan siyang bumaba para kumain. Okay din ah, hindi na kailangan na bumalik sa taas para tawagin si Pare.
"Lo, Okay na ba kayo?" Tanong ko nang nasa hapag kainan na kami at konti lang ang pagkain kaya napanguso ako.
"Bakit?" Tanong ni Lolo na nakatingin pala sa akin.
"Lo, ang yaman ninyo pero bakit soup at salad lang ang pagkain natin?"
"Ano bang gusto mo?"
"Syempre kanin, mga manok o isda pwede ding karne ng baboy ganun."
"Wala nang oras para ilutuan ka, paki order mo nga ng pagkain ang isang apo ko na ito." Utos ni Lolo kay Ate.
Napangiti ako ng narinig kong nag-order si Ate ng lechon manok, caldereta at sinigang na isda.
Ilang saglit lang ay dumating na si Pareng Bullet at umupo siya sa kaliwa ni Lolo kaya napagitnaan namin si Lolo.
"Hey, did you use my perfume?"
"Maka Hey ka naman, Nik ang pangalan ko. Oo nakigamit ako ng pabango mo."
"What!" Inis na sambit niya.
"Lahat ng nandito sa bahay ay gamit mo na rin apo, tandaan ninyo mag-asawa kayo." Sabi sa akin ni Lolo kaya napangiti ako.
Kumain na sila habang ako ay hindi ko ginalaw ang pumpkin soup.
"Why you are not eating?" Si pareng Bullet na masama ang tingin sa akin.
"Pagkain ng tutang maliit ang pagkain ninyo eh, hinihintay ko ang pagkain ng tao." Sagot ko at natawa si Ate pero agad din nahinto ang tawa niya ng masama siyang tinignan ni Pareng Bullet na masungit.
Tapos na silang kumain ng dumating ang inorder nila. Ang isang buong manok ay inilagay ko sa plato ko. Hindi na ako gumamit ng tinidor at knife. Kinamay ko na ang manok, hawak ko ang hita sabay kinagatan.
"Pasubo ako."Sabi ni Lolo kaya pinakagatan ko din sa hita na hawak ko.
"Masarap hindi ba Lolo? Paano ka lalakas kung ganyan ang kinakain mo?"
"Lolo has its nutritionist, sila ang nag bibigay ng tamang pagkain at portion ng kinakain ni Lolo." Sabat ni Pare na nilalantakan ang sinigang ko.
"Kung kumain ng marami si Lolo eh di maglakad siya, hindi yang naka upo lang siya sa wheelchair. Lolo imbaldado ba kayo?" Tanong ko na bigla niya akong binatukan.
"Ikaw bata ka, nakakalakad ako pero madali akong mapagod."
"Eto lo, kumain ka ng kaldereta at kanin. Mayaya sasamahan kitang maglakad. Nakita ko ang pagkain ninyo nanghina agad ako."
"Matakaw ka lang." Sabat ni Bullet.
"Pare mas matakaw ka, naka isang kagat palang ako sa hita ng manok ikaw naka soup, salad at naubos mo na ang sinigang ko." Reklamo ko na hinila ang bowl at puro tinik na lang ang natira.