Chapter 9

1117 Words
Pareng Bullet's point of view Hindi ko na malayan na naubos ko na ang sinigang na isda ni Tomboy. Pati ang manok na nasa harapan niya ay kumuha na rin ako. "Hoy, akin to." Sabi niya na inilayo ang plato. "Hindi ba kasasabi lang ni Lolo na ang lahat ng nandito ay hati tayo? kung ano ang mayroon ka ay hati tayo." "Oo nga naman Apo." Sabat ni Lolo kaya napangiti na ako at kinuha ang isang hita ng manok. Hindi naman ako gutom na gutom parang nakakaganang kumain na may kaharap kang matakaw kumain. Kung si Thalia at lolo ang kaharap ko na konti lang ang kung kumain ay parang nawawalan na rin ako ng gana. Kumuha na rin ako ng kanin at pati ang caldereta ay nag-agawan pa kami. I saw Lolo smiling kaya napangiti na rin ako. "Mula ngayon heavy na ang agahan namin." Sabi ko sa aming taga luto. "Mabuti naman Senyorito dahil nagsasawa na akong nag cha chap ng mga salad ninyo tas ang daming natitira. Wala naman sa amin ang may gusto ng salad kaya ayun natatapon lang." Sagot naman ng aming taga luto. Pagkatapos naming kumain ay tumayo na ako para bumalik sa aking opisina pero narinig kong lalabas sila para maglakad daw. Hinayaan ko nalang sila at umakyat na ako, pagpasok ko sa aking opisina ay kinuha ko ang aking laptop , mga documentong babasahin at pipirmahan ko. Dinala ko ito sa terrace, pagtingin ko sa baba ay nakikita ko sina Lolo at Tomboy na ang wa warm up. Nakaupo lang si Lolo sa kanyang wheel chair habang si Tomboy ay tinataas baba niya ang mga paa ni Lolo. "Ano Lolo kaya mo nang tumayo?" Tanong ni Tomboy, pinanuod ko siyang inaalalayan niyang tumayo si Lolo. Nang makatayo na ito ay humawak sa balikat niya si Lolo. Napahinga ako ng malalim dahil it make me realize na, mula nang ako ang humawak sa mga negosyo ng pamilya at may sarili na rin akong negosyo ay wala na kaming bonding ni Lolo kaya nasa wheel chair nalang siya lagi. Iniwan ko ang aking mga gagawin at mabilis na bumaba. Pagdating ko ay masaya silang nag-uusap habang mabagal na naglalakad. "Ako na." Biglang sambit ko at ako na ang umalalay sa lolo ko. "Wala ka bang gagawin apo?" Tanong ni Lolo habang nakahawak siya sa braso ko. "Mamaya ko nalang ituloy Lo" Sagot ko na mabagal na din lumakad habang si tomboy ay tinutulak na ang wheelchair ni Lolo. "Lolo bakit noong namatay ang Lolo ko ay hindi ko kayo nakita?" "Hindi ko kayang tignan ang nag-iisang kaibigan ko na wala na kaya hindi ako pumunta." "Eh bakit noong buhay si Lolo ay hindi ko parin kayo nakilala?" "Hindi ba hiwalay ang bahay ninyo sa bahay niya? paano mo ako makikita kung wala ka naman sa bahay niya." Sagot ni Lolo at napangiti ako. "Eh bakit sa kaarawan niya hindi din kita nakikita?" "Gabi na kapag pinupuntahan ko siya, maaring tulog kana o umalis na kayo." "Lo, marami kaming larawan sa bahay ni Lolo at imposibleng na hindi mo nakikita ang mga larawan ko na nakasabit. Kilala mo ako ano?" "Oo kilala kita bilang babae hindi mukhang bakla." "Hindi ako bakla lo, lalaki ako." pamimilit ni Tomboy. Hindi namin na mamalayan na halos malibot na namin ang mansyon at mukhang hindi pa pagod si Lolo. This kid is right , mas kailangan ni Lolo kumain ng marami para may lakas siyang maglakad-lakad ng ganito. Nakikinig lang ako sa usapan nila hanggang sa isali ako ni Tomboy. "Lolo bakit mo naman naisipan na ipakasal ang apo ng Lolo ko sa apo mo?" "Noon pa namin pangarap ng Lolo mo pero ang malas dahil parehong babae ang mga anak namin. Tas naunang nabuntis ang anak ko at si Bullet yun. Ang Mommy mo naman ay huli nang nag-asawa pero kahit paano ay babae ang unang apo ng Lolo mo yun ang Ate mo. Kaya lang sa ibang bansa lumaki si Bullet at tutol ang anak ko sa gusto ko kaya hinayaan ko lang sila. Hanggang sa naunang nawala ang mga magulang ni Bullet kaya kinuha ko na siya dito. Tas namatay ang Lolo at mga magulang mo. Ang akala ko ay malabo nang mangyari ang lahat pero eto ka mukhang babae na lalaki na asawa na ng apo ko." "Ikaw Pare, sa gwapo mo bakit kasi hindi ka nag girlfriend ng marami para may mga choices ka at reserba ako tuloy ang nadali." "Kasalan ko ba kung loyal ako sa girlfriend ko? bakit ikaw marami ka bang reserba?" "Ah eh , loyal din ako sa girlfriend ko." Sagot niya na napakamot sa kanyang ulo. Napailing nalang akong pinunasan ang aking pawis, medyo mainit na kaya napagpasyahan namin na bumalik na sa loob ng bahay. "Ang init." Reklamo ni Tomboy na pawisan na rin pag tingin ko ay pinunasan niya ang kanyang mukha gamit ang laylayan ng kanyang malaking t-shirt. Natigilan ako dahil nakita ko ang kalahating dede niya. What a careless kid. "Pwedeng maupo na medyo masakit na ang tuhod ko." Sabi ni Lolo kaya inalalayan ko siyang umupo sa kanyang wheelchair. Pag-upo niya ay ako na mismo ang nagtulak habang si Tomboy ay sumusunod sa amin. Pagdating sa bahay ay sinalubong kami ni Manang. "Ihatid ko lang si Lolo sa kwarto niya manang." "Gusto ko ding maligo apo." Sabat ni Lolo at napangiti ako dahil pinagpawisan din siya. "Pare mauna na akong maligo." Sabi ni Tomboy na nakataas ang damit ang kitang kita na amg manipis niyang tiyan. Para siyang siga tulad ng napapanuod sa telebisyon. Sabay-sabay na kaming sumakay sa elevator, pagbukas ay tinulak ko ang wheelchair ni Lolo patungo sa kanyang kwarto. "Ako na dito Senyorito." Sabi ni Manang kaya nagpa-alam na rin ako. Pumunta na rin ako sa kwarto ko, sigurado na hindi pa nag-uumpisa si tomboy na maligo kaya kumuha nalang ako ng aking damit para sa guest room nalang akong maligo. Papalabas na ako ng marinig ko na parang may sinasampal, napamura ako dahil naalala ko ang aking s*x toy na ginamit ko kagabi hindi ko ito naitabi. Mabilis akong lumapit sa banyo, hindi nakasarado ang pinto kaya kitang-Kita ko si Tomboy na hinahalikan ang laruan ko at naka boxer lang siya na walang pang-itaas. Hindi ko kita ang harapan nito dahil nakatalikod siya habang ang laruan ko ay nakaharap sa kanya. "Ang ganda mo talaga." Sambit pa niya na nilalamas ang mga dibdib ng toy. "What the f*ck are you doing?" Galit na tanong ko at bigla siyang humarap sa akin kaya kita ko na ang harapan niya. Hindi ko na alam tuloy kung saan titingin. T*ngina lang ang ganda ng b*obs ng Tomboy na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD