Blythe's point of view Kinabukasan ay maagang sinundo ako nu Kuya Nik sa unit ko na rin siyang kumain ng agahan kaya ang saya-saya namin ni Ate. "May kasama kana Blythe, hindi na kita ihahatid pa. Sa superstore ako tatambay, maghanap ng mga naka sale na mga gulay at karne." "Ate, here use my card to buy anything." Sabay abot ni Kuya ng kanyang card. "Sigurado ka?" Nakangiting tanong ni Ate, nakangiti din ako dahil sigurado dito na lagi kakain si Kuya. "Yeah, take it." Kinuha naman ni Ate at pagkatapos ay umalis na kami ni Kuya. Pagdating namin sa baba ay wala ang kanyang sasakyan. "Maglalakad tayo." Okay naman sa akin na maglakad kami, agad akong humawak sa kanyang malaking braso. "San ka nag park Kuya?" "Syempre sa parking area." masungit na sagot niya. Habang nag lalakad kami

