Gab's point of view Hindi siya pumayag na maging slave ko siya, tas binalibag pa ang pintuan ng sasakyan ko. Napahawak ako sa aking manubela dahil siya palang ang babaeng binalibagan ako ng pintuan at sasakyan ko pa. Sa inis ko ay ang manubela nalang ang sinuntok ko, ikinalma ko na muna ang aking sarili pagkatapos ay lumabas na rin sa aking sasakyan. Habang nag lalakad ako ay narinig ko ang boses niya, agad akong nagawi sa department nila. Binabastos siya ng mga studyante na minsan ko nang binugbog. Uminit ang aking ulo ng makita kong parang nasasaktan siya, patakbo akong lumapit at hindi nila na paghandaan ang aking malalakas na suntok kaya nawalan agad sila ng malay. Ayaw man niya pero dinala ko parin siya sa clinic. Sobrang namumula kasi ang makinis niya braso at ayokong magkapasa

