Bullet's point of view Tinawagan ako ni Lolo na dinala pala sa hospital si Tomboy, matigas naman kasi ang ulo nun. Lumabas na ako sa aking opisina bitbit ang mga kailangan ko pang tapusin, sa bahay ko nalang gagawin. "Aalis na ako." Sabi ko sa aking secretarya. "Boss, ang aga mo naman." Tinignan ko siya ng masama dahil ako ang boss at wala siyang pakialam. "Sorry boss, bakit hindi ko ma kontak ang babes ko?" "Sinong babes mo?" "Syempre si Nik, alangan namin ikaw eh hindi naman kita babe mas ma appeal at gwapo kaya saiyo ang babe ko." Tinignan ko ulit siya ng masama. "I am just saying the truth boss, minsan kasi ang feeling mo." Sabi pa niya. "Ang babe mong tomboy nasa hospital at sira ang mukha." Inis na sambit ko. Napatayo siya sa kanyang narinig at agad tinanong kung saan hos

