Nik's point of view Hindi ako komportable sa banyo kaya dinala ko si Dolly sa kama. Niyakap ko lang siya hanggamg sa nakatulog ako. Nagising akong nasa ibabaw ni Pare kaya dahan-dahan akong umalis mahirap na baka madagdagan ang sakit ng aking katawan. Alas sais na ng umaga kaya napag pasyahan ko ng maghanda para aming pag-alis. Pumunta ako sa banyo at napangiwi ako dahil mas lala na ngayon ang pasa at pamamaga ng aking mukha. Hinubad ko ang aking damit at nagulat ako dahil may pasa din pala ako malapit sa dede ko kaya pala masakit din ang aking dibdib. Napangiwi ulit ako at naligo na. Pagkatapos kong naligo ay nag tapis lang ako ng towel, paglabas ko ay gising na si Pare. "Pare, pahiram ng damit mo." Mahinag sambit ko dahil pati magsalita ay nahihirapan ako. "Nik, pwede bang I pos

