Bullet point of view Nagulat ang mga nasa bahay ng makitang tatlo ang dala naming sanggol. "Anong nangyari Kuya?" Tanong ni Will na agad lumapit sa amin. "Hindi nakita sa ultrasound." "Ano!" Bulaslas ni Bianca na hindi makapaniwala lalo na isa siyang nurse. "Baka anak na ito ni Thalia hindi ba pinuntahan mo siya?" Napahinga ako ng malalim dahil naalala kong alam pala nila ang tungkol pag-alis ko kaya kinausap namin ang lahat na ituring na triplets ang mga bata. Tanggap naman nila ang anak ni Thalia kaya pantay ang pagtingin nila sa mga tatlo. Natutuwa ako sa aking asawa dahil itinuring na niyang panganay namin ang bata. Ang panganay namin ay pinangalan naming Nik, ang kamukha ko ay bubbles at ang kamukha ng aking asawa ay Blythe. Habang lumalaki ang mga bata ay nagiging kamukha ni

