Nikki's point of view Last week pang lumuwas si Daddy sa America para kunin ang anak ni Thalia dahil wala na ito. Ako man ay nalungkot kaya kahit kabuwanan ko na ay pinayagan ko siyang umalis. Ang bata ay mag apat buwan nasa incubator at pwede na daw itong ilabas sa hospital. Sana ay sabay nalang siyang inilabas sa mga anak ko para sabihin naming triplets sila. "Nikki ingat ka sa paglalakad baka madulas ka!" "Naka paa na nga ako Ate oh." Natatawang sagot ko, kahit saan ako magpunta ay may nag babantay sa akin. Kung busy ang mga Ate at nasa school ang magkapatid ay si Lolo at manang ang nagbabantay. "Ate samahan mo nga ako sa cementerio, gusto kong bisitahin ang mga magulang ko bago ako manganak." "Kami na ang sasama saiyo apo at para madalaw ko na rin ang akin kaibigan at pinsan.

