Nik's point of view
Napatingin ako sa aking orasan, isang oras na akong naghihintay medyo malayo sa bahay ng kasintahan ko pero wala pa din. Ang mga mensahe ko ay hindi naman niya sinasagot. Paandarin ko na sana ang aking sasakyan ng makita ko sa side mirror si Lily na tumatakbo papalapit sa akin.
Agad siyang pumasok " Love bilis alis na tayo." Sigaw na may kasamang hingal pa.
Pinaandar ko na ang sasakyan at nang makalayo na kami ay agad kong hinawakan ang kanyang kamay.
"Saan tayo love?"
"Sa bahay nalang, wala naman si Ate. Mas maganda doon para walang makakita sa atin." Sagot ko na nahihirapan para sa aking kasintahan.
Pagdating sa bahay ay deretso na kami sa aking kwarto. Siya na ang nagbukas ng Tv at bumaba na muna ako para mag pahanda ng aming pananghalian. Kumuha narin ako ng snacks namin, pagpasok ko ay nakahiga na siya sa aking kama kaya ipinatong ko na lang ang try sa kama ko pero ang drinks namin ay sa side table ko inilagay.
Tumabi ako sa kanya, hindi ko alam kung paano ko umpisahan na sabihin ang tungkol sa pinirmahan ko.
"Babe, sabi ni Daddy itatapon daw ako sa America kung malaman niyang nakikipagkita pa ako saiyo."
Napahinga ako ng malalim, bakit kasi ipinanganak akong babae pero lalaki naman ang puso ko.
"Love, may sasabihin din ako saiyo pero makinig ka na muna."
"Ano yun?"
"May pinirmahan ako pero tatlong buwan lang."
"Ano yung pinirmahan mo?"
"Marriage contract."
"Ano ulit?"
Inulit ko at bigla nalang siyang naiyak.
"Nandito naman akong willing maikasal iyo, hindi ba balak natin sa Las Vegas magpakasal?"
Niyakap ko siya dahil ang lakas na ng iyak niya. "Babe listen, si Ate dapat ang pakasal doon pero ayaw niya. Tatlong buwan lang naman at ang lalaking yun ay malapit nang mamatay kaya pumayag na rin ako. Sinabi ni Ate na after 3 months ay open ka nang pumunta dito sa bahay."
Kumalas siya sa akin at seryosong napatingin sa akin.
"Lalaki o babae?" Tanong niya kaya napakamot ako sa aking ulo.
"Lalake."
"May itsura?"
"Pangit daw eh sabi ni Ate."
"Paano kung hindi siya mamatay after 3 months?"
Napaisip ako sa tanong ng aking kasintahan. Paano nga ba kung hindi siya mamatay. Napamura akong kinuha ang aking telepono at tinawagan ang aming abogado pero hindi niya sinasagot. Kaya ang kapatid ko nalang ang tinawagan ko.
Kahit din siya ay hindi sinagot ang aking tawag kaya natulala nalang akong inilagay ang aking telepono sa kama.
"Hindi nila sinasagot ko eh."
"Legit ba yung pinirmahan mo? at alam ba ng lalaki na ikaw ang pumirma hindi ang Ate mo?"
"Napakamot na naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko."
"Nik naman eh, bakit ka pumirma na hindi nag-iisip. Sana tinawagan mo muna ako."
"Eh na on the spot ako ni Ate at kinonsensiya niya ako kaya ayun napapirma ako na wala sa oras. Mag-isip nalang tayo ng plan b."
"Okay, kung halimbawang hindi siya mamatay after 3 months at legal ang kasal ninyo anong gagawin natin?"
"Alam naman niya siguro na arrange marriage ang lahat at hindi ako dapat sana ang pakasal sa kanya. So kakausapin natin."
"Ano bang sakit niya?" Tanong na naman ng kasintahan ko at napakagat labi ako.
"Nikkkiiiii nangigigil na ako saiyo paano kung wala naman talagang sakit iyon."
"Kasalanan niya kung bakit siya nagsinungaling." Sabay napakamot na naman ako sa ulo ko.
Mas lalong nagalit ang kasintahan ko kaya mabilis ko siyang niyakap.
"Babe, may sakit iyon dahil sa aming manggaling ang pagpapagamot niya."
"Ano? pinakasalan ka na nga ikaw pa ang magpapagamot?"
"Eh yun ang sabi ni Attorney, kaibigang matalik daw ni Lolo ang lolo niya."
"Wait, alam niyang arrange marriage hindi ba?" Nakangiti nang tanong niya at nagsalubong ang aking kilay.
"Yeah, I am sure."
"Ano ang pangalan niya?"
"Huh Eh!" Sambit ko lang dahil hindi ko binasa ang pinapirma sa akin, basta pumirma nalang ako.
"Oh my God Nik! gusto mong mag criminology pero eto ka parang tangang pumipirma ng hindi mo alam ang pinipirmahan mo. Na aasar na ako saiyo. Hay naku ganito, kapag napirmahan na niya. Kailangan natin e check ang status mo sa PSA at doon natin malalaman kung legit ang kasal ninyo. Kasi sa pagkaka-alam ko ay dapat sabay kayong pumirma at may witness hindi yung magkahiwalay kayong pumirma. Then kung legal ang kasal ninyo at hindi pa siya natitigok eh di pakiusapan natin na kung pwedeng padalaw-dalaw ako at hindi dapat siya kumontra sa relasyon natin dahil tayo ang original na magka relasyon."
"Paano kung hindi siya pumayag?"
"T*ngina nun ako na ang papatay sa kanya." Galit na sagot niya and I find it cute kaya natawa ako.
"Hindi nakakatawa, naasar ako saiyo."
"Sorry Babe, smile na diyan." Panglalambing ko sa kanya.
"Naisip ko din na kung malaman nina Daddy at Mommy na kasal ka na tas sasabihin ko na friends nalang tayo eh di hindi na tayo magtago ko pa hindi ba?"
"Oo nga ano, ang galing mo babe!" Bulaslas ko at masayang nagyakapan kami.
Masaya na kaming nanunod at after ng dalawang movies ay kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay hinahanap na si Lily kaya inihatid ko siya sa mall at mabilis kaming nag shopping ng kung ano-ano para may maipakita siya sa kanyang mga magulang. Hindi ko na siya naihatid pa dahil sinundo siya ng kanyang Daddy.
Pinanuod ko nalang sila na papalabas sa pintuan ng mall.
Babe: Love nasa sasakyan na kami pwede ka na din umalis.
Mensahe ni Lily kaya bumaba na rin ako at paglabas ko sa mall ay muntik akong nadapa dahil sa wheelchair ng isang matanda.
"Aray ko!" Malutong na sambit ko.
"Naku sorry Ne, hindi ko na kontrol." Sabi ng isang matanda na nagtutulak.
"Okay lang po, gusto ba ninyong tulungan ko kayo?"
"Ay sige nga, hindi kasi namin isinama ang bodyguard ni Sir ayan tuloy hirap akong itulak ang wheelchair."
"Bigatin pala si Lolo." Sambit ko at napasilip sa matanda na mahimbing ang tulog.
"Ewan ko ba sa amo ko na ito, may gusto daw siyang bilhin dito. Sinabi ko sa kanya na ipabili nalang namin pero nagpumilit siyang siya daw ang pipili."
"Ilang taon na po ba baka makakalimutin na si Lolo?" Tanong ko habang tulak ko ang wheelchair at bitbit naman niya ang kanyang bag.
"Ninety na siya." Matanda na pala siya sana umabot ng 100." Nakangiting sabi ko na naiiyak dahil naalala ko ang paborito kong lolo na wala na din.
"Sandali Ne at gisingin ko nga si Sir." Paalam niya kaya inihinto ko na muna ang wheelchair.
"Sir! sir nasa mall na tayo. Ano ang bibilhin mo dito?" Pang-gigising niya at ilang segundo lang ay iminulat na niya ang kanyang mga mata.
"Viagra." Sagot niya at natigilan kami ni Ate sabay natawa ako ng malakas kaya napatingin siya sa akin.
"Sir naman, aahin mo ang Viagra eh wala ka namang asawa."
"Para sa apo ko, kakasal lang nila ng asawa niya." Mahinang sagot ni Lolo.
"Sir naman, hindi naman po naikasal si Senyorito at isa pa hindi an kailangan ni Sir ang viagra sa dami ng nasira sa kwarto niya kung kasama niya ang kanyang kasintahan.
"Basta bibili ako ng maraming Viagra." Sagot niya sabay napatingin ulit siya sa akin.
May ka mukha ka?" Patanong niya na parang ang lalim ng iniisip.
"Marami po akong kamukha na artista Lolo, gwapo ako eh." Pagbibiro ko kasabay ng pag hawi ko sa aking maiksing buhok at kinagat pa ang aking labi.
"Lalaki ka?"
"Oo Lo." Sagot ko na pinalalim ang aking boses.
"Akala ko isa kang bakla." Sagot niya kaya si Ate naman ang natawa.
"Sige ka lo, hindi na kita itutulak." Pagbabanta ko.
"Bakit mo naman ako itutulak? alam mong matanda ako itutulak mo ako?"
"Lo, hindi ikaw ang itutulak ko ang wheelchair mo." Pagpapaliwanag ko dahil mukhang ulyanin na si Lolo.
"May konsensiya ka?"
"Oo naman Lo." Agad na sagot ko.
"Eh di itutulak mo parin ako pabalik sa sasakyan namin. Tulak mo na ako para maka-uwi bago dumating ang apo ko."
Mukhang naisahan na naman ako kaya itinulak ko nalang si Lolo, hiyang-hiya kaming dalawa ni Ate dahil halos inubos niya ang Viagra sa counter.
"Hoy hindi akin yan ah." Sambit ni Ate na depensive dahil sa kanya nakatingin ang mga tao.
"Hindi din para sa akin yan." Sabat ko din dahil sa akin na sila nakatingin."
Hiyang-hiya tuloy akong nagtulak sa wheelchair ni Lolo papunta sa counter.
"Bayaran mo na." Sabi niya sa akin.
"Lo, saiyo yan bakit ako ang magbabayad?"
"Nakalimutan kong dalhin ang wallet ko." Sagot niya at napatignin ako kay Ate.
"Ate." Sambit ko at napangiwi siya.
"Hindi ko din dala ang bag ko eh, mga vitamins lang ni Sir ang laman ng bag na dala ko."
Napakamot na naman ako sa aking ulo dahil gusto ko lang tumulong pero sobra-sobra na dahil ako pa ang magbabayad. Kinuha ko ang aking wallet at tinignan ko ang resibo. Umabot din ng pitong libong piso sa dami ng binili niya.
"Lo may utang ka sa akin." Sabi ko na ipinakita sa kanya ang resibo.
"Bakit ako ang may utang, hindi naman ako ang gagamit. Singilin mo ang apo ko." Sagot niya na ang sarap itulak ng mabilisan at mahulog siya sa kanyang wheelchair.
Napailing nalang akong itinulak ang wheelchair niya at paglabas namin sa mall ay inihatid ko pa sila kung saan nag parking ang kanilang driver.
"Lolo, ang gara ng sasakyan mo tas lalabas ka na walang pera." Sabi ko na inalalayan siyang papasok sa kanyang sasakyan. Ang sasakyan niya ay para talaga sa kanya dahil may incliner ito. Hindi na kailangan pa ng umalis sa kanyang wheelchair.
"Magkaiba ang naiwan ang pera ko sa walang pera. Ikaw baklang bata, umuwi ka na." Pagtataboy niya sa akinn, pagkatapos niya akong pakinabangan.
"Wala man lang pa thank you Lo." Pagbibiro ko at tinignan niya ako. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya kaya agad akong napayakap.
"Sige Lo, gudluck sa apo at asawa niya. Siguradong makakabuo sila sa dami ng binili mo." Natatawang sambit ko.
Nagpa-alam na rin ako kay Ate at bumaba na ako sa kanilang sasakyan. Hinintay ko na muna na maka-alis sila bago ako pumunta sa sasakyan ko. Nagbusina na muna ang sasakyan at ilang saglit ay umandar na.
Napahinga ako ng malalim at lumakad na rin ako. Agad kong pinaandar din ang aking sasakyan pauwi sa bahay. Pagdating ko ay nasa sala si Ate na parang hinihintay ako.
"Mabuti at dumating ka na, naka pirma na ang asawa mo kaya pwede ka nang pumunta sa bahay nila next week."
"Akala ko next month pa Ate."
"Akala ko din, malay mo kailangan nun ng caregiver." Sabay tumawa siya.
"Ate paano pala kung hindi siya mamatay after 3 months?"
"Eh di doon ka na muna, asawa mo yun alangan naman na iiwan mo."
Napamura na lang ako sa sagot ng kapatid ko, ang laki ng sakripisyo ko tas ngayon ay parang wala na lang sa kanya. I am only 18 tas may instant asawa na agad.