Nananatiling nakatitig ang mga nanlalaking mata ni Ashley kay Oslo. Hindi siya makapaniwala sa kondisyong hinihingi nito. “S-Seryoso ka ba?” tanong ni Ashley kay Oslo matapos ang ilang minuto niyang pananahimik. “Ikaw ba? Seryoso ka ba sa gusto mong paghihiganti?” balik-tanong ni Oslo habang sinasalubong ang pagtingin sa kanya ni Ashley. “Ikaw ang tinatanong ko tapos tatanungin mo ako,” ani Ashley saka umismid. Nanatili namang seryoso ang mukha ni Oslo. Sandaling nagbaba nang tingin si Ashley. Nag-inhale siya. Maya-maya ay tiningnan niya ulit si Oslo. “Bakit?” nagtatakang tanong ni Ashley. “Bakit kailangan na maging asawa mo ako para lang tulungan mo akong maghiganti?” tanong niya pa. Hindi kaagad nagsalita si Oslo. Diretso siyang nakatingin kay Ashley. “Ano? Bakit hindi ka magsali

