Dahan-dahang idinilat ni Ashley ang kanyang mga mata. Muli siyang napapikit dahil nasilaw siya sa liwanag. Maya-maya ay muling idinilat ni Ashley ang kanyang mga mata at in-adjust ang paningin sa liwanag. Nagtagumpay naman siyang gawin iyon. Sinalubong ng maputing kisame ang paningin ni Ashley. Ramdam rin ng kanyang katawan ang lambot ng kanyang hinihigaang kama. Pakiramdam niya, nakahiga siya sa mga ulap sa sobrang lambot. ‘Nasaan ba ako? Nasa langit na ba ako?’ Nanlaki bigla ang mga mata ni Ashley saka mabilis na napabalikwas at napaupo pa siya sa ibabaw ng kama. “Teka lang Miss… dahan-dahan lang sa pagbangon at baka kung mapaano ka.” Lumingon bigla si Ashley sa babaeng nagsalita at humawak sa kanang braso niya at umalalay sa kanya sa pag-upo. Masasabi niyang katulong ito dahil sa

