Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse. Nakaupo si Oslo sa driver’s seat habang nasa harapan lang ang tingin. Wala siyang saplot sa katawan at nakapatong lang sa ibaba niya ang hinubad niyang longsleeve polo at tinatakpan ang p*********i niya. Tahimik lang si Oslo. Hindi siya makapaniwala na magagawa nila ni Ashley sa loob ng kotse at sa gilid ng highway ang mainit na sandaling iyon. Hindi pa niya ito naranasan kahit sa dati niyang asawa at hindi niya maitatanggi na na-excite at nasarapan siya sa kanilang pag-iisa kahit na may kasikipan ang kotse. Pamaya-maya ay nilingon ni Oslo si Ashley na nakaupo ng diretso sa passenger seat at nakatingin lang din sa harapan ng kotse. Wala din itong saplot sa katawan at nakatakip lang ang coat na suot nito kanina. Bumaba ang tingin niya. Nakita

