Nagsusukatan ng tingin sina Ashley at Sasha. Nakataas ang kanang kilay ni Sasha habang nangingiti naman ang labi ni Ashley. Nakatulala naman si Rim sa tabi at tinititigan si Ashley. Mababakas sa kanyang mukha ang hindi pagkapaniwala sa sinabi niya. “You heard it right, I’m Ashley… Ashley Bermudez,” pagpapakilala muli ni Ashley kay Sasha habang nakatingin ng diretso sa kaharap. “Ako ang inagawan mo ng lahat,” madiin na dugtong niya pa. Pagak na natawa si Sasha. “So… tama pala ako ng hinala noon pa,” aniya. “Ikaw nga ang baklang salot,” wika pa niya. Tinaasan ng kanang kilay ni Ashley si Sasha. “Ako? Baklang salot?” magkasunod na tanong niya. Inismiran niya si Sasha na tumataas naman ang kanang kilay habang diretsong nakatingin sa kanya. “As far as I remember, naninira ang salot… kaya kun

