Patingin-tingin si Dolores kay Oslo na katabi niyang nakaupo sa mahabang sofa sa sala ng kanyang bahay. Nililibot naman ni Oslo ng tingin ang loob ng tirahan ng ina ni Ashley. Maya-maya ay huminga nang malalim si Dolores. Napatingin naman sa kanya si Oslo na kumunot pa ang noo. “Are you okay, Ma’am?” pagtatanong ni Oslo kay Dolores. Tiningnan ni Dolores si Oslo. Ningitian niya si Oslo. “Okay lang ako,” sagot niya. “Saka huwag mo akong tawaging ma’am, nakakahiya sa iyo,” sabi pa niya. Tipid na ngumiti si Oslo. “Oo nga pala, may alam ka ba kung saan talaga nagpunta si Ashley?” pagtatanong ni Dolores kay Oslo. “Wala kasi siyang sinabi sa’kin. Ang sabi lang niya ay may pupuntahan lang siya,” sabi pa niya. Maya-maya ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya. “Baka naman pinuntahan pa niya an

