“Handa na ang almusal,” ani Dolores kay Ashley. “Tawagin mo na sila Ash at Remi pati na rin si Oslo para makakain na tayo,” aniya pa. Silang dalawa ang maagang nagising at nagtulungang maghanda ng almusal na hinain na nila sa lamesa. Tiningnan ni Ashley si Dolores. Ningitian niya ito. “Sige, Ma. Puntahan ko lang sila para gisingin na,” aniya. Matamis na ngumiti si Dolores. Mababanaag sa kanyang mukha na masaya siya dahil muli niyang makakasalo ang anak na si Ashley sa almusal na inakala niyang hindi na mangyayari pa. Masasabi niyang puno talaga ng sorpresa ang buhay dahil ‘yung mga bagay na hindi na niya inaasahan, bigla-bigla ay bubulaga na lang sa kanya. Umalis si Ashley sa dining area. Una niyang pinuntahan ang kwarto nina Ash at Remi na magkatabing natulog sa kwarto ng una. Gusto ni

