“Mabuti naman at naisipan mo pang bumalik,” sarcastic na wika ni Sasha habang tinitingnan ng diretso si Rim na kababalik lang sa unit nila. Magkaharap silang nakatayo sa gitna ng kanilang kwarto. “Saan ka ba nanggaling? Hindi mo ba alam na sobra-sobra ang pag-aalala ko sa’yo? Hindi ko alam kung nasaan ka. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa’yo. Iniwan mo ako ng basta-basta dito ng wala akong alam kung nasaan ka-” “Can you please shut up?!” singhal kaagad ni Rim na nagpahinto kay Sasha sa pagsasalita. Tiningnan niya ang misis. “Kadadating ko lang pero ‘yang bunganga mo parang armalite na ang daming balang tanong na pinapatama sa’kin,” sarkastikong sambit pa niya. “Nakakarindi ka,” bulong pa niya sa naiinis na tono. Sumama ang tingin ni Sasha kay Rim. “Huwag ka ngang sarcastic diyan.” N

