Sabay na naglalakad ng mabagal sina Ashley at Oslo sa loob ng mall. Patingin-tingin si Ashley sa paligid habang nasa harapan lang ang tingin ni Oslo na tahimik lang. Pamaya-maya ay sinulyapan ni Ashley si Oslo. Sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita ang mukha nito. “Why?” tanong ni Oslo kay Ashley na nagulat naman sa pagtatanong niya. Sa gilid ng mga mata ni Oslo ay nakikita niya si Ashley na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kanya. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya. “Why are you staring at me?” tanong niya pa ulit. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Ashley. Kung saan-saan pa siya tumingin. “Staring at you? Hindi ah,” pagmamaang-maangan niya habang naglilikot ang mga mata. Sandaling tiningnan ni Oslo si Ashley. Sumilay ang smirk sa labi niya saka muli ding tumingin sa ha

