Nakatayo ng tahimik sa may pintuan ng bahay si Ashley habang nakatingin sa labas. Hawak-hawak ng kaliwa niyang kamay ang kanan niyang braso habang hawak naman ng kanan niyang kamay ang kaliwang braso niya. Tulala lang siya at malalim ang kanyang iniisip. Samantala, papunta sa kwarto si Dolores nang mapatigil siya sa kanyang paglalakad at nagawi ang tingin sa nakabukas na pintuan ng bahay. Medyo kumunot ang kanyang noo nang makita niyang nakatayo doon ang anak na si Ashley. Ilang sandali pa ay muli siyang naglakad palapit sa kinaroroonan ng kanyang anak. “Gabing-gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?” sabi at tanong ni Aling Dolores na tinabihan si Ashley sa pagtayo. Naputol ang pagkakatulala ni Ashley dahil sa narinig na mga salita. Inalis niya sa kanyang mga braso ang kanyang mga kamay

