“So boring,” bulong ng binatang si Alren habang naglalakad siya sa loob ng mall at patingin-tingin sa paligid. Bored na bored ang binata kaya naman naisipan niyang maglibot na lang muna sa mall. Nagsawa na siya sa paglalaro ng video games sa bahay at panunuod ng mga videos sa video sharing app. Hindi rin niya gustong manuod ng pelikula o TV series dahil tinatamad siya kaya naman sa mall na lang siya maghahanap ng paglilibangan niyang iba. Wala sa bahay ang parents ni Alren dahil nasa trabaho ang mga ito. Mas tutok pa sila sa kanilang kumpanya kaysa sa kanya. Noong una ay hindi ito okay sa kanya at para siyang patay-gutom sa atensyon na lahat ng pwede niyang magawang kalokohan ay ginagawa niya para lang makuha ang atensyon ng mga ito ngunit kalaunan ay nasanay na lang din siya hanggang sa

