"For now, she's still under labor, we still need to wait hanggat ready na ang bata na lumabas." "Pero doc, ilang oras na ang lumilipas hindi ba p'wedeng magawan ng paraan para mailabas na niya ang baby?" nag-aalalang tanong ni Hunter lalo na kasi nasaksihan niya ang hirap na nararanansan ni Erin na halos mamilipit ito sa sobrang sakit kung ano ano na ang ginawa nila pero wala pa rin talaga. "Natural birth ang gusto ni Erin that's why we need to wait. We can't force the baby to come out dalikado 'yon, but don't worry Mr. Alarcon, normal naman 'to, may mga labor talaga na matagal, sometimes it took hours or days but everything will be fine." "Gan'on, ba Doc?" "Yes, for now you can rest habang nagpapahinga rin si Erin. Mabuti rin na nakatulog muna ang pasyente para naman makakuha siya ng

