"Diyos ko, kaya naman pala hirap na hirap yung isa na ilabas kasi ang laking laking bata oh." wika ng ina ni Hunter habang nakatingin sa sanggol na natutulog at buhat buhat ni Hunter. Halos kanina pa sila pagkumpulan lahat, gustong hawakan ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Habang si Erin naman ay natutulog at bumabawi ng lakas matapos na makapanganak ito. Hindi niya maalis ang mga ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ang kanilang anak. Noon araw na nalaman nila ni Erin na magkakaanak sila, labis ang saya na naramdaman nila, na akala nila wala ng mas hihigit pa sa kaligayahan nila, pero hindi pala. Dahil ngayon na kasama na nila ang anak, na hawak-hawak na niya ito at nakikita mas lalong nagumapaw ang labis na tuwa sa puso niya. Pakiramdam niya buong-buo siya, wala na siyang mah

