CHAPTER 3

1735 Words
Buti na lang at naituro sa kanila ang mga facilities ng hotel noong first-year college siya. Tulad ng lobby, lounge, VIP room, hanging gardens, restroom, outdoor swimming pool, semi-open & outdoor restaurant, etc. Mukha mahihirapan siya.  Palakad lakad lang siya nang makita ang malaking printa na nakalagay ay VIP room kaya pumasok siya sa kahabaan ng hallway at halos mabusog ang mga mata sa sobrang ganda ng mga design at sobrang galing ng taong nagpaplano para sa hotel na ito. What a brain!  Luxury Hotel na ang tawag pag ganito ka bonggang ang hotel.  “Tulong! Tulungan niyo ako please!”  Isang malakas na sigaw mula sa babae ang naririnig niya sa isang VIP room kaya’t hinanap niya kung saan ang room na iyon. Isang beses pa ay sumigaw muli ang isang babae na parang nanghihingi ng tulong at nang mahanap niya kung saan nanggagaling agad niyang tinulak ang pinto kaya lamang naka-lock.  Mabilis siyang naglakad at naghanap ng pwedeng tumulong hanggang sa makita  niya ang naka uniform na babae, mukhang nagtatrabaho din ito sa Hotel.  “Excuse me lang po, I need your help may susi ba kayo ng mga room for VIP?” pukaw niya sa babaeng mukhang nag iikot para tingnan ang set up na ginagawa ng mga designer.  Kunot ang noo nitong humarap sa kanya bago nagsalita, “You are a new manager, right?”  Hindi niya pinansin ang tanong nito bagkus mabilis niyang hinigit ito sa isang tabi, “Please, ibigay mo sa akin ang susi kailangan ko nasa room VIP 201 may nanghihingi ng tulong,” she said directly.  Sa wakas at agad siya nitong naintindihan kaya’t mabilis na kumilos ang babae at ilang minuto lamang ay bumalik ang babae at may dalang kulay gold na susi. Mabilis niya iyong kinuha at binuksan ang pinto ng hindi pinag-iisipan o hindi niya alintana kung may panganib ba sa loob.  Bumungad ang isang babae na nakahandusay sa sahig at puro sugat. Naka uniform ito na pang housekeeping kaya ibig sabihin isa siyang staff. Lumingon naman sila sa isang lalaki na naka towel ang pang ibaba nito habang gulat na gulat ang mukha nang makita sila.  “Sino kayo, bakit kayo nandito?” mayabang na tanong nitong m******s na lalaki.  Sobrang nanggagalaiti ang panga niya sa galit, “Hoy, manyak ka kami dapat ang magtanong sa’yo anong ginagawa mo sa staff namin?”  Ngumisi ang lalaki, “Wag kayong mangialam!” sigaw nito sabay kuha ng bote para ihagis sa kanila at maswerteng itinulak niya ang kasama kaya siya ang hinagisan ng bote na tumama sa hita niya. “Anong gagawin natin?” lumingon siya sa kasama na halatang kinakabahan.  Huminga siya ng malalim para makapag isip ng tama, “Humingi ka ng tulong sa ibaba, tawagin mo ang security ako na ang bahala dito,” utos niya sa babaeng kasama na agad naman sumunod.  Gumapang ito para hindi mapansin ng m******s na lalaki na ngayon ay hawak ang babaeng sinasamantala nito kanina.  “Bitawan mo na ‘yang babae kung hindi mapipilitan akong mag patawag ng pulis,” pahayag niya habang unti-unting gumagapang upang kunin ang baston na nasa gilid ng flower vase.  “Anong akala mo, basta ko na lang ibibigay sa’yo ang babaeng ito? Malaki ang utang niya sa akin at dapat niyang bayaran gamit ang katawan niya!”  Bakit ba nabubuhay ang m******s na tao sa mundo. Naririnig niya ang paghikbi ng babaeng hawak nito at ng silipin niya mula sa gilid ng lamesa dahil naka-dapa naman siya. Tanging senyas sa babae ang nagawa niya at sa pamamagitan nun pinapahiwatig niya dito na tapakan nito ang paa ng lalaki na ngayon ay hawak ang babae habang nakatayo. Ngunit pag-iling lamang ang natanggap niya dito. Kumuha siya ng pagkakataon upang sipain ang baston na kaagad rin naman niyang nakuha at sumugod upang hampasin ang lalaki. Tinamaan niya ito sa braso kaya nabitawan ang babae na mabilis niya hinila papunta sa likuran.  “Mautak ka rin, ano kaya kung ikaw ang unahin ko? Mukhang mas malaman ka naman sa kanya,” tumawa ito na parang isang demonyo.  “Yaks! Magpapakamatay na lang ako kaysa galawin mo.”  Akmang ihahampas niya muli dito ang baston na hawak ng bigla itong nag labas ng isang kalibreng baril na dahilan kaya natigil siya at parang na-stock up ang utak.  “Sino ang gustong mauna?” natatawang saad nitong m******s habang ang baril niya ay nakatutok sa kanilang dalawa.  Anong laban niya sa baril kung baston lang ang hawak niya. Wala na siyang ibang maisip kundi protektahan ang babaeng nasa likuran. Pinalaki siya ng kanyang Inay na dapat ay unahin ang kapwa kaysa ang sarili.  Umatras siya ng kaunti sabay bulong sa babaeng nasa gilid niya, “Pag sinabi kong tumakbo ka tumakbo ka akong bahala dito.”  “Pero paano ka?”  “Wag mo akong alalahanin darating na ang rescue.”  Nag aalangan ito kaya mabilis niyang itinulak sa pinto ang babae bago siya dumapa at sinara ang pinto dahil alam niyang susundan nito ang babae.  “Alam mo magaling ka talaga at gusto ko ang pagiging matapang mo. Ano kaya ang magiging performance mo sa kama.”  Mabuti na lang at medyo malaki ang VIP room na ito kaya marami siyang pwede na pagtaguan habang naghihintay ng rescue.  Halos tumalon ang puso niya ng barilin nito ang flower vase na malapit sa sofa na pinagtaguan niya. Panay na ang dasal niya at kung sino-sinong santo na ang tinawag niya.  “Kung ako sa’yo susuko na lang ako tapos isang gabi lang naman bibigyan pa kita ng tips kung maganda ang performance mo,” segunda na naman nitong m******s.  Pumikit siya bago mabilis na tumayo at humarap sa lalaking may malaking ngiti habang may hawak na baril.  “Patayin muna ako ngayon,” buong tapang niyang saad.  She close her eyes and wait for her death, alam naman niyang mamamatay siyang mayaman tulad ng napag usapan nila ni Mr. Villamin na kung sakaling may mangyari sa kanya during work hindi nito pababayaan ang pamilya niya. “Kung yan ang gusto mo-”  Isang malakas na kalampang at putok nang baril ang narinig niya habang nakapikit kaya pinakiramdaman niya ang sarili kung may dugo ba ang katawan niya ngunit wala siyang naramdaman na hapdi, unti-unti siyang nagmulat ng mata hanggang sa makita ang m******s na lalaki na nakahandusay at may tama ng baril sa hita.  Gulat siyang tumingin sa pinto at nakita ang lalaking nakatayo habang may hawak na baril, “M-Mr. Villamin-” Naputol ang sasabihin niya ng mabilis nitong hawakan ang braso niya at hilahin palabas sa VIP room, para siyang nahilo sa sobrang daming staff na nandoon sa labas pati na rin ang mga pulis na huling dumating at sumalubong sa kanila.  “Mr. Villamin, sorry nahuli kami ng respunde-” “Ah, Chief ako na lang ang kausapin niyo,” singit naman nitong Secretary ng binata kapagkuwan ay umalis na ang mga ito at hinihila pa din siya nitong binata.  Tumigil sila sa hindi kalayuan, “Are you out of your mind!?” galit na saad nitong si Mr. Villamin sa kanya.  Nagpanting ang tenga niya dahil siya na nga itong muntik mapahamak tapos sinigawan pa siya? “Teka nga lang, gusto ko lang naman tumulong bakit parang kasalanan ko pa ata kung makasigaw ka bakit hindi ‘yung m******s na lalaki ang sigawan mo dun!”  “Shut up!”  “Manahimik ka din! Alam mo kung anong pagkakamali sa hotel mo? Masyado kayong kampante sa customer at hindi niyo man lang inalam ang pagkatao ng mga pumapasok dito kaya ang mga employees ang nag susuffer habang kayo tumatanggap ng pera,” mahaba niyang pahayag bago naglakad kahit na medyo nanghihina ang tuhod niya dahil siguro sa boteng tumama kanina dito.  Akmang ihahakbang niya ang mga paa ng tuluyan itong manigas, “Ouch, bakit ngayon pa..” bulong niya sa sarili habang pilit na ginagalaw ang binti na medyo kumikirot. Muli sana niyang susubukan humakbang ng biglang may bumuhat sa kanya at susuwayin niya sana ngunit nakita niya ang seryosong mukha ni Mr. Villamin na kanina lang inaaway siya tapos ngayon buhat-buhat siya, tsk. Ganito ba talaga ang paraan nito para mag sorry.  “Pwede muna akong ibaba,” sabi niya na medyo masama ang loob.  “Magpahinga ka muna sa office, magpapadala din ako ng nurse para tingnan ang paa mo. Mamaya na ang event at ikaw ang kailangan mag assist bilang isang Manager,” paliwanag nito habang karga-karga pa din siya.  Pagpasok pa lamang nila sobrang namangha na siya sa sobrang ganda ng pagkaka organisa sa office ng binata. Ibinaba siya nito sa malambot na single bed at umalis ng walang kibo. Humiga siya pansamantala habang nilalasap ang amoy menthol ang sa buong office na ganitong ganito ang amoy ng binata na parang fresh na menthol na talagang kumakapit ang amoy nito sa buong office.  Nagising lamang siya sa pagpapantasya ng may kumatok, “Pasok,” sabi niya at hinintay ang pagpasok ng kung sino man ang kumakatok.  Bumungad ang babaeng tinulungan niya kanina, “Ikaw pala ‘yan kamusta ka?”  “Mabuti naman po ako, Manager Juvilyn maraming salamat po dahil kahit nasa kapahamakan ka nagawa mo parin itaya ang buhay mo para sa akin,” tumutulo ang luha nito habang sinasabi ang taos pusong pasasalamat.  Hinawakan niya ang kamay nito, “Ayos lang, alam mo kung ano ang mahalaga ngayon?” “Ano?”   “Ang pareho tayong ligtas.”  She smiled widely, “Ang sabi po ni Mr. Villamin kailangan nyo daw po nang damit kaya ito ibinibigay niya para makapag bihis ka daw at makapag pahinga ng komportable tapos maya maya lamang ay nandiyan na ang nurse para tingnan ang iyong paa,” anito habang hindi mawala ang ngiti sa labi. “Thank you. Siya nga pala anong pangalan mo?” segunda niya maganda kasi siya at mukhang maamo ang mukha nito kaya gusto niyang malaman. “Candy Velasquez po.” “Bagay sa’yo ang pangalan mo sweet kasi ang mga ngiti mo,” puna niya sa pangalan nito pati na rin sa ngiti nitong umaabot sa mga mata. Pareho silang ngumiti. Ngayong araw may nagawa na naman siya na ilalagay sa diary para ipakita sa kanyang Ina na gumagawa siya ng mabuti tulad ng bilin nito sa kanya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD