Kasalukuyan pa siyang naliligo ng nareceive niya ang tawag ng lalaking nakilala niya lamang kahapon, tumawag siya dito kanina at ang sabi ay susunduin siya ng secretary nito kaya nagmamadali siyang naliligo.
Ibubuhos na sana niya ang tubig na natira sa timba nang biglang tumunog na naman ang di-keypad niyang phone kaya agad niya iyong sinagot.
“Hello?”
“Hey, where are you? Hurry up malapit na ang event!” umalingawngaw sa tenga niya ang malakas na sigaw ng binatang nasa kabilang linya.
At sa inis niya binabaan niya ito ng tawag bago pabagsak na nilagay ang phone sa tabi ng sabunan. Imbis na ibubuhos pa niya ang tubig sa timba kinuha na lang niya ang towel at pinulupot sa katawan bago lumabas ng banyo para magbihis.
Akala niya ba ay secretary nito ang pupunta bakit nagmamadali ang asungot na ‘yun.
“Girl, may tao sa labas kanina pa naghihintay sa’yo,” bungad ni Jhoverey sa kanya ng paglabas sa banyo.
“Huh? Sino daw wala naman akong kilala dito.”
“Baka ‘yung lalaking na encounter mo kahapon, nagkwento ka kaya sa akin diba? Yiee! Infairness gwapo siya tapos mukhang mayaman patulan muna kaya sayang naman,” komento ni Jhoverey habang nangingisay sa kilig.
Agad siyang dumungaw sa bintana at hindi nagkakamali ang kanyang pinsan dahil nasa labas na ang lalaking may sungay, kanina lang naliligo siya nang tumawag ito tapos ngayon naman nandito na ang binata ano ba talaga ang lalaking ito. Siguro nilipad nito ang highway para lang makarating at sunduin siya. Tsk! Dapat secretary na lang nito ang nagsundo sa kanya.
Minadali niya ang pagbibihis ng pants at t-shirt tapos sinuot na ang lumang rubber shoes na binigay pa ng kanyang Inay.
“Sa tingin ko naiinis na si kuyang gwapo sa ibaba,” pukaw na naman ni Jhoverey.
“Kaya nga nagmamadali na ako dito kaya lang hindi ko mahanap ang suklay,” pagrereklamo niya.
“Hays, ito na lang ang gamitin mo ‘yung sa akin tapos bumaba kana at doon ka mag ayos sa kotse ng boss mo,” sabi ng kanyang pinsan sabay abot ng suklay na agad rin naman niyang kinuha at parang trumpo na lumabas sa loob ng bahay.
“Alis na ako!” paalam niya sa pinsan.
Habang naglalakad siya palapit sa lalaking may sungay natatanaw niya ang nakaguhit na pagkairita sa kilay nito at daig pang dragon kung maningkit ang mga mata sa kanya.
“Hey, woman. If you want to work in my Hotel you need to give yourself a wake-up range, do you understand?” anito na may diin pa ang bawat salita.
Aanga pa na sana siya nang hawakan nito ang braso niya at hilahin palabas ng looban at dahil masyadong agaw pansin ang kagwapuhan ng binata maraming mata ang nakatingin sa kanilang dalawa.
Nang tuluyan silang makalabas sa looban agad nitong binitawan ang braso niya nang pabalagbag, “Pinag aralan mo ba ang sinabi ko sa’yo?” he asked.
“Alangan, ‘wag kang mag alala dahil may background ako sa HRM.”
“That’s good, sakay na baka gusto mo pang buhatin kita papasok ng kotse,” he said sarcastically.
Gusto niya pa sana bulyawan ang binata kaya lang mukha nagmamadali ito kaya tahimik muna siya sa ngayon tapos mamaya na niya bibirahan.
“Nakikita mo ba ‘yang paper bag, nandiyan ang mga kailangan mo bilang isang manager.”
“WHAT!?”
Hindi niya alam na manager ang ipo-position sa kanya sa Hotel. Nakita niyang masama ang aura ng binata at mukhang nairita mula sa pagkakasigaw niya dahil magkasalubong ang kilay nito.
“All you need to do is to follow my instructions, nasa article ang mga dapat sa events at ang script na ibinagay ko sa’yo para sa speech mo,” anito.
“P-pero wala akong experience sa position na iyan!”
Lumingon ito ng may masamang tingin sa kanya habang nagmamaneho, “You have 1 hour to memorize the speech,” maawtoridad nitong utos.
She forced to smile in front of him, “Nagpapatawa ka ba? Naturingan na malaking hotel ang meron ka wala kang manager?”
“Gawin mo na lang kung ano ang inuutos ko. Gusto mo ng trabaho pero ang dami mong reklamo.”
Pinili na lang niyang manahimik dahil umaakyat na ang dugo niya at baka hindi siya makapagpigil. “Boss, kung nagmamadali ka dito na lang ako magbibihis sa kotse mo para naman pagdating natin ‘doon mag mukha na akong manager,” pukaw niya sa lalaking may sungay.
Tiningnan muna siya nito bago nag preno at mabilis na bumaba, “Bilisan mo dahil importante ang oras ko.”
Nang makababa ang binata agad niyang binuksan ang paper bag at bumungad ang pantsuit black, white shirt without sleeves, blazer black and heels sandals. Hindi naman sila galit sa black? Sinimulan na niya ang pagbibihis.
Matapos magbihis ay binuksan niya ang pinto ng kotse at nakita niya ang binatang nakatalikod habang may kausap sa phone at ang kaliwang kamay naman ay nakapamulsa sa suot nitong blue pants. Tama nga si Jhoverey gwapo naman talaga ang lalaking ito kaya lang masama ang ugali.
Nagulat siya ng humarap ito "Okay, wait for me. I can handle it," anito sa kausap sa phone bago lumakad patungo sa kotse kung saan nakadungaw siya.
“Mabuti naman at marunong ka mag suot niyan,” mayabang nitong saad.
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili dahil ayaw niyang masira ang beauty sa binata at baka mabawasan pa ang chance niyang mapunta sa langit pag nagkataon.
Akmang pasakay na siya sa kotse nang hilahin ng binata ang kanyang braso at sisigawan niya sana ito nang makitang kinabitan lamang siya nito ng nameplate sa uniform na suot pagkatapos ay tiningnan niya kung anong nakalagay at halos malaglag ang mata niya nang makita ang naka printa na pangalan.
*Manager Juvilyn Valerio*
“Teka nga lang paano mo nalaman ang pangalan ko-”
Naputol ang sasabihin niya ng may iabot ito. Nang tingnan niya bumungad ang ID niya para sa college.
“Sumakay kana,” walang emosyon nitong utos.
Nagtanong siya sa sarili kung bakit hindi niya napansin na nawala ang ID nya siguro kasi pagod sa byahe kaya wala na siyang malay kahapon upang maghanap ng mga nawawalang gamit. Sa ngayon ang dapat niyang intindihin ay kung paano niya gagampanan ang pagiging isang manager ng Hotel without experiences.
Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa hotel at parang nakakita ako ng isang malaking-malaking mansyon dahil sa sobrang ganda talaga, biruin mo first time niya lang dito sa Manila instant agad ang trabaho na ibinigay sa kanya at hindi lang instant bongga pa.
Nang makababa siya bumungad ang malaking naka printa na name ng hotel, *Le Villamin Hotel*
Parang luluwa ang mga mata niya sa sobrang taas, lawak at higit sa lahat para itong ginto na nagniningning. Labas pa lang nakakabaliw na paano kaya sa loob? Baka gustuhin na niya tumira dito.
“Be a leader, maliwanag?” nakakatakot naman maging seryoso ang lalaking ito.
“Yes, sir!” sagot niya bago tumayo ng diretso at gawing kagalang galang ang aura niya pero ang totoo sobrang bilis mag pump ng puso niya.
Pagpasok niya ng tuluyan ang lahat ng staff ay busy sa mga kanya-kanyang task na naka-assign at dahil Manager siya pinanatili niya ang seryosong aura kahit na hindi naman siya sanay maging isang leader.
“Attention everyone! Our new Manager is here,” parang niyugyog ang buong pagkatao ni Juvilyn dahil sa nagsalita na nanggaling ang boses sa malaking speaker na nakakabit sa wall. Wow! Just wow may pa announcement pa ang bongga naman niya.
Automatic naman nag stop ang lahat sa mga ginagawa at parang mga batang tumayo sa harapan nilang dalawa, “Good morning, Mr. Villamin!” halos tumalon ang puso niya nang sabay-sabay bumati ang mga ito.
Lumingon siya sa binatang katabi, Villamin? Parang narinig na niya ang apelyidong iyon pero hindi na siya nag-aaksaya para isipin pa iyon.
“I would like to introduce our new Manager, Juvilyn Valerio,” pagpapakilala nito sa kanya na agad rin naman niyang sinalubong ng ngiti ang mga staff.
Pero mukhang kaunti lang ang may gusto sa kanya para makasama siya dahil ang iba ay nakasimangot. Unang encounters niya palang sa mga ito marami na ang kinamumuhian siya, ganito na lang ba ang gandang meron siya para bigla na lang kainggitan?
“Good morning, Manager Juvilyn!”
Hindi niya alam kung bumabati ang mga ito o naghahamon ng away dahil halos matanggal ang tutuli niya sa tenga sa uri ng pagsigaw ng mga ito. Maya-maya ay nararamdaman niya ang pagtapik ng binata sa kanya balikat na hudyat para magsimula siya kaya huminga siya ng malalim na malalim.
Naglibot muna siya sa buong lobby, natutuwa siyang natupad ang pangarap niya na maging isang Manager kaya lamang napaaga lang at wala siyang experiences. Nung malibot niya ang kabuuan napansin niyang mali ang curtain na kinakabit ng mga ito.
“Attention Everyone!” sigaw niya na agad rin nakakuha ng atensyon sa mga staff. Ginaya niya lang ang sinabi nung nag announce kanina. “Based on the client request, colorful ang hinihingi nila na kulay sa buong sulok ng hotel.”
“So, ang sinasabi mo ay papalitan lahat ng sinabit namin?” mataray na tumalima ang isang matangkad na babae. Walang tatalo sa kagandahang meron siya kaya hindi niya kailangan matakot sa gandang meron ito.
Gusto ba nitong ulitin niya kung naiintindihan naman nila ang sinasabi niya kakaiba talaga ang mga staff na nandito hindi na nga siya ginagalang nakuha pang mag reklamo. Kinuha na lang niya ang naka box na curtain at pinili ang kulay na mayroong glitters.
“Parisian debut birthday ang magaganap na event kaya marapat lamang na colorful ang ilagay nyo. Ayusin ng iba ang nasa lobby at maghati-hati para sumama sa akin para ayusin ang VIP room.”
Pakiramdam niya ay walang sumunod sa likuran niya kaya lumingon siya at nakumpirmang walang ngang sumunod kahit na isa. Grabe wala talagang sumusunod sa kanya ganito ba siya kinamumuhian ng mga ito?
Wala siyang nagawa kundi ipagpatuloy ang paglalakad hanggang sa nakita niya ang elevator kaya dali-dali siyang sumakay ng magbukas iyon. May isang babae nakasakay rin at mukhang hindi basta customer dahil ang pananamit at pati na ang paggalaw nito ay masyadong class.
“Are you the new Manager?” napatingin siya sa babae at nahiya bigla dahil mas maganda pala ito pag tinitigan.
“A-ah, yes ma’am,” nauutal niyang sagot. Dalawa lang naman sila sa elevator kaya alam niyang ang tinatanong nito ay walang iba kundi siya.
Hindi na ito umimik pa kaya nang tumunog ang elevator at nagbukas agad itong lumabas habang siya ay naiwan sa loob. Pinaypayan niya ang sarili dahil pawis na pawis siya samantalang hindi naman mainit pero ‘yong kabang meron siya ang nakakapag-painit sa katawan niya.
Nang mahimasmasan nagtaka siya dahil ang elevator ay nakabukas lamang at hindi umaandar, nilingon niya ang numero at nasa 15th floor na pala siya. Parang siyang ewan kakahanap sa VIP room.