“Do you still love her?” Paalis na sana siya ngunit narinig niya ang tanong ni Jean, gusto niya, gusto niya din marinig mula dito kung mahal pa nga ba nito si Brianna. Wala naman siyang dapat malaman pero may kung anong nagtutulak sa kanyang alamin, bakit ba siya magkakaganito? Dapat ay lumalayo siya sa binata. “Get out.” “Hindi mo masagot kasi totoo?” “Jean, it's not about her. Wala akong nararamdaman para sa’yo, ito ang punto na gusto mong marinig di ba? Kaya tama na kailangan ko rin baguhin ang sarili ko,” Tumahimik ang kapaligiran, umalis na siya para hindi marinig ang usapan ng dalawa, kailangan rin naman nila nang privacy kaya hindi siya dapat nakikinig. Nahawa na ba ako kay Ate Jessa? Chismosa na rin ba ako? ‘Wag naman sana. “Juvilyn!” Halos mabitawan niya ang kanyang ce

