Kasalukuyan silang nasa venue at inaantay si Jhoverey dahil sa ngayon, tatlo pa lang sila na nakaupo habang ang dalawang binata ay tahimik at nakaupo, kagabi iniisip niya kung paano magsasama ang dalawa na walang alitan pero ngayon pa nga lang na walang kibuan nararamdaman na niya ang init sa tinginan ng mga ito. “Wa-wala pa ba si Jhoverey? Ano ba ang sabi niya sa’yo, Kevin?” basag niya sa katahimikan para kasing Tigre magkatinginan ang dalawa at kung hindi siya sisingit baka may isang tumumba dahil sa nakakamatay na tingin. “She is on the way, don’t worry. Anyway, nagustuhan mo ba ‘yung rosas?” “Oo, salamat pala, ah!” sagot niya sa kaibigan at pareho silang ngumiti sa isa’t isa. Medyo masama ang timpla ng mukha ni Yuan pero hinayaan na lamang niya, ewan niya ba sa dalawang ito masy

