“Bakit ba ang kulit mo? Sabi na-” “Ikaw ang makulit! Sabi na dito lang ako, e. May sakit ka lang bumalik na naman ang iyang pagiging dragon mo. Akala ko ba magkaibigan na tayo?” putol niya sa sasabihin nito. Siya na itong concern tapos ganito pa ang nadatnan niya na para bang may kasalanan siya kung umasta. Kinuha niya ang gamot sa kanyang bag, madalas kasi siyang magdala ng mga gamot para incase na masama ang pakiramdam niya iinom agad siya. “Oh! Ito na ang gamot mo tapos ito ang tubig hinanda ko na rin, inumin mo ‘to para bumaba ang lagnat mo,” aniya sa binata na nakahiga pa rin at balot na balot ng kumot pakiwari niya lamig na lamig ito. Tiningnan lang siya nito pero kinuha rin naman agad ang gamot sa kamay niya at ininom iyon bago inabot niya ang tubig na iinumin nito at matapos

