“Pupunta ka?” pukaw ni Jhoverey sa natutulog niyang diwa. Kanina niya pa kasi pinag-iisipan kung pupunta ba siya o hindi? Pero naalala niyang ito nga pala ang punishment na ipinataw sa kanya ni Mr. Villamin. No choice dahil susunduin siya nito at nangako na rin siya baka mamaya imbis na maka-ipon ng pera matanggal pa siya sa trabaho dahil lang sa hindi pag sunod sa gusto nito. “Sigurado akong susunduin ako ni Mr. Villamin, no choice kailangan ko pumunta kahit nakakahiya at kabado ako ngayon dapat tumupad ako baka tanggalin niya ako sa trabaho. Paano na lang ang pagpapagamot ni Neneng?” Umiling-iling ito tapos ay umupo sa tabi niya, “Nasabi muna ba kay Tita na hindi ka nakaabot sa entrance exam sa Dela pena University? Dahil diyan sa trabaho mo, buti nga hindi sila nagtataka kung saan k

