Umupo si Juvilyn sa kama dahil nag stay muna siya sa Hotel para maasikaso ang mga dapat asikasuhin sapagkat may event na naman. Nag paalam naman siya kay Jhoverey na ilang araw siyang hindi makakauwi at syempre okay lang dito lalo kung part naman daw nang trabaho niya. Kinuha niya ang paper bag na ipinadala daw ni Yuan, pagbukas niya bumungad ang isang dress na kulay pink with sandals. Favorite ba ng binata ang pink? Kasi kung siya ang tatanungin hate niya ang pink! Pero itong binata sa tuwing may lakad sila dress na pink at kung hindi pink, violet. Ilang sandali pa niyang pinagkatitigan ang dress bago tumayo pero bago pa man tuluyang makatayo tumunog ang phone niya at mabilis niya iyon sinagot. “Anak! Malapit na matapos ang school year anong balak mo? Saan Hotel ba ang gusto mo-”

