“Alam mo ba kung bakit nandito ang mommy mo?” tanong niya sa binata na ngayon ay nakaupo habang magka-cross ang dalawang hita. Bossy lang duday? “Yes, nakita niya ang pictures na nagkalat sa social media.” Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang binata, “Grabe pala ang mga fans mo? Nakakatakot masyado, daig pang magulang mo,” komento niya. Kanina lang parang dagang sumusunod sa kanya ang mga iyon. Pakiramdam tuloy niya wala na siyang privacy, dapat pala ay hindi muna siya pumunta sa condo nito para walang isyu na lumalabas sa social media maraming stalker na nakapaligid sa kanya. “They want to welcome you, welcome to the Villamin fam cakes!” inaasar pa siya nito habang may ngiti sa labi. Kakaiba ang ngiti nito dahil may kagat labi pang nalalaman. Akala mo naman talaga! Gwapo naman tal

