“Why are you asking about her?” “Syempre! Nanliligaw ka tapos may ibang babae sa buhay mo-” “I’m sorry, let me explain first, okay?” paghingi ng permiso nito. Tumango-tango siya at saka umayos ng upo, habang nag e-explain ito nananatili ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya at nararamdaman niya na pahigpit nang pahigpit ang kapit ng kamay nito sa kamay niya na para bang ayaw siyang mawala o kumawala. Matapos ang pagpapaliwanag nito at nalinawan siya sa lahat nag aya na siyang umuwi. Inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng looban nila, hindi dapat siya nito gustong pauwiin pero iniisip niya ang kanyang pinsan siguradong umiinit na ang kokote nito sa kakahintay sa kanya. Bumaba ng sasakyan si Yuan at umikot upang pagbuksan siya ng pinto. “Salamat sa paghatid!” masigla niyang saad

