bc

Abandoned Bhella

book_age18+
182
FOLLOW
6.2K
READ
love-triangle
family
escape while being pregnant
fated
opposites attract
second chance
arranged marriage
curse
single mother
heir/heiress
drama
gxg
campus
childhood crush
lies
rejected
secrets
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Binigay ko lahat ng meron ako. Ang aking puso, isip, katawan at kaluluwa.Ngunit hindi pa rin ito naging sapat para sayo.Pinaramdam mo sa akin ang kakila-kilabot na naging sanhi ng trauma sa aking sarili. Sa maraming paraan araw-araw para sa mga kadahilanang hindi mahalaga.The worst part is that you justified every mean thing you did and all the cruel words that you spew to me.Ang sabi mo pa ay sinusubukan mo lang akong tulungan na gumaling.Pagpabuti ba sa pakiramdam ang pasasabi ng masama tungkol sa akin?Napakaraming beses tayong nag-away dahil kailangan mong magkaroon ng huling salita, palagi kang tama o kaya naisip mo na palaging wasto ang iyong pangangatuwiran.Hindi ko alam kung kailan tayo tumigil sa pagmamahalan at nagsimulang hindi lumaban para sa ating pagsasama bilang mag-asawa. Ngunit ngayon ang lahat ay hindi na mahalaga.Sigurado akong may sagot ka at sisisihin mo lang ako sa mga ginagawa mo.Alam mong hindi kita tinatanong, dahil ako ang itinulak mo palayo. Hanggang sa hindi ko na nakayanan pa lahat. Hindi na ako umiiyak dahil naging manhid na ako ngayon.Manhid sa iyong mga salita, iyong mga pangako at iyong paghingi ng tawad. Ngunit masayang lang dahil hindi mo naman magawang magbago.Wala na akong maibibigay, ginugol ko na ang lahat ng mayroon ako para iligtas ang isang relasyon na hindi ko naman sigurado kung mahalaga pa ba ako.Hindi mo na pinapahalagahan o pakialam ang relasyon na binuo natin katulad ng ginagawa mong pagpapahalaga sa iyong sarili.Napakaraming bagay na hindi ko maintindihan kung bakit, pero hindi ko na kailangan.Naubusan na ako ng mga salita, damdamin para subukang alalahanin ka pa.It's time now to put myself first, something I haven't done in a long time..tigilan na natin ito, tama na.Huwag mo na akong pagbintangan na mali.Noon pa man taos puso akong umaasa sa pinakamapagmahal at mahusay na ikaw. Hindi lang bilang parte ng aking buhay. Kundi bilang kapares na maaasahan sa hirap at ginagawa. Katulad ng kung paano tayo nagsumpaan sa harap ng ating mga kamag-anak, kaibigan at higit sa lahat sa diyos.Ayoko na dahil nahihirapan na ako para sa aking sarili. Lalo na kapag dinadagdagan mo ng mabangis na pagsalakay. Hindi ko na kayang tiisin ang pisikal at emosyonal mong pananakit.Kaya huwag mong ipagtaka kung bakit hindi kita tinatawagan at hindi na nakikipag-away sa iyo sa text. Ang aking kadahilanan ay napaka-simple lamang at ito ay ang "TAPOS NA TAYO".Wala nang pagkakataon para subukan na ayusin pa ang mga bagay.Huwag mo na akong subukan na pigilan sa aking paglalakad palayo. Dahil buo na ang aking desisyon at itinaas ko ang aking ulo para subukang hanapin muli ang liwanag.Alam kong mahirap ang aking hinaharap at maaaring maraming balakid na siyang haharang sa aking landas. At malamang na mami-miss kita, ngunit sa totoo lang, mas nami-miss ko ang aking sarili. Na miss ko na ang dating ako, ang dating mapagmahal, mabait at malakas na ako.Sino ang maaaring gumawa ng anumang bagay at palaging nakakahanap ng kaligayahan sa kanyang buhay.I don't need to blame you for anything. I take responsibility for every time I allowed you to treat me badly and all the ways that I didn't stand up for myself.Iyon din ang dahilan kung bakit inaako ko ang responsibilidad para sa aking buhay pabalik at lumalayo.Pagmamay-ari ko ang aking sarili at may mga pagpipilian ako. Ang aking kaligayahan sa wakas ay makakamtan ko na pagkatapos ng napakatagal na pagpayag sa aking sarili na madama bilang isang biktima, dahil hindi ako kaagad lumayo mula sayo.Tatapusin ko ang kabanatang ito ng aking buhay at magsisimula ng panibago.Hindi ko alam kung saan ako muling itadhana o kung paano ako makakarating sa aking tatahaking landas. Ngunit habang nagpapaalam ako sa isang nakaraan na puno ng dalamhati, sa wakas ay muli kong naramdaman ang sikat ng araw.Ngayon, oras ko na para maibalik ang aking ningning.Oras ko na naman..Ang muling bumangon, lumipad ng mataas at higit sa lahat,Para maging masaya naman ako ulit.Hindi ko mapagkakaila na marahil ikaw na nga ang pinakamatamis na tulang naisulat ko.Hindi ako sigurado kung dahil sa ikaw ang unang lalaking hinalikan ko sa ilalim ng bumubuhos na ulan.O dahil binigay ko ang lahat sa laban na 'to mula ulo hanggang paa. Mula buhok hanggang kuko. Mula balat hanggang buto. Tagos ang mga salitang yumayakap sakin bawat gabiHalos hindi na nga ako natulog sa dinami-daming kwentong ibinahagi ko kahit sa tula man lang.Naaalala mo pa ba noong sinabi mo sakin ang takot mo sa dilim,At kahit hindi ako nakakatulog ng may ilaw. Hindi ko pinapatay kahit para sakin nakakasilaw. Para sayo tiniis ko, para makatulog ka lang ng mahimbing hinayaan kong nakabukas ang ilaw.Naaalala mo pa ba?Na minsan kitang naging mabuting kaibigan. Malawak ang iyong mga ngiti sa tuwing tayo'y nagkikita. Nang magbago ang lahat dahil sa nangyari na hindi ko naman ginawa. Nabura lahat ang maganda nating samahan. Ayaw mo na akong tingnan dahil labis mong kinamumuhian. Burado na ang masayang ala-ala, kahit ito'y maikli lang.

chap-preview
Free preview
chapter 1
Third person pov Walang mga magulang, walang mga kapatid, walang mga kamag-anak. Hindi nila matukoy kung saan nanggaling si Bhella dahil umabot na sa limang buwan wala paring naghahanap dito. Kahit sa tv, radio, o social media wala talagang nag post na hinahanap ang nawawalang batang babae. Flashback.... Natagpuan ni Don Sergio Ramos ang isang batang babae na lumulutang patihaya sa isang ilog na nasasakupan ng kanyang hacienda. Tantya niya ay nasa pitong taong gulang pa ito. Agad niyang sinakluluhan ang batang babae. Tiningnan ni Don Sergio ang pulso nito. Laking tuwa niya ng maramdaman na may pulso pa ito. Kaya agad niya itong isinakay sa kabayo para dalhin sa pagamutan sa bayan. Pagdating na clinic ay agad na sinuri ng doctor ang batang babae. Kinabitan ng oxygen at dextrose dahil ito ay nanghihina. Nagtamo ito ng sugat sa kanang bahagi ng ulo kaya agad itong tinahi ng doctor. May mga galos sa braso, para at mukha nito. Nakita-an din nila na may mga pasa ito sa katawan. Nangingitim ang balat sa kung anong bagay man ang hinampas dito. May kwentas na suot ang batang babae at nakalagay dito ay Bhella. Ibig sabihin ay Bhella ang pangalan nito. Wala pa namang napabalita sa radio na may na missing na bata. Kaya si Don Sergio ay matyaga muna niyang binantayan ang bata hanggang sa magising ito. Tinawagan niya ang kanyang asawa na si Donya Ester para puntahan siya sa clinic kung saan sila naroon. Napaka amo ng hitsura ng bata, matangos ang ilong bilog ang mukha at mahaba ang buhok. oooOooo “Mahal, anong nangyari? May masakit ba sayo? Nahulog ka ba sa kabayo? Sinabi ko naman sayo eh na matanda kana at hindi ka na pweding mangabayo pa.”natarantang sabi ni Donya Ester. “Relax Mahal ko, walang masamang nangyayari sa akin. Habang naglilibot ako sa ating hacienda napadaku ako sa malaking ilog at nakikita ko ang batang babae na yan na lumulutang,”turo ni Don Sergio sa batang babae na nakahiga. “Mahabaging panginoon paano naanod ang batang ito? Mabuti naman at nakaligtas sa kapahamakan. Sino kaya ang kanyang kamag-anak? Sigurado na naghahanap na sa kanya ang kanyang mga magulang ngayon.”nag-alalang sabi ni Donya Ester. Mahal, hintayin nalang natin na magising ang bata. Tatanungin natin siya kung taga saan at ano ang pangalan ng kanyang mga magulang. Alam mo bang marami siyang pasa sa katawan. Sa tingin ko ay minaltrato ang batang ito bago inaanod ng tubig.”sabi ng don sa kanyang asawa. Kinagabihan umigik ang batang babae. Kaya dali-daling tumayo si Donya Ester para ito'y tingnan. Dahan-dahan na idinilat ng batang babae ang kanyang mga mata. Iginala ang paningin sa buong paligid. “Hija, kumusta ang iyong pakiramdam? May masakit pa ba sayo? Nagugutom ka ba?”pag-aalalang sabi ng matanda. Parang hindi naintindihan ng batang babae ang sinabi ni Donya Ester dahil wala itong reaction. “Naalala mo ba ang iyong pangalan? Ang pangalan ng iyong mga magulang naalala mo pa ba? Taga saan ka? Sabihin mo sa akin ang address mo para maihatid kana namin sa pamilya mo.”sabi ni Donya Ester. Walang reaction ang bata sa sinabi ni Donya Ester kaya minabuti nalang niya na tawagan ang doctor para suriin ang batang babae. Nang tingnan ng doctor sina-suggest nito na ipa- MRI scan ang bata para malaman kung maaapektohan ba ang memorya nito sa natamong sugat sa ulo. Hihintayin muna nilang maging malakas ang bata bago nila ito ibyahe patungong Davao City para sa MRI. “Bhella ba ang iyong pangalan? Bhella kasi ang nakalagay sa suot mong kwentas hija. Bhella nalang ang itatawag namin sayo dahil hindi mo naman masabi ang totoo mong pangalan.”sabi ni Donya Ester. Tumango naman ang batang babae bilang pag-sang-ayon. oooOooo Pagkatapos ng tatlong araw inuwi nila si Bhella sa kanilang mansion sa hacienda Ramos. “Inday Perlyn may panauhin tayo at paki-asikaso ng kanyang silid. Ikaw na ang bahala sa kanya habang hindi pa natin mahahanap ang kanyang pamilya.”sabi ni Donya Ester sa kanyang katiwala sa mansion. Nasa trenta y syete na ang edad nito. “Hala kagwapa ba aning bataa uy(ang ganda naman ng batang ito).” Sige ako na ang bahala sa kanya Donya Ester. Maganda na rin na dumating ang batang ito para sumigla ang mansion ninyo. May mga apo ka nga wala naman dito. May magiging kalaro na ang anak naming si Elsie at Buboy."sabi ng katiwala sa mansion. “Ay oo nga magiging maingay na ulit itong mansion ng mga Ramos. Ang nag-iisa kong anak na babae magmula ng maging asawa ang isang koreano ay nasa Korea na namamalagi. Ang dalawa kong anak na lalaki ay sa America na bumuo ng pamilya. Hindi man lang nila naiisip na nangungulila kami sa kanila.”saad ng matandang Donya. “Donya Ester, sa susunod na linggo ay pasukan na. Hindi ba maganda kung isasabay natin silang ipa-enroll ni Elsie. Habang nandito sila sa poder ninyo maganda na rin na mag-aral siya para matuto.”suhisyon ng kasambahay. “Magandang idea iyang sinabi mo Perlyn. Dahil hindi pa naman natin alam kung saan siya galing mas maganda na ring idea ang pag-aralin siya. Ano Bhella gusto mo bang mag-aral kasama ang anak ni mama Perlyn mo?”tanong ng ginang sa batang si Bhella. Tumango naman ang bata bilang pag-sang ayon. “Since wala siyang birth certificate baka pweding sa apilyedo nalang ng asawa mo isunod. Bhella Salvador,”sabi ng ginang. “Sige ma'am walang problema sasabihin ko kay Kolas.”masayang saad ni Perlyn. Agad na ipinakilala ni Perlyn si Bhella sa kanyang mga anak. Natuwa naman sina Elsie at Buboy dahil may bago na silang makakalaro. Ang mag-asawang Nickolas at Perlyn na naging katiwala na ng mansion ng mga Ramos. Si Perlyn ang namamahala sa buong mansion ay gumagabay sa iba pang mga kasambahay. Si Kolas naman ay sa hacienda namamahala. Siya ang tumitingin sa mga pangangailangan ng mga magsasaka. At siya rin ang namamahala sa mga hayop sa loob ng hacienda. “Mahal, nandito na pala kayo. Bakit hindi ninyo sinabi sa akin na ngayon ang release ninyo sa clinic.”sabi ni Don Sergio. “Naku Mahal may driver naman tayo kaya sa driver na ako nagpasundo. Nalaman ko rin kasi na importante ang deal mo sa investor mo sa syudad. Anong balita? Naayos mo ba ang deal sa proyekto para sa ipapatayong shopping mall ni Emerald?”tanong ng ginang sa kanyang asawa. “Naayos ko na mahal at sinimulan na nila ang trabaho sa lalong madaling panahon. At naipa-schedule ko na rin sa City Doctors ang MRI na gagawin kay Bhella bukas.”balita ni Don Sergio. “Mabuti naman kung ganun. Siya nga pala, next week ay umpisa na ng klase. Nakapag-enroll na sina Buboy at Elsie. We should enroll Bhella too hanggat hindi pa natin mahanap ang kanyang mga magulang. Sayang naman kasi ang panahon di ba mahal? Mas maiigi na rin yung matuto siya hanggat nasa poder natin. Ang dadalhin muna niyang apilyedo ay Punzalan. Ang apilyedo ni Kolas muna ang kanyang gagamitin.”pahayag ng ginang sa kanyang asawa. “Magandang idea ang iyong naisip Mahal ko. Gawin mo ang nararapat dahil ikaw ang mas nakakaalam Sa ganyang mga bagay. Tumawag na ba sina Eugine at Sergel? Malapit na ang kaarawan mo at mukhang hindi na naman makakarating ang mga iyon dahil may mga proyekto na gagawin.”malumanay na sabi ng ginoo. “Hayaan mo na mahal, araw-araw naman silang tumatawag sa atin eh. Nagbibinata at nagdadalaga na rin ang mga apo natin. Ang gaganda nila lalo na at amerikana ang mga nanay. Talagang nakatadhana sila sa ibang lahi. Si Sergel bilang panganay Amerikana ang naging asawa. Si Eugine na bunso amerikana rin ang piniling asawahin. Ang nag-iisa nating prinsesa sa kakapanood ng Korean novela puro Oppa na ang pantasya. Dahil naging obsessed sa Oppa koreano ang piniling maging asawa. Mabuti na nga lang at naisipan ni Emerald na magpatayo ng negosyo dito sa Pilipinas. Ibig sabihin kahit nasa malayo sina Eugine at Sergel. Madalas natin na makakasama si Emerald at ang kanyang mga anak.”sabi pa ng ginang. “Oo Mahal, kahit papaano ay makakasama natin minsan ang pamilya ni Emerald. Malaki na rin sina Vheancy at Ryanair balita ko dito naka-enroll na sila sa international school sa Maynila. Naging suggestion din nila Sergel at Eugine na kay Emerald natin ipapamahala ang buong Hacienda Ramos. Ang dalawang anak ko na lalaki ay wala talagang balak na pangalagaan ang ating hacienda. Pinaghirapan natin ito at pinaganda para sa kanila ngunit hindi sila naging intresado.”malungkot na sabi ng ginoo. “Ikaw naman kasi palagi mo silang nilalayo sa hacienda. Pinaaral mo sila sa Maynila, pagkatapos ay pinag-doctor mo sa amerika. Kaya yung pagmamahal sa pamamalakad nila sa hacienda ay hindi nila sinasapuso.”sabi ni donya Ester. Oo na, ako na naman ang sinisisi mo dahil ako ang mali. Inaamin ko naman mahal na dahil gusto kong maging independent sila pinapag-aral ko sila sa malayo. Ngayong may maganda na silang narating saka ko naman napagtanto na walang magmamana sa aking pinaghirapan.”hinaing ng matanda. “Sa apo mo nalang ibigay itong hacienda. Mukhang si Ryan ang intrisado sa lugar na ito. Kapag bumibisita siya dito ay halos ayaw na niyang umuwi ng korea.”suggestion ng ginang. “Mukhang siya na nga lang ang tangi kong pag-asa para mapangalagaan itong aking hacienda.”sabi ni Don Sergio. End of flashback...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook