chapter 31

1576 Words
Ryan pov Agad kong inayos ang aking mga pendings na trabaho para masundan si Bhella sa America. Medyo natagalan dahil nangangailangan ng tulong ang anak ni Elsie. Naawa ako sa bata kaya ipinagamot ko ito sa Manila. Sa hospital nina Queen ko ito dinala. Mas sigurado ang kaligtasan nito dahil may advance technology sila at may magagaling na doctor. Ken² undergo some therapy but he didn't survive the bone marrow transplant. Nakakalungkot isipin na sa effort ko hindi niya nakayanan ang major treatment ng mga doctor. Sobrang weak daw kasi ng katawan niya. At ang kanyang puso ay hindi rin gaano kalakas para lumaban. Mahirap mawalan ng anak, nakikita ko kung gaano nasaktan si Elsie sa pagkawala ng kanyang anak. But she need to move on at tanggapin na pinahiram lang sa kanya ng Diyos si Ken². Nang mailibing ang bata pinauwi ko muna siya sa Davao. Binigyan ko siya ng trabaho sa aking kompanya. Nang maayos ko na ang lahat saka ako lumipad patungong America para sundan si Bhella. I'm excited and happy to see her. Uumpisahan ko nang suyuin ang pinakamamahal kong babae. Sana maganda ang resulta ng kanyang BAR exam. Pagdating sa Arizona ay agad kong hinanap ang address ng pamilya ni Bhella. Saka na ako pupunta sa bahay ni Tito Eugine sa Glendale kapag naayos ko na ang matutuloyan ko dito. Malapit lang din dito si Tito Sergel dahil doctor siya sa Scothdale. Nagtatrabaho siya sa Honor Health Scottsdale bilang Neurologist. Si Tito Eugine naman bilang CPA graduate. Siya ang head ng isang corporation sa Glendale City. Nang mahanap ko ang address ng tinitirhan nina Bhella ay agad akong nag-book ng hotel malapit sa tinitirhan nila. Bumili na rin ako ng sasakyan para may magamit ako habang sinusuyo siya. Unang araw inabot ko ang bulaklak sa kanilang security guard. Mayaman pala ang mga Miller at talagang protektado ang pamilya. Umalis na kaagad ako at naglakad papunta sa kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Nang marinig kung binuksan ang gate lumingon pa ako at nakita kong palabas ang Isang sasakyan at inabot ng guard ang bulaklak. Ibig sabihin ay si Bhella ang sakay ng sasakyan na palabas. Dinahan-dahan ko lang ang paglakad para mapansin niya ako. Nang malagpasan na niya ako ay agad akong sumakay sa aking sasakyan. Sinundan ko siya hanggang sa pinagtatrabahoan niya. “Phoenix Behavioral Health Care” dito pala siya nagtatrabaho. Habang hinihintay siya makikipag-usap muna ako sa isang Pinoy security guard. Kinukwento niya kung gaano kagaling na doctor si Bhella. Marami na daw itong napapagaling na pasyente dahil magaling kumausap. Mahabang oras na rin akong nagtityagang naghintay sa kanyang paglabas. Ngunit ng lumabas siya ay may kasmaa siyang lalaki. Nakita niya ako, at nagulat pa siya ng makita ako. Umalis kaagad siya ng kasama niyang lalaki. Sino ba kasi ang lalaking iyon? Bakit parang close sila ni Bhella. Nainis man ako pero sinundan ko parin sila. My purpose here is to talk to Bhella. Naka distansya lang ako sa kanila pero nakasunod parin ako kung saan sila patungo. Pumasok sila sa isang hospital, ano naman ang gagawin nila dito. At the same time naghihintay na naman ulit ako kanyang paglabas. Ipinarada ko ang aking sasakyan katabi ng sasakyan nila. Nang makita kong pasan siya ng lalaking kasama niya. Umakyat ang mga dugo ko sa aking ulo. Gusto kong sumugod at umapakan ang lalaking pumasan kay Bhella. Walang emosyon ko siyang tiningnan. Nagulat ulit siya, at tinanong niya ako kung kailan ako dumating. Girlfriend daw siya ng lalaki. “Girlfriend? Di ba engaged kana kay Brent Patrick Miller? Nagsawa ka na ba sa kanya kaya ka humanap ng mas malaki at mas masarap. Akala ko pa naman professional ka Bhella. Ganito ka pala ka professional maglaro. Magaling ka pa lang maglaro ng damdamin.” Sabi ko dahil sa mga nakikita ko ng harap-harapan. Maipagkakaila pa ba niya ang kanyang kaladian. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na huwag siyang insultohin. Sinigawan siya ng lalaki at pinapasok sa loob ng sasakyan. Minura ako ng kanyang lalaki at dinuro- duro pa ako. Pinsgbabantaan ako na huwag lumapit kay Bhella. F*ck him, who the hell he is to stop me. Kung nasaan sila sinundan ko parin pero nasa malayo lang ako. Nag-uusap sila at nakita kong parang umiiyak si Bhella. Inaalo ng lalaki at hinahaplos ang likod. Damn that idiot man, sino ba siya para ganyan kalaya niyang hawakan si Bhella. Umalis na ulit siya kaya muli na naman akong nakabuntot sa kanilang sinasakyan. Huminto sila sa isang pastries shop. Nang lumabas ang lalaki kinuha ko kaagad ang pagkakataon na lapitan di Bhella. “Ay iyot, giatot pesti!. Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba kami? Baliw ka ba? Ano bang problema mo Ryanair Park, nanahimik ako pero bakit ka nanggugulo?”sabi niya. Akala ko pa naman matino ka, pero bakit paiba-iba na ang mga lalaki na kinakalantari mo Bhella. “Kalantari??? Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang iyan Mr. Park?”tiimbagang niyang sabi. Of course I know, dahil may fiancé ka na tapos ibang tao ang kasama mo at naghaharotan pa kayo in public place. “Ang dumi ng utak mo, kasing dumi ng pagkatao mo. Sino ka ba huh? Sino ka sa buhay ko at kung umasta at makapanghusga ka akala mo may karapatan ka. How dare you idiot, umalis ka na at huwag na huwag kang lumapit sa akin. Hindi ka na nahiya sa sarili mo g*go. Naghihimutok butchi mo ng wala namang karapatan.”galit niyang sabi. But her last words hit me big time. Wala akong karapatan sa kanya. She's right, without valid reason nagagalit ako sa kanya. Narito ako para suyuin siya, pero ano itong pinaggagawa ko. “Idiot ka Ryan dahil mas lalo mo lang siyang pinapalayo,”kastigo ng utak ko. Itinulak niya ako at lumabas siya ng sasakyan. Padabog niyang isinara ang pinto at umikot sa kabilang side at pumasok sa driver seat. Bumalik ang lalaki na may mga dalang boxes of cakes. Nang nakita niya ako masama niya akong tinitingnan saka pumasok sa loob ng sasakyan. Agad pinasibad ni Bhella ang sasakyan na hindi man lang nag-alala na baka masagi ako. Napasabunot nalang ako sa aking buhok dahil sa muling katangahan na aking ginawa. “Ogag dapat kasi kinuntrola mo ang iyong sarili bago ka sumulong sa gyera. Ayan ang napapala sa pagiging padalus-dalos mo,”pambubuska ng isip ko. oooOooo Bhella pov Napaka-g*go niya para pagsalitaan ako ng ganun. Wala namang karapatan pero kung umasta akala mo may label eh. “Anong ginagawa niya sayo dear? Ang badtrip ng hitsura mo oh.”tanong ni Drake. Ang dami ko daw kinalantari. “What? Paano? Enlightened me para maintindihan ko dear.”saad pa ni Drake. Kasi dear ganito kasi yon, sa Davao siya ang engineer sa mga properties ni Brent. As in sa lahat ng renovation sa Rancho sa farm at Sa mga tinatayong negosyo nila ni daddy ko at daddy Patrick siya ang humawak. Alam ni Brent na siya ang ama ng kambal dahil nga sa pagkakahawig niya kay Bryn. Kaya ang ginawa ni Brent ikinwento niya na fiance niya ako. At ang engagement ring ni mommy pa ang iponasuot niya sa akin. Hindi ko suot ngayon dahil hindi ko naman alam na biglang siyang susulpot. “At nakita niya ang ginawa ko sayo kaya nabaliw sa selos at halos lunokin na niya akong buhay. Mahal ka niya dear kaya ka niya sinusundan dito sa America. Bakit hindi mo gamitin ang mental telepathy mo para malaman mo kung totoo ba ang naramdaman niya. Hindi pa ba niya nakita ang kambal? What if makita niya? Makakatakas ka pa kaya sa mga katanungan niya? Maitatago mo pa ba ang lahat kapag kusa na itong mabubunyag. Dear walang usok na nahahawakan, kaya paghandaan mo ang susunod na mangyayari.”mahabang litanya ni Drake. Natulala ako sa kanyang sinabi dahil may point of view naman ang kanyang mga pahayag. Hanggang kailan ko itatago ang mga bata sa kanya? Ngayong narito na siya sa America malalaman na niya balang araw. “Alam ng Lolo at Lola pati mommy niya na may anak kami ni Ryanair Park. Pero sinuportahan nila ako na huwag munang malaman ni Ryan bilang Paris. “Sana all supportive!”saad ni Drake. Alam kasi nila na malaki ang atraso ng apo nila sa akin. Bahala na nga, saka ko nalang yan iisipin. Excited na ako sa balita ni mommy dear. “Ma'am Bhella congratulations dahil ganap na abogada na kayo ni sir Brent.”Agad na balita ni kuya Nelson na guard namin. “Lagot ka Nel pinangunahan mo ang amo mo,"natatawang sabi ni Drake. Napatakip naman ng bibig Si Kuya Nelson. Ay sorry ma'am napasobra ang excitement ko eh. Magkunwari nalang po kayo na Hindi ninyo alam para hindi ako matanggal sa trabaho.”nag-alalang sabi ni kuya Nelson. “Oh dear tinuruan kang magsinungaling ni Nelson, galingan mo huh para hindi siya matanggal sa trabaho.”pang-aasar pa ni Drake. Huwag mo ngang takotin si kuya Nelson ang bait kaya niyan. Anong masama kung na excite siya, pasalamat pa nga ako dahil natuwa siya sa achievement namin. Okay lang kuya Nelson maraming salamat po sa suporta. Isara mo ang gate, sabay tayong kakain nitong pasalubong ng kaibigan ko. “Susunduin ko muna ang kambal na nakikipaglaro sa kaibigan nila,”saan naman ng guard. Pagpasok namin sa loob....Oh My God! Kailan po kayo dumating???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD