Bhella pov
Nanlambot ako sa aking kinatatayuan nang sumigaw sa may balcony ang kambal. Alam na pala ni Tita Emerald ang lahat dahil nagkahuntahan sila ni mommy pagdating pa lang nito. It's a coincidence nga daw nang nagkakilala sila sa airport kahapon. Mga anak kong parang kabuti na bigla nalang sumusulpot. Itong Si Bryn sumusulpot na pala sa harapan ng kanyang Lola Emerald. A take note sumang-ayon pa siyang parusahan ang kanyang anak.
Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na wala pala si Ryan sa malapitan. May kinakausap ito sa cellphone sa labas ng gate. Kaya agad na tumakbo si Brent para itago ang mga pamangkin.
Napahalakhak nalang ang lahat dahil sa pagkataranta ni Brent at ang pamumutla ko.
Niyakap ako ni Tita Emerald ng mahigpit.
"Relax Bhella, just calm down okay. Salamat sa pagpapalaki mo nang maayos sa kanila. Sobrang proud ako sayo anak, napakabuti mo. Hindi mo maitatago ng matagal ang lahat sa ama nila dahil minsan tadhana ang gumagawa ng paraan para paglapitin sila. Napaka dakila ng panginoon Bhella. Sobrang nangulila sina mama at papa Sa pagkawala mo. Tapos ang diyos ang nagbigay ng daan para manatili ang koneksyon mo sa amin. Sa ngayon gawin muna nating tanga ang ogag kong anak."sabi ni Tita Emerald. Hinalikan niya ako sa pisngi saka umalis. Ingat po kayo, salamat po.
Nagmano na ako kina Lolo Sergio at Lola Ester.
"Galingan mo ang exam mo apo, pupuntahan ka namin sa graduation mo,"sabi ni Lolo Sergio.
Sige po aasahan ko po ang pangako ninyo Lolo. Bawal muna ang uugod-ugod dahil tatakbo pa tayo sa marathon.
oooOooo
Grabeh ang kaba, ang takot sa nangyari kahapon. Kaloka ang mga anak ko, na meet nila ang pamilya ng ama nila on the unexpected day. Gusto ko na talaga silang pauwiin sa America para hindi makita ng depunggal. Magiging abogada muna ako bago niya malaman para hindi na ako mamomroblema kung gusto niyang magsampa ng kaso.
"H-hello Bhella? Bhella is that you? Oh my goodness ang tagal na natin na hindi nagkita. Look at you ang ganda mo na."sabi ng isang babae na may may hawak na batang lalaki.
"Hindi ko talaga inaasahan na magkikita tayo ngayon. Oh my God I miss you sis. Hala hindi mo na ako kilala? Si Elsie Salvador ako ang anak nina ni Perlyn at kulas."sabi niya.
Napa-Oh nalang ako sa kanyang sinabi. Oo nga pala si Elsie the great manipulators noon.
Oh high kumusta ka na? Anak mo ba yan?
"Ay oo anak namin ni Ryan, di ba kamukha niya?"masaya niyang sabi.
Hilaw nalang akong ngumiti kasi Hindi naman kamukha ng ama. Nagkaanak na rin pala sila kaedad lang din ito ng kambal eh.
"Kailan ka dumating? Saan ka na ba nakatira ngayon. Kami sa mansion ng mga Ramos na kami nakatira. Alam mo naman na matanda na sina Lolo Sergio at Lola Ester kailangan na may magmo-monitor sa kalusugan nila. At stay for good na rin kasi si my love ko dito."malandi niyang kwento.
Gusto kong irapan ng bongga pero huwag nalang. Hindi ko ibababa ang sarili ko sa kanya. Medyo may kirot sa aking puso pero okay lang kaya pa naman.
Ako naman nag-japayuki na ako, alam mo yon pagsasayaw sa poste sa harap ng mga hapon. Tumatanggap rin ako nang customer para guminhawa. Alam mo naman na high school lang ang natapos ko. Sino bang ang tatanggap sa akin para bigyan ng matinong trabaho. Kung mag-aapply ako sa mga kompanya tiyak na janitress lang naman ang magiging trabaho ko. Kung mananatili ako sa hacienda magiging magsasaka lang din naman ako. Okay na ako sa ganitong trabaho easy money, may sasakyan, may condo unit, nakakapag-travel sa ibang bansa. Nakakapag-walwal sa mamahaling clubs. Look at you, nag-aalaga lang ng bata. Mukhang pinabayaan ka ng asawa mo. Hindi ka ba niya binibigyan ng allowance para makapag-ayos ng iyong sarili? Huwag kang pumayag na maging lusyang dai. Mayaman ang napangasawa mo at hindi mahirap sa isang katulad niya ang palitan ka kapag nagsawa na siya sayo. Mag-ayos ka katulad ng ginawa mo dati na kapag nariyan siya todo paganda ka. Naalala ko talaga noon ba na kapag umuwi si Ryan ba pangalan nun? Kapag nauwi sa Davao ang tukmol mong asawa naku ang ganda-ganda mo daig mo pa ang kulay ng pulang rosas. Bakit ngayon para kanang lantang gulay?
Sayang ang buhay dai, kaya enjoy mo lang huwag kang magpakalusyang para hindi ka niya iwanan. How about kaya kong agawin ko siya sayo? Kakayanin mo kaya ang gante ng isang api Elsie Salvador?
Nanlilisik ang kanyang mga mata sa aking sinabi.
"You b*tch, walang hiya ka ang kapal ng mukha mo."sigaw niya sabay hila ng aking buhok.
"Elsie? Anong nangyari sayo?"boses ng isang lalaki. Nakayuko kasi ako dahil pinulot ko ang cellphone ko na nalaglag.
"Love, ininsulto niya ako at minura ng husto. Nag-sorry lang naman ako sa mga mali kong nagawa sa kanya noon. Hindi ko naman akalain na nagtatanim pala siya ng matinding galit sa akin. Isinumpa pa niya na sana mamatay na si Ken². Hindi ko talaga inaasahan na mananakit siya. Napaka war freak niya at sa maraming tao pa talaga niya ako sinabunutan. Love, namutla si ken² oh dalhin na natin sa hospital dali. Please buhatin mo na si ken², dalian mo na."sigaw ni Elsie.
Kaya inangat ko ang aking mukha. Nakita kong binuhat ni Ryan ang anak nila ni Elsie. Happy family huh! Ang galing mo parin umakting pang manila film festival.
Mapang-uyam na ngumiti si Elsie sa akin. Ipinakita niyang nagtagumpay siya sa kanyang layunin na ipahamak ako.
Lumingon si Ryan sa aking gawi, nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata. He mouthed "Bhella" pero hinila na siya ni Elsie paalis.
Bakit naka-video kayo? Masarap ba para sa pakiramdam ninyo na may nagkasakitan na at imbis awatin ninyo masaya pa kayong kumuha ng videos. Para lang ba may mai-content kayo dahil mga vlogger kayo? Pinagkakakitaan ninyo ang mga taong nagkasakitan or the worst is nagkamat*yan na. Kaya hindi umuunlad ang bansa sa inyo eh dahil nagiging selfish na kayo.
Naging gaham*n kayo sa salapi imbis na gumawa ng kabutihan sa kapwa. Sa panahon na hindi pa uso ang social media maayos pa noon ang utak at puso ng mga tao. Imagine they will think us first, they will prioritize what their hearts beat. Sa ngayon gumagana pa ba ang mga utak natin para unahin na gawin ang tama? May mga puso pa ba tayo para mahalin at pakiramdaman muna ang damdamin ng ating kapwa?
Oh bakit ibinaba ninyo ang inyong mga gadgets? Gets ko na ayaw ninyo na kapulotan ng aral ang aking mga sinabi. Ayaw ninyo na maging viral ang mga salitang binitawan ko. Wala kayong magiging views dahil bait-baitan ang atake ko. Pasyensya na po tao lang ako at hindi pabor sa mga maling hakbang ninyo.
Pumalakpak ang dalawang matandang lalaki at lumapit sa aking kinatatayuan.
We're happy to meet a woman like you hija. Napakaganda ng iyong mga sinasabi. Dahil sa mga makabagong teknolohiya nawawalan na ng moral ang mga kabataan. Nakalimutan ng intindihin ang mga matatandang kagaya namin na nangangailangan ng kausap at kalinga sa natitira naming mga araw dito sa mundo. Wala nang pakialam sa mga utos at payo ng mga magulang. Unti-unti ng nasisira ang anyo ng kalikasan at ang environment ng mga kabataan.
oooOooo
We had a lunch date with Lolo Sergio, Lola Ester and Tita Emerald. Pauwi na kasi ako sa America dahil may urgent ako sa hospital na aking pinagtatrabahoan. Si daddy ko ay maiiwan muna dahil may importante pa daw siyang asikasuhin.
Napaka unfair talaga dahil hindi ako makakadalo sa kasal ni ate Sanjela. Silang lahat ay dadalo sa kasal at lilipad na sila papuntang Pagadian City mamayang gabi. Ako din ay lilipad na rin papuntang manila. From Nonoy Aquino international airport kasi ang flight ko direct to New York. Kapag nasa New York na ako kailangan ko na naman na bumeyahe papuntang Phoenix, Arizona.
Mom, isama ko nalang kaya ang kambal sa aking pag-uwi.
"No princess, walang magbantay sa kanila doon. They will starve at home when you are not around."si daddy Patrick.
Asussss napaka possessive mo talaga daddy pagdating sa mga apo mo.
Nakapagpaalam na ako ng maayos sa pamilyang Ramos. Pinangako naman nila na bibisitahin nila kami sa America.
Hapon pa lang ay nasa Davao International Airport na kaming lahat. Nauna ang flight nila patungong Pagadian City. Ako naman ay nasa waiting area at naghihintay ng aking flight papuntang Manila.
Tinawagan ko si Ate Sanjela para magpaalam na. Humingi na rin ako nang paumanhin sa aking hindi pagdalo. Sa hinaba-haba ng aming chikahan nakalimutan ko na ang oras. Kaya nagpapaalam na ako na papasok na sa loob ng Airport.
Matagal na naman siguro bago ako makakabalik dito sa Davao.
Nabigla ako nang may nag-abot sa akin ng preskong bulaklak.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Para saan ba ang bulaklak na yan?
"Para sa magandang dilag na katulad mo. I'm sorry please tanggapin mo na."pambobola pa niya.
Huwag kang gumawa ng eksina dito sa loob ng airport. Tiim bagang kong sabi sa kanya....