Ryan pov Nang magising kami wala na ang girls dahil pumunta na ang mga ito sa dream park na gusto nilang dayuhin ang Haesindang Park kung saan naroon ang maraming kargadang statue. Mga pasaway talaga at iyon pa ang naging target nilang pasyalan. “Mga gagi na yon, hindi pa ba sapat ang mga alaga natin at talagang gumising pa ng maaga para puntahan ang Haesindang Park. Hindi pa ba sila kontento ang haba at tigas nitong ari natin?”si Elias. “Naumay na yata sa alaga mo bro,"sagot ni Rhaiden ang panganay na kapatid ni Yette. “Shut up kuya, alalahanin mong kasama si ate Rhaiza sa mga baliw. Siguradong naghihimas-himas na yon doon,”singit ni Yasser. “Ang ingay ninyo mga bayaw, isa lang naman ang may pasimuno at iyon ay ang bunso ninyong pasaway,”si Froilan. Natatawa nalang kami sa bangayan

